F E B R U A R Y 1 4 2 0 1 7
Happy Hearts Daaaaay!
------------------------ 🌸 -----------------------Uwian na namin. Kasalukuyan akong naglalakad papunta ng parking lot. Nauna ng umalis saakin sina Astrid dahil may lakad daw sila ni Hiccup. Hindi ko alam kung may namamagitan na sa dalawang yun dahil madalas na silang magkasama. Si Bella naman ay maagang pinauwi ng mga magulang niya. Baka may lakad sila. Si Marc, ewan ko dun. Nagpaalam kanina na aalis muna sandali. Kaya nag-iisa ako ngayon
"Hermione!" May tumawag nanaman sa napakaganda kong pangalan. At kilalang-kilala ko kung sino iyon. "Hiro.." Nakangiting banggit ko rin sa pangalan niya. Bakit nawala yung 'anong problema mo nanaman?' or yung 'kailangan mo?'
Nakakalungkot lang isipin na nagbago na talaga ang lahat. Noon kasi meron pang 'napakaganda bespren ko' kapag tinatawag niya ako or kapag binabati niya ako. Most of all, kapag may kailangan siya. Nasaan na ang mga yun?
"Pwede ka bang makausap?" Tanong niya saakin. Napatitig ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at batukan. Pakiramdam ko, sa mga nagdaan na araw, kulang ako. Ngayon ko lang narealize na yung isang parte ng buhay ko ay nawawala. Ngayon lang na nandito siya sa harapan ko. Kulang ako kapag wala siya. Namiss ko siya..
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko bago napayuko. Ayaw ko ng titigan ang mga mata niya. Hindi ko makita ang Lyles ko na masigla at mapang-asar.
"Tungkol sa kasal." Napakunot ang noo ko. Tungkol sa kasal? Diba ayaw niya yun? Or baka naman magmamakaawa siya na huwag ko na ipatuloy yun? Baka naman pakikiusapan niya ako na si Nikka ang mahal niya at gusto niyang pakasalan kaya wag ko ng ipatuloy. Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako.
"Uhm.. Sige, saan?" Tanong ko sa kanya. "Dun na lang sa park ng subdivision." Sagot niya. Tumango na lang ako saka na sumakay ng kotse ko. Tinalikuran na rin naman kasi niya ako kaya wala ng dahilan para magstay ako sa kinatatayuan ko.
OoooOoooOooo
Magkasabay lang kaming nakarating dito sa park ng subdivision namin. Dumiretso siya sa isang swing kaya naupo rin ako sa tabi nito. Kinakabahan ako sa kung anuman ang sasabihin niya. Feeling ko tuloy para na siyang makikipagbreak saakin pagkatapos ng almost 16 years na relasyon namin.
"Anong pag-uusapan natin?" Ako na ang unang nagsalita. Habang tumatagal kasi ay mas lalong lumalaki ang kaba sa dibdib ko. Pinaoatay na rin ako ng kuryosidad sa kung anuman ang sasabihin niya.
"Tungkol sa kasal..." Paninimula niya. Lumunok muna ako saka napatango. "Please, tell them na itigil na iyon." Isang pangungusap pa lang, masakit na. Kailangan ko pa ba maghanda sa mas hihigit pa dun? "I want to marry Nikka someday. Siya ang mahal ko at sa kanya ko balak ialay ang buhay ko. Hermione, sigurado ako, pakikinggan ka nila. Please, si Nikka ang mahal ko at--"
"Hindi ako. Okay, I got it..." Ramdam ko ang nagbabadyang luha kaya napatingala ako saka pinilit ngumiti. "Hiro, hindi ko alam kung matutuwa ako na magbest friend tayo or malulungkot dahil hanggang doon lang talaga tayo." Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko nang may nakawalang luha mula sa mata ko. Ito na, kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. "Magbest friends tayo mula pa mga bata tayo. Akala ko hanggang doon lang yun. Akala ko hindi na hihigit pa ang pagmamahal ko sayo. Baliwala lang naman saakin yung mga babaeng nagugustuhan mo noon. Kaso ngayon, habang tumatagal kayo ni Nikka, nasasaktan na ako. Nagseselos ako dahil mas binibigyan mo na siya ng oras kesa saakin.." Umiiyak na ako habang nagsasalita ako. Bawat pangungusap na sasabihin ko ay pinamamagitan ng hikbi.
"Hermione." Napangiti ako ng malungkot nang marinig ko ang malamig niyang tinig. "Alam mo naman noon pa na si Nikka ang mahal ko. Bakit ako pa?" Tanong niya. Natawa naman ako ng konti. Ang tanga talaga niya. Sa tingin ba niya ginusto ko na mahalin siya? "Tinatanong ko nga rin yan sa sarili ko. Bakit ikaw pa? Ang dami namang iba dyan. Kaso, wala naman akong nakukuhang sagot sa tanong ko." Bahagya akong natawa saka napailing. Mapaglaro ang tadhana. Pero bakit parating ako ang taya? Madaya!
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17