Chapter 3 - LOVE

39 3 2
                                    


*Nnel POV

"Oh. Inom ka muna, ayiie ang sweet nyo kanina ni Abbie ha. May chemistry talaga kayong dalawa. AbNnel For The Win. Wahahaha"

Sinamaan ko si Hycel ng tingin sabay kuha ng tumblr na inabot nya sakin.

Break kasi namin sa praktis ng Mr and Ms T.S.

Uminom na ako ng tubig.

"Tigilan mo ako Hycel" walang emosyon kong sagot.

"Ba't ba ayaw mo kay abbie"

Dahil ikaw ang gusto ko at hindi siya.

Yan ang mga gusto kong sabihin sa kanya pero nagkibit balikat lang ako.

"Tanggi pa. Tingnan mo si Abbie oh , nakatingin sa'tin."

Lumingon ako sa tinuro niya. Pagtingin ko kay Abbie agad naman siyang nagiwas ng tingin.

"Sabi ko naman sayo may gusto sayo si Abbie tapos bagay pa kayo. Ligawan mo na kasi."

"Sige. Tinatawag na kami"

Tumayo na ako at hindi pinansin ang mga nauna niyang sinabi.

"Oyy. Nnel alis muna ako."

"San punta?" Agad kong tanong.

"Magsasauli lang po ng libro sa may library"

"Auh. Sige Ingat"

Tumayo na din siya at bago tuluyang umalis nagwave pa sya sakin, ako naman nginitian ko lang siya.

Lumakad na din ako papunta sa mga co candidates ko.

Pero may dalawang bagay pa rin na bumabagabag sakin.

Unang una bakit kasi hindi mapansin ni Hycel na siya ang gusto ko at hindi si Abbie.

Pangalawa Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Hycel na nasa puder na ako ng hinayupak kong Tatay.

*Hycel POV

Naglalakad na ako papuntang library habang bitbit ang mga libro ng Calculus.

Auh. Shit Wala nga kaming Klase ng 2 weeks puro nagbigay naman ng gawain.

HomeSchool. Amp.

*bzzt bzzzt

Ano ba yan sino na naman to. ?

Pilit kong kinukuha ang cellphone ko sakin bulsa habang naglalakad nang may bitbit na mga libro.

*blaaag

"Hala sorry po. Hindi po kasi ako natingin sa dinadaan ko eh. Sorry po talaga."

"Okay lang"

Bigla akong napatingin sa nagsalita. Nasa Heaven na ba ako? Bakit may anghel?

Si Kuya Jaycee lang naman ang nakabangga ako. Omg Destiny kami.

"Hoy . eto na mga libro mo" napabalik lang ako sa katinuan ng nagsalita si Jaycee

"S-salamat kuya"

"Teka samahan na kita baka kasi makabangga ka pa ulit."

Waaah How sweet.

"Nakoo. Wag na po. Okay lang ako" dapat pa hard to get muna.

"Lakas maka 'po' ha , pero hayaan mo akong samahan ka?"

Kyaah . Im feel so haba ng hair. Tatanggi pa ba ako?

"Sige po. Kayo bahala"

Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad. Pinagtitinginan na kami ng iba kong school mate. Pero dedma lang sila kay Jaycee kaya Dedma narin sila sakin.

Our LieWhere stories live. Discover now