Chapter 1_ First in counter with Mr. Handsome

7 0 0
                                    

Chapter 1_ First in counter with Mr. Handsome



(Shirmel's P.O.V)  



"Anak gising na at malalate kana sa school!"   Gising sakin ng maganda kong mama, at nagkukusot ako ng matang bumangon sa pagkakahiga ko para maghanda sa pagpasok ko.

Sya nga pala di pa ko nagpapakilala..

Shirmel Zamora 13 year old, 1st year high school sa Love High Academy!

Time check

"Oh my God 6:30 na mama bat di mo ko ginising ng maaga malalate na po ako" mangiyak- ngiyak kong sabi kay mama.

"Eh anak kanina pa kita ginigising e ayaw mo naman gumising e tsaka di ba 7:15 pa naman ang simula ng klase mo??" sabi ni mama

"Ma' naman e alam mo namang mabagal akong kumilos tsaka heler Ma' first day of school ko ngayon sa high school tapos late ako". saad ko sa nanay ko



(Mella's Pov' mother ni Shirmel)


"Ay sya kung yang nginangawa mo dyan ay ikinikilos mo ide natapos kana sana."

Talaga tong batang to. Di alam na kanina ko pa sya ginigising  di naman sya nagigising tapos ako pa ang sisihin nya na malalate na sya sa school tulog mantika naman sya! .

Tapos sisimangutan nya pa ko e kasalanan nya naman ang ingay ingay  kung ung pinag dadadakdak nya  kinikilos nya edi natapos na sana sya.

Ay naku makabalik na nga sa ginagawa ko at di ako matatapos nito eh ..

At agad akong bumalik sa kusina para tapusin ang paghuhugas ko ng pinggan..


(Shirmel P.O.V)    


At nagmadali na nga ako sa pagligo at pag bibihis dahil siguradong tatalakan lang naman ako ni mama at talagang malalate nadin ako sa pagpasok. Pagkatapos kung mag ayos ng sarili at  gamit ko ay mabilis akong nag paalam kay mama.

Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makarating sa gate ng school namin.

Pagkapasok ko sa gate ay agad akong nagtanung kay manong guard kung saan ang bulletin board at patakbo kung pinutahan para malaman ko kung saan ang room ko. 

Ng sa di inaasahan ay may naka-bangga akong isang matigas na seminto at napa upo ako sa sobrang lakas ng impak ng pag-kakabangga ko sakanya.

 At ng mag angat ako ng tingin ay imbes na magalit ay natulala pa ako at muntik pang tumulo ang laway ko sa nakita kung isang gwapong nilalang na seryusong nakamasid sa akin.

Bumalik ako sa katinuan ko ng bigla syang nagsalita.

"Ano ba miss ba't  ang tanga tanga mo di ka tumitingin sa dinadaanan mo bulag ka ba??" Walang emosyon nyang sabi sakin..

Na agad nagpasimangot sa napaka amo at maganda kong mukha. Ay nakakainis naman sya sa isip - isip ko ang gwapo - gwapo pa naman pero  ang sama - sama naman ng ugali di man lang ako tinulungan..

Love High AcademyWhere stories live. Discover now