Chapter 19

6.3K 262 215
                                    

Chapter 19: Eenie Minnie

Dead end. Dead end. Dead end!

Punyeta naman mga bes, puro dead end lang ang nakikita ko kahit saan ako pumunta. Kung may signal lang sana dito pero wala eh! Anong oras na at nagugutom na ako. Wala pa rin akong nakikita kahit isa sa kanila at ang kinakatakot ko pa ay baka nandoon na silang lahat at ako nalang ang wala dahil naliligaw nga ako.

"Hello!? Is anyone here?!" Sigaw ko pero nag-eecho lang ang boses ko.

Napaupo ako sa damuhan at hinalungkat ko ang pagkain ko, nagugutom na talaga ako kaya naman kinuha ko ang baon kong tinapay bago ko iyon kinain. Mamaya na ako mag-hahanap sa mga kasama ko, mahirap kasing maghanap ng gutom ka.

"Siguro naman marunong kang mang-alok?"

Napa-angat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko, agad akong napangiti at napatayo ng makita ko si Jungkook. Inabutan ko siya agad ng tinamay na kinakain ko pero napangiti lang siya.

"Oh gosh! Akala ko wala na akong makikita na kahit sino sa inyo. Mabuti nalang talaga." Sabi ko habang pinapagpagan ko ang damit ko na nadumihan dahil sa pagsalampak ko sa damuhan.

"Pasalamat ka at malakas ang radar ko sa mga babaeng matatakaw."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, excuse me? Hindi ako matakaw! Malakas lang akong kumain.

Inirapan ko nalang siya bago ako naglakad kasabay niya.

"Alam mo bang puro dead end lang ang nakikita ko dito?" Sabi ko sa kanya kaya naman napatawa siyang bigla.

"Ako din naman eh, mabuti nalang talaga at maingay ka."

Mabuti nalang pala at naisipan kong magsisigaw kanina kung hindi ay baka kanina pa ako dito nangangapa ng makakasama.

Kanina pa ako lakad na lakad pero wala pa rin akong nakikitang tao, puro halaman lang ang nakikita ko kaya naman inis na inis na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa ako lakad na lakad pero wala pa rin akong nakikitang tao, puro halaman lang ang nakikita ko kaya naman inis na inis na ako. Sa sobrang inis ko ay ng may makita akong bato ay sinipa ko iyon agad.

"Ouch!"

Napalingon ako sa paligid ko ng may narinig akong umaray kahit na halaman lang naman ang nakikita ko sa harapan ko.

"S-Sino yan?" Tanong ko.

"Ate Deighn?!"

Napalapit ako sa harapan ko at itinapat ko ang mata ko sa kahit sa pinakamaliit na butas noon pero wala akong makita, I'm sure it's Jin!

"Jin, ikaw ba yan?" Tanong ko para makasigurado.

"Oo! Ako 'to! Nandiyan ka lang ba sa kabila?" Tanong niya pabalik.

Now I'm sure nasa harapan ko lang siya pero may nakapagitan lang sa amin ng masa halaman. Sinubukan kong isuot ang kamay ko doon pero nagkasugat lang ako kaya naman agad kong pinahid ang dugo sa skirt ko sa sobrang taranta.

School Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon