Just woke up, first day of school be like.
Ako si Chloe Shainne Mendez 19 years old and a college student. Mahilig akong makinig sa mga music at sumayaw, simula bata palang kasi ako tinuturuan na ako ng mga magulang ko dahil lahat sa angkan namin ay sumasayaw, kaya ayun. I have 2 siblings si kuya Cayle, (Sounds like kyle) at yung twin sister kong si Veron, yes! Kambal kami :) by the way, I like selfie pala halata naman diba? Lol.
"Shainne nandito na sila Sofia at Athena, baka malate kayo"sigaw ni mama. Ay shit! Ayokong malate sa first day ko sa school no! Namiss ko din yung mga baliw kong classmates.
"Opo, ma! Pababa na po." I replied. at bumababa na din ako at umalis na sa bahay, di na ako kumain kasi baka malate ako eh ang susungit pa naman ng mga prof dun sa school.
Si Sofia Dela Cruz, at si Athena Lim ay ang aking bff since mga bata palang kami magkakaibigan na kami kasi mag kakaibigan din yung mga magulang namin.
Si Sofia, ang pinakang ate saamin, maganda kaya nga madaming nanliligaw sa kanya eh pero loyal sya sa boyfriend nya, 4 years na sila. Ohaaa stay strong sila. Si Athena naman sya ang pinakang matakaw, madaldal, mayaman sa aming tatlo at kung tatanungin nyo kung may boyfriend sya? Wala. kasi ayaw nya daw munang magkalovelife dahil sawa na daw masaktan pero ang dami nyang crush sa school.At sa wakas, nakadating na kami sa school, namiss ko to.
"Omg, namiss ko tong school natin, namiss ko yung mga foods, namiss ko yung ..." Bago nya pa sabihin yung sasabihin nya pinutol naman ito ni Sofia.
"Yung mga crush mo?"
"Hindi ah! Tsaka wala na akong crush, puro taken na sila eh!" sagot ni Athena. Ewan ko ba naman kasi dito kay Athena, sobrang daming crush pero puro taken naman.
"Kay Jem ka nalang kasi, para wala kang kaagaw hahaha" singit ko.
"Ew yak, ayoko nga dun! Never akong magkakagusto sa uranggutan na yun!"
"Sus, sabi nga nila 'the more you hate the more you love" pang aasar namin sa kanya.
Habang naglalakad kami papunta sa room namin, biglang nagsigawan yung mga taong nasa paligid namin na parang may nakitang artista kung makatili at kiligin tong mga babaeng to! For sure nakita na nila ang mga players dito sa school, mga pogi din naman kasi, pero loyal ako sa crush ko no!
"Omayyyyghaaad?!! Lalo silang pumogi!!!" sigaw ni Athena.
"Pogi nga! Ang yabang naman! Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan nyo dyan sa mga lalaking yan!" sabay sabat ko sa kanila.
"Ito naman, ang laki ng problema sa mga pogi"
Sa totoo lang wala talaga akong problema sa mga pogi, sila ang problema ko, yung mga mayayabang na yun! Akala nila lahat ng babae magkakagusto sa kanila, duhhh sorry mainit talaga ang ulo ko sa mga mayayabang eh.
Nakadating na kami sa classroom namin, ganun padin naman yung mga kaklase namin, nadagdagan lang ng mga nag transfer pero sa tingin ko naman mga mababait sila, kaya okay nadin. Mga ilang saglit lang ay dumating na sa room yung prof namin.
"Okay class, kamusta ang bakasyon nyo? I hope inenjoy nyo yun, because from now on magiging busy na kayo dahil next year gagraduate na kayo, so good luck class!" sabi ng prof namin. aysss, oo nga pala next year gagraduate na kami, kaya dapat ienjoy ko na tong year na to!
Di kami masyadong naistress dahil first day of school palang naman, pero naririndi lang yung mga tenga namin dahil sa paulit ulit na paalala samin ng mga prof namin dahil nga kakagraduate na kami next year, at sure ako na papahirapan kami ng mga prof namin haysss good luck talaga.
Papasok nako sa bahay nang biglang narinig kong may kausap si kuya sa cellphone.
"Oo na! Pare basta ikaw na ang bahala ah!"
"Ako bahala sayo, kaya nga gustong gusto kita para sa kapatid ko eh"
"Sige pre bye"
-------------------------------------------------------------------------
Hi guys! Sana po suportaha nyo ako sa first story ko :))thankyou!
#love #me #or #break #me

BINABASA MO ANG
"Love me Or Break me"
RomancePaano ba magmahal? Di ba pwede pag nagmahal ka di ka masasaktan? Pero sabi nga nila kung handa ka magmahal, dapat handa ka ding masaktan, dahil kakambal ng saya ang lungkot.