Mahal kita kaya gusto kung maging tanga ulit pero tama na, kasi ako na ang pinakatanga sa lahat ng tanga.
Gusto kong pigilan ka na 'wag lumayo saakin, pero paano kung ikaw mismo 'tong lumalayo? Hinawakan ko ang kamay mo, pero tinanggal mo ito. Pinilit kung hawakan ng mahigit pero mas malakas ka at nakalas mo ito.
Mahal kita, pero nakakapagod na. Mahal kita, pero hindi na sapat ang salitang mahal kita. Minahal kita ng buong puso pero winasak mo lang at sinayang. Mahal kita, pero walang mahal mo ako. Mahal kita, mahal na mahal pero ubos na ubos na ako. Wala ng natira.
Mahal na mahal kita kaya nakalimutan ko nang mahalin ang sarili ko. Mahal kita, pero may hanganan. Hindi dahil sa nawalan na ako ng pagmamahal sayo, kundi dahil mahal kita pero hindi mo ako mahal.
Lahat may katapusan, may limitasyon dahil nakakapagod magmahal at maghintay ng para sa wala. Nakakapagod magmahal ng isang tao na hindi ka naman kayang mahalin pabalik. Nakakapagod maging tanga. Kaya tama na.
Kailangan ko namang mahalin ang sarili ko. Kailangan ko ng protektahan ang puso ko, dahil durog na durog na ito at kailangan ng mahabang oras para maayos ulit.
Kailangan kung hanapin ang sarili ko. Kailangan kung harapin ang lahat ng wala ka sa tabi ko. Kailangan kung sanayin ang sarili ko na huwag kang maisip dahil baka 'di ko mapigilan at magpakatanga na naman ako.
Mahal kita, pero hanggang dito nalang.
END.