Inday's POV
"Hmmm...Inday papasok na ako huh?,tsaka pakigising narin si Ryl mo.Mag-aalas dose na eh"
sabi ni ma'am lily saakin,ang amo ko at oo tama kayo ng pagkakadinig amo ko sya at ako? Maid ako dito sa bahay na ito.
"Aah,sige po ma'am mag iingat po kayo"
Sabi ko naman sa kanya,ngumiti lang sya sakin sabay alis narin.Haaysht! Back to reality na nga tayo,sa ayun nga maid ako dito,at take note ako lang ang nag iisang maid dito.Nakakapagod no? Ako lang mag isa,pero Hindi paano ba naman kasi ang trabaho ko lang tigaluto,tigahugas ng pinagkainan at higit sa lahat...Ten tenenen.....TIGA GISING ng isang BATA BATUTA pwe! Kaya heto ako ngayon papunta sa kwarto nya at gigisingin sya sapagkat datapwat mag aalas dose na po ng tanghali pero sya Ay kasalukuyan paring humihilik..Kumakanta kanta ako habang papa akyat sa Taas Habang iniimagine na isa akong reyna na papa akyat sa kwarto NYA hab-----
*booogssssh*
" aray anak ng tokwa naman ooh!"
Uwaaaah may nabangga ako at mukhang bumagsak yata ako sa sahig langya naman ooh,kinapa kapa ko na yung sahig para naman makabangon ako pero teka
"Ang bango aah *sniff sniff*"
Oo nga tama kayo ng basa,mabango talaga kasi yung sahig tsaka
"Hmmm...Bakit parang pinagpapawisan? Tsaka bakit bigla biglaan naman yatang naging puti yung sah---''
bigla nalang akong napatigil sa pagsasalita ng may biglang tumulak sa akin palayo kaya natumba ako"YOUUUU??ALIS!!"
Uwaaah si sir ryl pala yung nabagsakan ko ajuju
"Sir,sorry ho diko po talaga sinasadya"
"Sh*t nakakadiri ka alam mo ba yun?"
Huh? Eh naligo naman ako aah? Paanong nakakadiri ako?"Hindi ko po alam" sagot ko sa kanya,pero ang bakla bigla nalang akong inirapan tsaka sya padabog na umalis kaya natapakan NYA yung paa ko,remember natumba nga ako ulit...
"Aray!" Daing ko nalang,eeh kayo kaya matapakan sa paa ng isang lalaki,tsk.Naiiyak nanaman ako,Kay bago bago palang ako dito ganon na sya umasta,nakuu kung Hindi lang dahil sa scholarship na ibibigay sa akin ng mama nya para makapag aral di ko na tatanggapin yung alok nyang dito na ako titira sa bahay nila para maging kasambahay...
**FLASHBACK**
Kakarating ko lang dito sa manila,lumuwas kasi ako para maghanap ng trabaho ipangtutustos ko sa pag aaral ko sa kolehiyo,tsaka para narin makatulong ako kila mamang at papang.Pero mukhang mawawala pa yata ako kaya naisipan Kong tumawid muna galing bus station para makapagtanong tanong ako..Dahil nasanay ako sa probinsya na wala masyadong dumadaan kaya tumawid ako ng dire diretso
**beep beep*
*booogsssh*
"Aray!" Nabangga ako ng sasakyan,uwaaaah ang sakit ng balakang ko walang hiyang driver yan
"IJA,are you okay?"
Tanong saakin nung Babae,walang modo tinatanong pa ba yun"Sa tingin mo mukha ba akong okay? Binangga mo Kaya ako,porket magara na ang sasakyan mo gaganunin mo na ako? Ahy ambot nalang gud"
Dire diretsong sabi ko sa kanya,tapos bigla nalang syang napakurap kurap ng ilang bases"Ooh I see,let me bring you to the hospital" di na ako nagsalita at tumango nalang masakit kaya balakang ko no,
*****
"She's okay minor injury lang naman"
"Ooh I see,thank you doc."
"No problem"
Pagkatapos nilang mag usap ng doctor Ay binaling nya yung tingin nya saakin tsaka lumapit
"Okay ka na daw,sorry IJA huh?"
"Okay lang po maraming Salamat din po tsaka sorry po doon sa pagsigaw ko sa inyo kanina" pagpapaumanhin ko naman,bigla naman sya ng ngumiti saakin
"Its okay,if you don't mind saan ka patungo?"
"Kakaluwas ko lang po kasi galing probinsya maghahanap po sana ng trabaho pang tutustos ko lang po para sa pag aaral ko"
Sabi ko naman sa kanya, bigla namang nagliwanag ang mukha nya"Ooh,what a perfect timing nag hahanap ako ng working student so why don't you apply on me? Anyway wala naman masyadong tratrabahuin sa bahay so ano?"
Di na ako nagpaligoy ligoy pa at agad na akong pumayag bakit pa ako tatanggi no?"Sige po,maraming Salamat po"
***end of flashback***
Di ko naman na kasi alam na ganoon pala,oo wala namang masyadong trabaho dito sa bahay bukod sa tiga tiga lang ang trabaho ko ang main purpose pala ni Ma'am Lily ay yung anak daw nyang tamad kaya nya ako kinuha para maging tiga tiga ng Anak nya,tsk...Eh kung alam ko naman palang ganito ang ugali ng anak nya? Naku!! Pero Kay ma'am lily ako umoo at Hindi Sa anak nya kaya pagbubutihin ko nalang ang pagtratrabaho ko para makapagtapos at makatulong kina namang at papang.Aja ka Lang inday makakaraos ka din grrr....Rawrrrr!! Hahaha