One Sided Love

65 4 6
                                    

Nagmahal ka, ang tanong mahal ka rin ba niya?

Ang sakit isipin ba sa isang relasyon ay iisang tao lang ang may gusto na maging kayo,iisang tao lang ang gumagawa ng paraan para lang maging masaya kayo.

Ano ba ang gagawin ko? hahayaan ko nalang ba na hanggang dito nalang kami?yung ako lang ang nagmamahal sa kanya?...

Alam ko namang panakip butas lang ako para sa kanya, pero ginagawa ko naman ang lahat para mahalin rin niya ako pero bakit di man lang niya pinapahalagahan ang paghihirap ko?ang sakit kasi isipin na wala akong halaga para sa kanya at ito naman ako ginagawa ang lahat para mapansin man lang niya. Tanga man ang tingin sa akin ng iba, nagmamahal lang ako at yan lang ang magiging sapat na dahilan ko.

Ako nga pala si Dianne Yu ang babaeng nagdradrama. Saklap ng love life ko, hindi nga ako single pero ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa. Nagmahal na nga lang doon pa sa taong hindi ako mahal..haayy buhay naman oh!!

Papunta ako sa room ni Clyde, boyfriend ko. Sabay kasi kami kakain ng lunch sabi ko,isang himala na lang kung siya ang magsabi sa akin niya ni hindi nga niya ako pinapahalagahan
dba?

"Nasaan si Clyde?"tanong ko sa isang kaklase niya

"Sa pagkaka alam ko nasa gym siya para magpractice ng finals" sagot niya sa tanong ko

"Ah ganun ba,Salamat" pagpapasalamat ko sa kanya

Isang basketball player si Clyde at malapit na ang finals kaya todo practice sila ngayon ng ka team niya

Nandito na ako sa gym pero ang sabi ng kateam niya nasa rooftop siya nagpapahangin kaya andito ako papunta sa rooftop

Pero isang paagkakamali ang pumunta dito,hindi ko maigalaw ang paa ko kahit gusto kong tumakbo at magpakawala

Ang sakit makita ang mahal mo na may kahalikang iba, ang sakit diba ang sakit sakit ako na binigay ang lahat pero ni hindi pa niya ako hinalikan kahit isang beses eh ang babaeng toh parang wala naman siya ginawa para sa kanya

Natigil sila sa kanilang ginagawa nila nang maramdaman nila ang presensya ko. Hindi ko na mapigilan na sampalin siya

"WALANG HIYA KA!!!ANG KAPAL NG MUKHA MO!!MINAHAL KITA PERO GINAGAGO MO AKO,ALAM KUNG PANAKIP BUTAS LANG AKO PERO UMASA AKO,UMASA AKO NA MAMAHALIN MO RIN AKO!!"hindi na mapigilan ng luha ko ang pag buhos nito

"Sinabi ko bang umasa ka?"natigilan ako sa sinabi niya hindi naman niya ako sinabihan na umasa ako pero ang pagpayag niya  na maging kami ay umasa ako at hindi ako aasa kung walang paasa

"Yun na nga eh!hindi mo sinabi saakin na umasa ako sayo!pero may ipinakita ka sa akin para umasa ako,kasi hindi naman ako tanga para umasa na wala naman akong inaasahan!wala ka ngang ginawa!wala kang ginawa para sa akin!Alam mo ba ang pakiramdam na parang ako lang ang nasa relasyon natin?yung ako lang ang gustong manatili run?!!Yung ako lang ang ang nag-eefort para sa ating dalawa! mahirap!pero ayaw kong sumuko!alam mo ba ang pakiramdam na kahit anong gawin kong lambing sayo,wala parin!!!Kung noon ayaw kong sumuko dahil akala ko may aasahan ako pero ngayon susuko na ako dahil ang sakit sakit pa..." hindi ko na talaga kaya parang tinutusok ng mga pako ang puso ko

Umalis na ako at nagpakalayo layo na,ang sakit sakit pa!parang unti unting binubuwal ang damdamin ko

Nagmahal ako ng todo pero niloko lang ako ng taong ni minsan ay hindi ako minahal

Maybe my eyes need to be wash by my tears to see the right people who truly love me..

~~~~~

2 years after...

Andito ako ngayon sa mall namimili,bibisitahin ko rin kasi yung botique ng mommy ko may ipinapa-asikaso kasi sa akin si mommy sa boutique

Ouch..

May naka bunggo kasi sa akin

"Sorry....Dianne?"sino ba toh?ba't niya ako kilala??

Tiningnan ko kung sino yun and guess what?!ang dakila kong ex!

Remember kung kailan ako nagpakatanga pero no worries I already moved on

"Oh Clyde ikaw pala"bati ko sa kanya and give him my sweet smile para ipakita na hindi na ako apektado sa kanya,like duh!2 years na kaya yun pero may part sa akin na nasasaktan parin

"Sorry again"

"para saan!?para sa pang gagago mo sa akin noon"

Pero syempre joke lang hindi ko yun sinabi sa kanya baka mag assume siya na affected parin ako sa kanya...WHO U?!

"Okay lang"sagot ko

"May kasama ka ba?can I invite you for a coffee"parang nagugutom narin ako so wag na pakipot Dianne

"Okay"simpleng sagot ko

Andito na kami sa isang cafe at umorder na, kaya ngayon hinihintay nalang namin ang inorder namin

Hindi ko alam kung ano ang pag uusapan namin, napakatahimik namin walang nagbabalak na mag salita, hindi kaya mapanis laway namin?Joke!..hehehe..lellz corny!

"So....kamusta ka na?balita ko kababalik mo lang dito galing Canada"sa Canada kasi ako nag aral bilang isang fashion designer

"Okay lang naman,ikaw?"tanong ko sa kanya

"Same"tipid niyang sinabi

Spell awkward K-A-M-I...

Mabuti nalang at dumating na ang inorder namin para mabawas bawasan ang awkwardness

"I'm sorry"kanina pa niya sinasabi na sorry nakakairita na "I'm sorry...kung nasaktan kita noon"natigilan ako sa sinabi niya

Tama ba narinig ko!?nag sorry ba talaga siya?

"Alam ko hindi naging maganda ang nakaraan natin kasi sa ginawa ko,alam mo ba nag bago na ako hindi na ako ang lalaki na nang gago sayo noon"mabuti alam niya na gago siya

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta ang alam ko lang ang tanging ginawa ko ay ang umiwas na lamang ng tingin

Bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko na ikanabigla ko naman pero tinanggal ko ito kaagad

"Please..give me another chance...I'll prove you that I already changed"pagmamaka awa niya

"Pero hindi na kasi ako yung dati nagbago na rin ako"kung nagbago siya nagbago na rin ako noh

"Please give me another chance"pag mamaka awa ulit niya

"I'm sorry talaga pero tama na ang magpakatanga sayo noon"lakas ko mangonsensya, tumayo na ako

"You know what my biggest mistake wasn't falling for you it was thinking you'd fallen for me too"pahabol ko sakanya at iniwan siyang bigo

Kaso lang may nakalimutan akong sabihin sa kanya kaya bumalik ako

Nagtaka siya sa ginawa ko

"Thank you.."sabi ko na ikinakunot ng noo niya

"Thank you kasi ginago mo ako noon,thank you dahil sinaktan mo ako noon dahil kung hindi baka hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako sayo at thank you kasi sa pananakit mo sa akin noon dahil sayo nahanap ko kung sino talaga ang nagmamahal sa akin ng totoo and sad to say hindi ikaw yun" and bow..nasabi ko na rin whoaah ang hirap nun ah

So ayun na nga pagkatapos kong mag speech ay umalis na ako ng tuluyan

Kaya para sa mga one sided love huwag na kayong umasa masakit kasi lalo na kung walang kasiguraduhan kung may aasahin ka ba..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Date Started:December 20,2016
Date Finished:December 21,2016

Congratulation to me..whahaaa... I MADE IT😀😀

One Sided Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon