Kisha P.O.V
Malapit na ang pasko 23 ngayon ng disyembre. Ngayon ang araw ng pag lipat namin sa bagong bahay.
"Ma nasan na po yung kulambo ko?" Sigaw ko dahil nasa unang palapag ang aking mama.
"Anak, pwede mo naman palitan ng bago yung kulambo mo eh." Sagot ni mama na ngayon ay nasa harap ko na.
"Ma, alam nyo naman pong kapag wala ang kulambo ko hindi ako nakaka tulog eh. Ako na nga lang po ang maghahanap." Saad ko. At ipinagpatuloy ang pag hahanap sa aking kulambo.
Totoong hindi ako makatulog kapag wala yung kulambo dahil nasanay akong gamitin iyon habang natutulog. Ng mahanap ko ang aking kulambo na nasa loob lang pala ng cabinet ay dumiretso na ako sa baba.
Alas nuwebe ngayon ng gabi. Ewan ko ba kay mama at papa kung bakit gabi naisipan maglipat. Ang sabi naman nila para kakaiba. Anong connect?
"Anak sumakay ka na sa kotse. Ilalagay na lang namin yung ibang gamit sa likod." Tumango lamang ako bilang sagot. Bye bye house. Mahigit 5 taon din kami nakatira sa bahay na to at sigurado akong maninibago ako sa lilipatang bagong bahay.
Habang nasa byahe kami nag text na ako sa mga kaibigan ko na mag over night sa bahay namin dahil bukas ay disperas ng pasko.
"Anak, oo nga pala wala kami dito bukas ng papa mo nasa bussiness trip kami pero don't worry sa 25 nan dito na rin kami." Ani mama. Isa rin to sa dahilan kung bakit papapuntahin ko ang kaibigan ko dahil disperas ng pasko wala akong kasama. Pati sa noche buena.
"It's okay. Bukas ng hapon pupunta ang mga kaibigan ko sa bahay." Pag papa alam ko sa kanila.
"Ayos lang anak." Sagot ni papa.
Pag dating namin sa tapat ng bahay na lilipatan namin. Nanlaki ang mata ko parang naalis ang pag ka antok ko. Seriously? Akala ko pa naman-- ugh! Sabi nga nila don't expect too much. What's this? Mukang haunted house.
"Ma? Ito po ba yung binili nyong bahay? O baka naman nagkamali lang kayo ng hinintuan ng kotse? Lets go na ma! Paandarin nyo na to! Ugh! It's like haunted house." Pairap kong sabi.
Akala ko pa naman maganda. Yeah? May 2nd floor sya.
"Don't worry ipapa ayos ko to as soon as possible. Maganda naman sya ah? Kulang lang sa ayos." Bumaba na sila ng kotse. Nagawa pa nilang ngumiti?
Kumuha ako sa loob ng kotse ng hahakutin. Pag ka pasok ko palang sa loob ng bahay nag si taasan ang balahibo ko. Goosebump? Kisha? Calm down okay? Walang ghost! Kaya wag mo takutin ang sarili mo.
Tama! Wala naman talagang ghost! Malapit na ang christmas. Sana man lang dun na kami nag palipas ng pasko sa lumang bahay.
*krik krik krik*
I hate this! Ang ingay ng tinatapakan ko! Alam nyo ba yung kahoy na sahig? At kapag tinapakan mo natunog. Nakakatakot!
"Anak, ibaba mo na yan at maghakot ka pa!"
"Jesus!" Sigaw ko dahil biglang may nagsalita galing sa likod ko.
Wala akong nagawa kundi ang mag hakot. Im tired. After namin mag ayos ng gamit it's already 12:00 in the mid night kaya napag pasyahan kong matulog na. Ikinabit ko na yung kulambo sa may ding ding. Nag madali akong humiga at nag talukbong ng kumot dahil parang anytime anywhere may susulpot na ghost. Duwag pa naman ako pag dating sa mga ganon! 'Sana makatulog na agad ako' ayan ang nasa isip ko.