A letter to my Ex

93 2 0
                                    

By: damselvale

A letter to my Ex,

I know that you knew me, besides I am your only one Ex.

Yeah, This is Haru. Ang nag iisang Lalaking umabot sa standards mo. Ang Ideal man mo.

Gusto ko sanang sabihin sayo na hindi talaga ako ang Ideal Man mo.

Nandaya ako. Madaya ako. Dinaya ko ang lahat para lang magustuhan mo ako.

Nung araw na nawala ang posts it mo. Hindi mo yun nawala. Ninakaw ko yun.

Naaalala mo nung tabi tayong nag bayad ng tuition fees sa registrar?

Nabunggo kita. Nag sorry ako sayo. Hindi dahil nabunggo kita, kundi dahil kinuha ko ang posts it mo.

Nacurious kasi ako nung nakita kita sa library. Nag susulat ka non sa posts it, pero hindi mo ito tinanggal sa pag kakadikit doon.

Nagtaka ako. Sinong taong bibili ng posts it pero hindi naman gagamitin ang pandikit noon sa likod? Ikaw lang ata.

Nang makita kitang nag babayad ng tuition fees sakto namang bibili ako ng bagong ID lace, nawala ko kasi yung sa akin.

Tinabihan kita nun. Nakita ko ang posts it sa bulsa mo malapit na itong malaglag kaya naman binunggo kita non.

Nahulog mo yun at agad ko naman itong kinuha at itinago palayo sayo. Naguguilty ako, pero ginusto ko din ang ginawa ko.

Kinagabihan binasa ko ang laman ng posts it mo. Sa unang pahina walang nakasulat.

Sa pangalawa nakalagay ang mga gusto mo sa isang lalaki. "MY IDEAL MAN" Yan ang nakasulat doon sa posts it mo.

AKO. Ako ang Ideal Man mo. Sa nakalagay sa posts it mo. Ako lang ang dinedescribe mo. Nakakatuwang malaman na Ideal Man ako ng babaeng mahal ko. Ideal man mo ako.

#10.) He must be a good son.

- Ayan ang pang sampu sa mga katangian na nakalagay sa posts it mo. Nag umpisa ka talaga sa pinakahuling number.

I am a good son. Wala akong kapatid at mahal na mahal ko ang magulang ko.

Naging tayo ng hindi ko namalayan. Akala ko ako ang unang gagawa ng moves, pero inunahan ako ng tadhana.

Naaalala ko nung unang araw na na-notice mo ako. Napagtripan lang yun ng tropa ko. Niyaya niya akong maglaro ng dota. Tinanggihan ko siya. Ang sabi ko hindi ako marunong maglaro ng computer games.

Biglang may nahulog na kung ano sa likuran ko. Nakita kita at nahulog mo ang librong dala dala mo.

Alam kong nasa likod ka lang at nakikinig. Tsinempuhan ko talaga yun. At nag sinungaling ako. Marunong akong mag dota at lahat ng computer games ay hassler ako. Ginawa ko yun dahil nakasulat sa posts it number nine.

#9.) He must not know how to play any computer games.

Sinadya ko yun para magulat ka. Kilalang kilala na kita. Since elementary same tayo ng school na pinasukan, pero hindi kita naging ka-klase kahit isang beses man lang. Kaya hindi mo ako nakilala.

Nakilala kita noong araw ng birthday ko. Wala akong masyadong kaibigan noong elementary dahil ayokong makipagkaibigan. Kaya walang nakakaalam ng birthday ko.

Nakakalungkot din pala ng wala man lang bumati sayo. Pero nakita kita noon. May kaaway ka non. Isang lalaki. Nagtataka akong lumapit sa inyo.

Ang sabi mo noon ay babae ka at birthday mo kaya dapat sayo mapunta ang nag iisang lobo na binebenta nung Lolo.

A Letter to My ExWhere stories live. Discover now