[9]

6 0 0
                                    

[Brianne's POV]

"Opo, at kasalukuyan bumabagsak yung grado ng anak nyo po..." Lumabas ako sa loob ng office habang busy na kinakausap si mudra nung adviser ko.

Humigop ako ng hangin at mabigat na inilabas ito. Mag-iisang linggo na at kalahati simula ng hindi na ko pinapansin ni Jinyoung. Iniisip ko na bumalik na kaya ng tuluyan yung ala-ala nya?

Ang dami ko pa naman kasinualingan na sinabi sakanya, ang dami... Kahit yung mismong pangalan nya peke lang. ARGH!!! NAKAKAHIYA AT NAKAKAPAGSISI. BRIANNE ANO BANG SUMANIB SA'YO AT NAGAWA MONG GAWIN ANG LAHAT NG ITO.

Napapikit ako sa inis at paulit-ulit kong pinukpok yung ulo ko sa pader.

"Hindi ka pa mamatay sa lagay na nyan, nirerecommend ko na duon ka sa building tumalon at huwag yan ang gawin mo."

Ang boses na iyon- Inangat ko yung ulo ko at nakita si Jinyoung. Hindi, bakit iba yung boses nya? Pumikit ako ulit at umiling, pagbuka ng mga mata ko nakita ko si Minhyuk na nakangisi.

"Gusto kong makapag-isa." Diretsong sabi ko at tumalikod sakanya.

"May ginawa bang mali sa'yo si Jinyoung? Sinaktan ka nya ba? Sabihin mo saakin ang lahat ng mapatay ko ang lalaking iyon!"

Isa pa to dumadagdag sa problema ko. Hindi ba nila nahahalata na stressed na ko? Tignan nyo yung nukha ko ang pangit na nga pumangit pa lalo!

"ANO?!" Dagdag nya ba sabay hinila yung braso ko paharap sakanya.

"PAKYU. KA. TO. THE. INFINITY. AND. BACK. PWEDE BA MINHYUK IWAN MO MUNA AKO!" Nagtitimpi na sambit ko saka inis na inalis yung kamay nya sa braso ko tsaka siya nagwalk-out.

Edi good! Ang dali mo lang palang paki-usapan kapag nimura kita.

May nakita akong bench sa dulo kaya umupo na muna ako.

Masyado kong dinaramdam yung problema namin ni Jinyoung, at halatang nasasaktan na din siya. Gusto nyang malaman kung sino ba talaga siya, pero... Ako din gusto kong malaman.

Naiiyak nanaman ako

Narinig kong bumukas yung pinto at nilapitan ako ni nanay. Nalulungkot na din siya sa sitwasyon na ito, syempre dahil araw-araw kaming mag-kakasama alam ni inay na hindi kami bati ni Jinyoung.

_______________

Gabi na ng naka-uwi ako galing sa bahay nila Lyn & Fei. Habang tahimik ako na nag-lalakad, iniisip ko si Jinyoung, hanggang sa di ko namalayan na umuulan na pala.

May nakita akong convinence store kaya pumunta ako duon para sumilong muna.

Naka-tunganga lang ako nang napansin ko yung lalaking katabi ko, nakapang-disguise siya. OMG SHOX ANG GWAPO NYA, BRIANNE MAKAKAPAG-MOVE ON KA NAㅡPERO HINDI MAS GWAPO PA DIN TALAGA YUNGGGGG ******** NA YUN!

Ang init-init dito sa PH tapos siya nakabalot. Naka-itim na t-shirt, na sombrero, na converse, na pantalon, at bag.

Siguro napansin nya na tinitigan ko siya kaya napaharap siya saakin, agad akong umiwas ng tingin.

Narinig kong tumawa siya, pero yung tawa lang na chill. SHIT.

Mas lalo tuloy akong nanginig dahil sa ginaw at sa kanya.

"Fan mo ba ko nito?" Bulong nya sa sarili, ay teka lang nag-korean siya.

Lumipas ang isang minuto, nakaramdam ako ng tapik sa braso ko. Humarap ako kung saan nanggaling yun.

Ah, duon sa poging lalake pero mas pogi pa si Jinyoung.

"Do you know how to speak Korean?" WOW ENGLISH.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can You Run?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon