In Time

136 4 0
                                    

Prologue

“What I like about photographs is that they capture a moment that’s gone forever, impossible to reproduce.”

― Karl Lagerfeld

***

(1989)

AYA's POV

Bakit kaya maraming tao ngayon ang gustong balikan ang past nila? Dahil ba may gusto silang baguhin? o kaya gusto nilang maranasan ulit ang nangyari sa nakaraan na alam nilang hinding hindi na nila mababalikan? Kaya ako gagawin ko ang lahat ng makakapagpasaya sakin sa araw araw na binigay sakin ng Dyos, mahirap na magsisi sa bandang huli at maisip ko na lang na dapat may maimbentong time machine.

Kaya heto na ko at sisimulan ko ang araw ko sa..

"Aya!!" napabangon ako bigla sa kama nung narinig kong may sumigaw sa pangalan ko.

"Naku po! may sunog ba?!" taranta kong tanong sa sarili ko, "hala, mama!!! si Winnie po baka masunog sya! may sunog tulong!!" binuksan ko ang pinto ng kwarto ko para makaalis agad ng biglang...

"Aya ano ba!" nasapo ko ang noo ko na para bang tinubuan ng bukol dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa matigas na bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa mawari kung saan galing.

"Ano pang ginagawa mo jan? may sunog!"

"Nakadrugs ka ba?" pagmamataray nyang tanong habang nakapamewang na nakatingin sakin, dun ko lang din napagtanto na hindi naman pala nasusunog ang bahay.

"Akala ko kasi ma--"

"Hep, enough! Hang over lang yan okay? sabi ko naman sayo wag mong lulunurin ang sarili mo sa alak dahil lang nakipagbreak sayo si Jamil"

Kainis 'tong babaeng 'to, nakalimutan ko na nga ang bagay na ‘yun tapos sya naman pinaalala pa, asar naman oh. Yun din ang nakakainis sa pag inum ng alak, mawawala nga panandalian ang problema ko pero kapag nawala ang spiritu ng kalasingan ay babalik na ulit ang problema ko at may kasama pang hang over na pinaka ayoko sa lahat.

"Tutal wala naman palang sunog babalik na ko sa kwarto ko" tumalikod na ko at nung hahakbang na papalayo kay Kyrie ay hinawakan nya ang kamay ko

"Magbihis ka na at may pupuntahan tayo"

"Saan naman ha?" pinanliitan ko sya ng mata dahil sa sinabi nya. Wala talaga akong gana na lumabas ng bahay dahil ipagluluksa ko pa ang puso ko na pinatay ng damuhong Jamil Flores na 'yun.

Humiga ako ng walang kabuhay buhay sa kama at tinakluban agad ang tenga ko dahil sa dami ng mga sinasabi ni Kyrie na halos hindi ko na naiintindihan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Ayaw mo talaga ha? Pano kung sabihin kong ikaw lang naman ang napili ni sir Gab na icompete sa darating na piano contest" napadilat ako sa narinig ko, kahit malapit na ko sa dreamland ay bigla akong natauhan dahil sa sinabi ni Kyrie. Tiningnan ko sya ng mabuti para makasigurado kung ginugood time lang ako ng babaeng 'to.

"Style mo din noh?" napahiga ulit ako kasi alam kong pinagtitripan nya ako.

"Ano ba Aya! kung ayaw mong maniwala iiwan ko dito sa mesa ang letter na pinapaabot ni sir Gab"

"Okay sige na ba-bye" kinawayan ko pa sya habang nakatalukbong ang mukha ko at narinig ko na lang ang malakas na pagsara nya sa pinto ng kwarto ko.

Naalimpungatan ako dahil sa weird na panaginip ko at nung tumingin ako sa orasan ay alas kwarto na ng hapon, nakakaramdam na din ako ng gutom dahil sa wala pa akong kinakain simula pa kaninang umaga.

Nung natapos na akong kumain ay ipinasyal ko si Winnie sa park para makapag bonding kaming dalawa. Kahit walang breed at aspin ang aso kong 'to ay sya na ata ang pinaka cute na aso sa lahat ng mga asong nakita ko.

Dahil sa sobrang hyper ni Winnie ay napadpad kami sa bandang itaas na part ng parke at naghukay sya malapit sa puno ng acacia. Tiningnan ko ang puno at napaisip ako na sa sobrang tagal na siguro ng punong 'to ay halos lahat ng kalamidad ay naranasan na nya.

"Sana maging kagaya mo din ako" nilapat ko ang palad ko sa puno at pinikit ang mata ko. Bigla namang humangin ng malakas kaya may napadapong dahon sa buhok ko.

"Para ka talagang tanga Aya, bukod sa nagpapakaemo ay bakit hindi mo na lang ituon ang atensyon mo sa ibang bagay? Palibhasa kasi sayo ang tingin mo sa love story ng buhay mo ay laging happy ending. Gumising ka nga! nasa realidad ka" sinampal sampal ko  ng bahagya ang pisngi ko para naman kahit papano ay magising ako sa kabaliwan kong 'to.

Nahiga ako sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang langit, ang dami kong naiimagine na mga hugis ng ulap pero ang nagustuhan ko sa lahat ay ang hugis ng piano na nabuo mula sa pinakamalaking ulap na nakita ko, dun ko rin naalala 'yung letter na sinabi ni Kyrie sakin kanina.

Dahil sa excitement na naramdaman ko dahil sa letter na 'yun ay hindi ko napansin na napuluputan na pala ako ng tali ni Winnie kaya ang resulta ay nagpagulong gulong ako pababa.

"Aray ko po, hays! Winnie naman!" tinahulan nya lang ako at nung pagdilat ko ay bumungad sakin ang mga bulaklak pero ang pinaka ikinatuwa ko ay nung nakakita ako ng four-leaf clover dahil sa pagkakaalam ko ay nag sisimbolize 'yun ng good luck.

Nung nakarating na ako sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at hinanap ang letter na dinala ni Kyrie, nung nakita ko ‘yun ay naupo muna ako sa kama bago ko ito basahin. Kinakabahan akong binuksan ang letter at nung tapos ko na syang basahin hindi ko makapaniwala na matutupad na ang isa sa mga pangarap ko.

Napatingin ako sa four leaf clover na nasa gilid ng kama ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti "Lucky charm talaga kita, sana ito na ang simula ng pagtupad ng mga pangarap ko" tumayo ako at kinuha ang diary sa drawer ko. Gaya ng nakagawian ko na ay isinulat ko ang mga nangyari sakin sa buong maghapon at saka inipit ang four leaf clover sa page kung saan ako nag sulat ng entry kasama ang mga salitang

Move on

In Time **HIATUS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon