CHAPTER 18

19.5K 282 6
                                    

GERALD:

Nakaupo ako sa loob ng isang bar na ang nakikita at naririnig ko lamang e yung malalakas na tugtog ng new hits na music tapos kumikislap kislap na ibat ibang kulay na para bang laser ewan. 

Sinama ako dito ng teammates ko, bonding daw pero wala talaga ako sa mood makipagbonding. Bakit kamo ako sumama? Sabihin nalang natin mas gusto ko na ito kesa makaharap si Riko sa oras na ito. Depressed? Pfft, hindi ako depressed ah! Denial na kung denial pero mas gusto kong makalimut muna. Oo kaibigan kami and ayaw ko mawala yun samin kaya natatakot ako na naguguluhan. Ang bigat talaga ng dinaramdam ko.

Ang hirap magmukang OK sa harap ni Riko, tila ba parang nasasakal ako pero at the same time pinipilit ko na ako pa din ang Gerald na kilala niya na kunwaring walang nangyari sa amin dalawa. Hindi kami naghalikan, mmm, medyo umaliwalas muka ko nang maalala yun, sh*t stop! Tama na Gerald, hays, and di rin nakakatulong na pinagtapat ko sa kanya nararamdaman ko pero binaliwala lang niya. Ouch! Hindi naman sa sinadya niya yun kasi nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulo sa isip niya. Naiitindihan ko, ako na ang nagpaubaya at nag astang kalimutan nalang ang lahat na nangyari. Ok na yun, parang may sumikip sa dibdib ko, pero binaliwala ko nalang.

Nilaklak ko ang isang baso puno ng beer at nilapag sa mesa ng di ko namalayan na napalakas ng bahagya. 

“Gerald ok ka lang?” pagaalalang tanong ni Evan.

Ah right sinama pala ako dito ni Evan, pero bakit hindi siya nandun sa gitna ng bar nakikipagsayaw sa mga chiks kundi andito siya sa mesa namin. Alam ng mga kateammate ko na bad mood ako pero hinayaan na lang nila ako magmukmok sa sulok, ewan. Hindi sumama si Evan sa kanila pero nagpaiwan kasama ko at kanina ko pa napapansin na medyo napapakunot noo siya minsan na sumusulyap sakin, di ko na binigyan pansin pa.

“Gerald,” tawag nanaman niya ako nang di ako sumagot at ininum ang isa pang baso puno ng beer. 

“Ano ba?” galit kong sambit, di ko naman sinasadya, makulit ang loko e.

Nakita ko lalong kumunot ang noo niya pero di siya natakot sakin ewan ko ba. Kung iba yun siguro aalis na sila sa harapan ko sa takot na sapakin ko.

“Tol may problema ka ba? Kanina ka pa ganyan,” medyo lumambot ang expression niya na may pagaalala sa mata niya.

“Ok lang ako,” tipid kong sagot na may halong pagkayamot.

Tumahimik siya bahagya at tiningnan lang ako. Ang tingin niya na para bang nagsasabing, sige lang ilabas mo lang yan magiging ok ka din na titig. Mas lalo ako nainis sa kanya.

“Di ka sumama kena Jake, andaming chiks dun oh panay tingin sayo,” halatang pinapaalis ko na siya sa harapan ko.

Medyo tumaas ang kilay niya sakin at nilingon ang dance floor, meron ngang chiks na nakatingin sa dereksyon namin. Tapos lumingon uli sakin at ngumiti na para bang may halong angas at tuwa.

“Una hindi sakin sila nakatingin, ikaw ang pinagnanasaan nila, at pangalawa dito lang ako.” Matigas niyang sinabi, halatang di talaga uubra ang galit kong boses sa kanya.

Nagbuntong hininga nalang ako at napapikit ng mata habang hinimas ko sentido ko at minulat uli ito para tingnan si Evan na nakangisi pa din sakin.

“At pano mo nalaman sakin sila nakatingin ha aber?” medyo wala na yung yamot sa boses ko pero nandyan pa din ang panghahamon.

“Simple lang, kinindatan ko sila pero di man lang natinag at ngumiti sakin, so since dalawa lang naman tayo dito sa mesa unless may kasama tayong multo, sayo sila nakatitig,” ngumisi si Evan. 

Medyo naaliw ata si Evan sa expression ko kasi lalo lang siya ngumisi habang ako e napakunot ng noo at nagtataka. Tiningnan ko ang mga babae, tatlo sila nasa tabi ng isang bar at panay titig sa amin dereksyon. Nang nagkasalubong kami ng mata nung isang babae e parang may pigil na tawa at hiyawan sa grupo nila na tila nagkantyawan ata. Namumula yung muka ng isang babae pero di ko alam medyo madilim sa loob e kundi sa mangilan ngilan na ilaw lang.

Napatingin ako kay Evan na nakangiti pa din na tila pinapahiwatig na tama siya mali ako na lalo naman nagpakunot sa noo ko. Hays, nagbuntong hininga ulit ako.

“O kitams, tama ako diba?” natatawa niyang sabi habang sumandal sa kinauupan niya.

“Well sayo nalang sila kung gusto mo,” medyo inis kong sambit habang nilaklak ko ulit ang isang baso ng beer.

Tinitigan lang ako ni Evan habang nakasandal sa upuan niya, tila inaalam kung paano ako intindihin. 

“I’m ok here bro, mas gusto ko kasama kita,” mahinahon niyang sambit na ikinagulat ko.

Tiningnan ko siya at tumaas isa kong kilay na para bang may sinabi siyang mali pero seryoso ang muka niya ngayon.


“Ayoko ng simpatya mo, ok lang ako,” diniin ko ang punto ko na may halong inis.

“Hindi yun simpatya,”

“Huh?”

“Really, I’m ok to be here with you, samahan nalang kita,”

“Bakit?”

“Kasi gusto ko, masama ba?”

“Bahala ka,” hinayaan ko nalang siya at napatitig sa hinahawakan kong baso habang sa gilid ng mata ko parang nakita ko ngumisi siya.

Mga ilang minuto na walang nagsasalita samin at medyo tipsy na din ako pero pinapakita ko na ok pa ako, nagsalita si Evan.

“May problema ka ba tol?”

“Wala,” bigla kong sagot. Uh sh*t bakit parang umiikot ang paligid ko.

“School ba?”

“Wala sabi e,”

“Pamilya?” 

“Pfft,” ang kulit ni mokong ah.

“love life?” at nakita kong parang mas tinitigan niya ako ng seryoso.

Hindi ako sumagot at lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak sa baso ko habang nakatingin sa kulay yellow na may ice na inumin. Napansin yun ni Evan, mukang di talaga ako tatantanan nito.

“Ok lang yan tol, she’s not worth it kung hindi ka niya mapansin na you’re a great guy,” 

“Hindi mo alam sinasabi mo!” bigla kong napasigaw sa kanya na siya namanng kinagulat niya.

Ugh sh*t my head is really spinning, parang nahihilo ako pero di pa naman nasusuka. Parang may kung ano sa loob ko na parang mas nagpatapang sakin, walang pakialam sa paligid ko at lalong lalo na walang pakialam sa ginagawa ko.

Gusto ko ipagtanggol si Riko sa sinabi ni Evan. Hindi siya walang kwentang tao. Riko is my bestfriend and alam ko hindi lang ordinaryong lalaki siya, sh*t what am I talking about. Pero totoo naman ah, di lang sa gwapo na siya, matalino din naman siya ah. Maganda ang estado sa buhay and isa sa pinakamabait na taong nakilala ko kahit na sumpungin ng sungit yun. Kung hindi ba yun mabait e pumayag siyang mapagsamantalahan ni Anne kahit alam niyang walang maganda idudulot ang pagsama niya doon sa babaeng yun, well buti nalang di siya bumigay. Napangiti ako sa sarili ko na parang may topak. 

Pero bumalik ang isipan ko sa sinabi ni Evan, ‘not worth it’.

He is not worth it!?” sigaw ko ulit, halatang may tama na ako, “mahal ko siya!”

Whew parang gumaan ang loob ko matapos sabihin yun. Tama, mahal ko siya. Yeah! You heard that! Mahal ko siya. Ngumiti nanaman ako sa sarili ko pero biglang nagbago ang expression ng muka ko.

Oh sh*t did I just say it out loud? Tang na naman oo.

Tiningnan ko si Evan na tila nagulat din sa sinabi ko pero biglang napalitan ang expression sa muka niya ng ngisi. Kung ano man ang ibig sabihin sa kabila ng ngising iyon di ko na alam habang tintitigan niya ako ng husto. 

“Lasing ka na, tara na Gerald,” inalalayan niya ako.

“Hindi ako lasing!,” protesta ko.

“Yea yea, sige na tara na,”

Lumapit ang iba naming kasamahan sa mesa namin, mukang enjoy na enjoy sila pero nang tiningnan nila ako parang nagalala sila.

“Ako na bahala sa kanya, iuuwi ko na siya mukang napadami ng inom,” narinig ko kinausap ni Evan isa sa kasamahan namin. 

“Sure ka tol?” tanong ng isa.

“Sige kita nalang tayo sa practice,” sabi naman ng isa.

Di ko na alam kung pano ako nakalabas ng bar basta ang alam ko nalang e mayat maya tinutulungan ako ni Evan makapasok sa kotse niya habang inaalalayan niya ako. 

Pumasok siya sa driver’s seat at naramdaman ko nalang na lumapit siya sakin, medyo gising pa naman ako at hindi sobrang lasing kaya alam ko pa siguro ang nangyayari sa paligid ko. Medyo napaatras ako bahagya papunta sa bintana sa side ko. Napansin yun ni Evan pero umiling lang siya at nagbuntong hininga.

“Aayusin ko lang seatbelt mo,” mahinahon niyang sabi.

“Ah,” yun nalang nasabi ko. Ano nga ba iniisip ko, hindi naman ako pagsasamantalahan ni Evan no? straight yun. Ewan, Si Derick nga kala ko straight e nagkagusto siya kay Liam. Siguro ruler nalang talaga ang straight sa mundong ito, at napatawa ako sa sarili ko sa kinauupuan ko.

“Tol kung di ka lang lasing iisipin ko may topak ka na,” natatawang sabi ni Evan habang pinaandar niya kotse niya.

“Pfft,” i rolled my eyes.

Paminsan minsan e nakakapikit ako habang binabaybay namin ang kalsada na halatang wala na gaanong sasakyan sa dis oras na ng gabi.

Di ko pala namalayan di ko sinabi kay Evan kung saan bahay namin kaya naalarma ako kung saan kami pupunta. Umupo ako ng tuwid sa passenger’s seat habang tiningnan ko sa labas ng binatana kung nasaan na kami. 

Napansin naman yun ni Evan.

“Relax, ihahatid kita sa inyo,” 

Napakunot noo nalang ako.

“At pano mo naman nalaman kung saan bahay namin?”

Ngumiti siya.

“kateam mate kita, syempre alam ko bahay mo,” pangungumbinsi niya.

Siguro dala ng pagkalasing ko e di ko na kinuwestyon yun sa kanya. Pakialam ko basta ba e may free ride ako e, umaandar nanaman ang pagka walang hiya ko. Sadyang ganun talaga, mukang hindi pinawi ng alak ang pagka kapal muks ko kundi nadagdagan pa. Napangiti nanaman ako sa sarili ko na parang baliw.

“Alam mo mas pogi ka kapag nakangiti,” biglang sabat ni Evan na siyang ikinagulat ko.

“Huh?”

“Ah e wala, kasi uhmm,” nautal siya, “nakasimangot ka kasi the whole time nang nasa bar tayo, ngayon lang uli kita nakitang ngumiti pero parang nababaliw nga lang,”

At tumawa siya sa kinauupuan niya.

Nagsalubong ang kilay ko, parang sinabi lang niya na ang weird kong tao, was that even a compliment or not.

“Sorry di ko mapigilan, nakakaaliw ka kasi,” sinsero niyang sabi habang binaling niya atensyon niya sa daan.

“hindi ako clown,” siguro sa lasing ko parang walang kwenta ang sinasagot ko sakanya.

Ngumisi lang naman siya, napansin ko namula ang pisngi at tenga niya pero di ko na pinansin pa, siguro nakainom din naman kasi siya.

Ilang minuto e nakarating na din kami sa bahay namin, halatang tulog na mga tao sa dilim ng bahay.

Pinatay ni Evan yung makina ng kotse niya, habang tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pintuan ng kotse. Tatayo na sana ako ng parang nanghihina o di kaya walang lakas ang mga tuhod ko sa pagkalasing ko, at least gising ako at hindi nakatulog hindi tulad nung time na kinarga pa ako ni Riko sa bahay nila sa sobrang kalasingan ko, hays naalala ko nanaman siya. 

Inalalayan ako ni Evan papasok ng bahay kahit pinagpipilitan kong kaya ko magisa. Sadyang mapilit din ang loko na yun. 

Kinuha niya ang susi sa bulsa ko para makapasok sa loob ng bahay pero halatang nagaalangan siyang ipasok ang kamay niya sa bulsa ng pantalon ko. Nagbuntong hininga pa nga siya bago gawin yun, pero ginawa niya rin. 

“Saan ang kwarto mo?” bulong niya.

Siguro ayaw niya magising ang mga kasama ko sa bahay. Ako din naman ayaw ko baka katakot takot na sermon nanaman galing kay nanay ang mangyari kaya pinilit kong pumunta sa kwarto ko habang tinulunga ako ni Evan umakyat ng hagdanan.

Nakapasok kami sa kwarto ko pero sa dilim ng luar medyo may nabangga pa ata si Evan kaya napamura siya sa tabi ko. In-on niya yung switch ng light at hiniga sa higaan ko. Inayos niya ako sa higaan pero kinuha lang yung sapatos at medyas ko habang kinuha yung kumot at tinakpan ang katawan ko.

Medyo antok na din ako at dala ng pagkalasing alam ko ilang segundo nalang tulog agad ako.

Akala ko umalis na si Evan pero maya maya kahit nakapikit na mga mata ko, naramdaman kong may kamay na humaplos sa muka ko at hinawi ang buhok ko. May narinig ako nagbuntong hininga tsaka umalis na sa kwarto ko.

Siguro panaginip ko lang yun at nakatulog na ako.




.......................................................




“Hey Gerald,” bati sakin ni Liam nang nasa campus kami. 

Katatapos lang ng klase namin and nauna na akong lumabas para mapagisa muna nang nakita ako ni Liam. We hanged out sa isang bench malapit sa malaking puno. 

“Nasaan si Derick?” tanong niya.

“Ah nasa classroom, palabas na rin yun,”

“Ah cool, so later wanna play the new Halo game I got?” excited na sambit ni Liam.

Muka talaga siyang bata kung umasta, I mean hindi siya immature alam ko pero meron lang talaga siyang aura na napakainosente, ewan. You can’t help but like the guy. Napangiti ako sa kanya, tila alam niya na magpapasaya yun sakin. Sa laro kami nagkakasundo ni Liam plus the fact na wala akong hiya mang angkin ng mga gamit niya kaya nakakatuwa siyang kasama, parang nakakabatang kapatid ba na laging inaabuso pero kung may ibang manakit sa kanya, e reresbakin ko talaga. Pero sa laki at tangkad ba ni Liam di mo aakalain yun ang pinapakita niyang pagkatao, nakakatuwa lang.

“Sure sige ba,” excited kong sabi.

Napangiti naman si Liam at inakbayan ako.

“Awesome,”

Maya maya nakita namin papalapit samin si Riko, dala niya yung haversack niya at nakita kaming magkasama ni Liam. Kinakampay naman siya ni Liam na pumunta sa dereksyon namin habang tumayo kaming dalawa.

“Umalis ka bigla Gerald, hinanap kita,” tila may awkwardness pa din sa amin dalawa pero halatang tinatago na niya ito. 

“Ah kasi nagCR ako,” pagsisinungaling ko pero knowing Riko, he can see right through me. 

“Oh right mamaya maglalarow kami ni Gerald sa condo, wanna come with us Derick?” pangiimbita niya.

“Ah sige ba wala naman ako gagawin mamaya,”

“Cool” excited na sabi ni amboy.

Pero dalawa silang amboy diba? Ay ewan naguluhan na ako. Sabagay mas halatang amboy si Liam, half breed ika nga pero si Riko, mostly yung espanyol at chinese blood ata ang dominante sa features niya.

Mukang ilang minuto din ako tulala kasi di ko nalang namalayan may umakbay pala sakin ng biglaan.

“Oi pare, andito ka lang pala,” Si Evan biglang lumitaw kung saan lang.

“Evan?” bumalik ako sa pagiisip ko.

“Oh bakit ano pa ba ineexpect mo?” napakunot noo siya habang tintingnan ako.

“Ah wala, bakit andito ka?” di ko namalayan may halong pagkainis sa tono ko.

Di naman yun pinansin ni Evan at tiningnan lang niya yung dalawa ko pang kasama na halatang naguguluhan din kasi di nila kilala yung tao.

“Ah right Evan mga bestfriends ko sina Derick at Liam,” pinakilala ko pero di ko sinabi ang palayaw ni Riko, ako lang dapat tatawag sa kanya nun, madamot much? 

Tiningnan naman ni Evan yung dalawa at ngumiti, inalis na niya yung kamay niya sa pagkakaakbay sakin.

“Ako nga pala si Evan kateammate ni Gerald sa soccer, nice meeting you mga pare,” masigla niyang pagpapakilala.

“Nice meeting you,” kinamayan naman siya ni Liam.

Is it just me or parang may kung ano sa mata ni Evan at tintigan niya si Liam ng ganun, ewan. 

Kinamayan din siya ni Derick pero tila may expression sa muka niya na parang di maipinta. Ni magsabi man lang ng hi or hello wala. Sungit mode nanaman ata tong tao.

Matapos ang ilang segundo na awkward silence, para bang nakatayo lang kaming apat walang nagsasalita, si Riko na ang bumasag ng katahimikan namin.

“Gerald tara kain na tayo ng lunch,” sabi ni Riko, na halatang ayaw niya isama si Evan. Napaka walang modo naman nun pero kilala ko siya, sumpungin lang talaga ang pagkasungit niya.

“Ah uh oo sige,” tiningnan ko siya na may halong galak kasi parang overprotective ang mokong. Yaan na ako magilusyon, kahit dun nalang naman ako magiging masaya. Medyo kumislap ang mga mata ko habang tiningnan ko si Riko pero binawi ko agad yun at binaling sa mga damo at puno sa tabi ko.

“Ehem,” at napalingon ako kay Evan.

Napansin ko tiningnan niya ako at tiningnan din niya si Derick na may kung ano sa mata niya. Para bang may nakikita siyang kung ano na ganun nalang siya makangisi.

“Sige tol mamaya nalang tayo magusap sa practice,” paalam ni Evan habang tiningnan niya ulit si Derick at sa akin nanaman. Seriously nakakainis ang ginagawa niya. 

“Ok” yun nalang sinabi ko.


Di man lang nagpaalam sa dalawa ko pang kasama pero si Liam as usual halatang walang pakialam at kumaway sa kanya pero napangiti si Evan sa ginawa ni Liam. Seriously kung di ko pa alam, parang halatang may gusto siya kay Liam sa mga titig na yun. Ugh, sumakit ulo ko.

“Tara na,” parang bad mood na sabi ni Riko at nagsimula na siyang maglakad unahan namin.

Kanina lang e maganda mood niya tapos ngayon badtrip agad? Di kaya nagmemenopause tong taong to sa lagi niyang pinapakitang pagkamasungit? Hays.

Napangisi si Liam habang inakbayan ako at hinila maglakad para sundan si Riko.



............................................



“ipasa mo yung bola,” sigaw ng isa kong kateammate at pinasa ko naman.

Nagprapractice kami ng soccer habang papalapit na ang isang interschool competition. Mabuti na din to para madsictract ako sa mga iniisip ko. 

THUD!

Isang malutong na tunog ng bola na tumama sa ulo ko. Ouch!

Di ko namalayan na natulala nanaman ako sa gitna ng laro. 

“Tol sorry!” dali dali silang lahat kumaripas papunta sa dereksyon ko nang natumba ako sa lupa.

“Parang wala ka sa sarili mo ngayun ah, kanina pa kami sigaw ng sigaw ni hindi ka man lang umilag,” sambit ng isa habang inaalalayan ako ni Evan.

“Ok ka lang ba?” pagaalala niya.

“Ah oo ok lang,” muka naman walang nabasag na bungo, I’ll live another day pero ang sakit ng pagkakabagok ng ulo ko ah tsk.

Inalalayan ako ni Evan na pumunta sa gilid muna ng soccer field habang nagpaumanhin sa coach namin. Inupo niya ako sa mga damo habang kinuha niya ang isang water bottle sa gym bag niya na malapit samin.

“Oh eto inom ka muna,” 

“Ah salamat,”

Di na ako tumanggi pa at uhaw na uhaw naman talaga ako.

“Tol gusto mo ba si Derick?” bigla niyang tanong at napaubo ako at naspit out ko yung tubig na iniinom ko.

“Ha?” halatang balisa ako at namula ang muka ko langya.

“It’s ok obvious naman,” 

Ano ba nakain ng mokong nato at parang wala lang sa kanya yun at bakit alam niya?

“Pano mo naman nasabi?” 

Nang nakita niya ang pagaalala at takot sa mga mata ko, ngumiti lang siya ng tila bang pinapakalma ako.

“Don’t worry wala naman ako pagsasabihan tsaka sa tanong mo, obvious naman kaninang umaga may gusto ka sa kanya, di ko maexplain e, basta halata sa mga mata mo kung pano mo siya tingnan, I was there, I know,”

Di ako makaimik, talaga bang obvious ako? I made a mental facepalm nang narinig ko yun. Agh, wala talaga akong pag-asa, napayuko nalang ako sa kinauupuan ko.

“Pero cute yung kasama niyong isa ah,” 

Napatingin ako bigla sa kanya na parang nagtataka, hindi kung sino yung tinutukoy niya kundi bakit niya nasabi yun. He’s a guy for Chrissakes!

Nahihiya siya at mukang namula ang pisngi niya habang hinahawakan niya ang likod ng leeg at buhok niya habang iniiwas niya ang tingin sakin.

“Evan? Bakla ka ba? I mean uhmm...” mukang medyo harsh ata nasabi ko pero im bluntly honest, that’s who I am so ano magagawa ko.

Mukang napipi muna siya at di makapagsalita.

“Ah eh hindi naman, nagkakagusto lang minsan sa lalaki, pero nagkagf na ako ah,” halatang defensive.

“Wala lang naman yun sakin, tsaka kita mo naman ako, nahalata mo ngang may gusto ako sa bestfriend ko so who am I to judge,”

Medyo umaliwalas ang muka niya at ngumiti sakin.

“Thanks tol, pero aminin ko attracted ako sa kaibigan mo sino pa nga ba yun? Yung amboy,” nahihiya niyang sinabi.

“Si Liam,”

“Liam...” mukang nilalasap niya sa bawat tunog at letra ang pangalan ni Liam, medyo nanindig ang balahibo ko dun for name raping my other bestfriend. 

“Straight yun huwag mo nang pagaksayahan ng panahon,” bigla kong sabat para mawala sa pagdadaydream niya.

“Ah hehe ok,” napangiti nalang siya sakin tila nahihiya pa din. 

Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang mga kateammate namin na nagjojogging na sa field.

“Tol gusto mo ba tulungan kita?” binasag niya ang katahimikan samin dalawa. 

“Huh?” 

“Mukang seloso ang bestfriend mong si Derick, pansin ko lang naman lalo na kanina kung makatitig sakin, gusto mo ba tulungan kita? Malay mo may gusto din sayu yung tao.”

“Ano ba pinagsasabi mo?” 

“Simple lang let me be your boyfriend,”

Wait what? Napanganga ako sa sinabi niya. Di ko ineexpect yun sa kanya.

“Try mo lang for a month na tayo, kung may gusto sayo si Derick magseselos yun,” patuloy niya pero hindi ako naniwala plus ayokong masira ang pagkakaibigan namin, masyado na ngang delicate ang sitwasyon namin ni Riko e, dadagdagan pa nitong walang kwentang plano ni Evan.

“Ayoko magbackfire to sakin Evan, di ko kaya mawala sakin si Derick,” ayoko pa din malaman niya palayaw niya, yun na nga lang meron ako na masasabi ko special previlige para tawagin siyang yun, pasensya nagiilusyon lang, “tsaka ok na ako kahit magkaibigan kami kesa wala,”

“Tol ano ba kinatatakot mo, wala naman tayo gagawin kay Derick, you will be dating me, kung wala siya maramdaman ok sige wala at least you have me to distract you from him. Kung meron man siya naramdaman e di swerte mo, win win to para sayo, pagisipan mo mabuti,” pangungumbinsi niya.

“Bakit mo ba ginagawa to ha Evan?”

Napatahimik muna siya at tiningnan niya ako ng sinsero sa mata.

“Kasi gusto din kita,”

nanlaki ang mga mata ko nang marinig yun, medyo naguluhan na ako sa nangyayari, ay nako sumakit ang ulo ko at napapikit nalang ako ng mata.

“Hey no big deal di ko naman sinabi in love ako sayo,”

“pfft” yun nalang reaksyon, wala kasi ako masabi.

“Sinasabi ko lang na gusto kita kasi pogi ka pero di kita mahal, ganun din ang kaibigan mong si Liam, kung tutuusin pogi nga din talaga si Derick, kaya di ako magtataka na mahulog ka sakanya,” tila magisa siyang nagsasalita habang iniisip niya ang dalawa kong bestfriend. Naweirduhan ako ng bahagya sa kanya.

“Evan!” sigaw ko para maputol ang kung ano mang pinagiisip niyang makamundong pagnanasa sa Derick ko, nainis ako.

“Sorry, hehe, lam mo di ako magtataka kung bakit di ka naging straight, sa mga kaibigan mong yun sigurado ako pati maton bibigay din,” pangaalaska niya, pero wala ako sa mood sa joke o ano pa mang pangaalaska. Nakita naman niya yun kaya medyo umayos siya.

“So ano gusto mo ba talaga si Derick?” seryoso niyang tanong.

Tiningnan niya ako ng matagal at naghihintay ng sagot ko. Well what’s the point in lying alam naman na niya, ano pa silbi ng pagsisinungaling ko.

“Mahal ko siya,” mahina kong sambit na tila nasasaktan akong sabihin yun.

“Then fight for it, at least may shot ka kung itry natin to, kung hindi man mangyari ang gusto mo, break na tayo kung kelan mo gusto, no hard feelings. Ang totoo niyan gusto ko lang makasama ka,” eksplekar niya pero may something na hindi ako kumbinsido.

Tumaas ang kilay ko.

“Sabihin mo gusto mo makilala si Liam through me,”

Napatawa siya at ngumisi sakin.

“Hindi naman sa ganun so ano deal?”

“Pagiisipan ko,”

Tumango naman siya sakin at ngumiti. Tumayo na siya sa kinauupuan namin at inabot ang kamay niya para hilain patayo. Inabot ko naman yun at tinulungan ako tumayo.

“After practice dapat may desisyun ka na,” binulong niya sa tenga ko.

Ngumiti siya sakin at pumunta sa soccer field kasama yung mga teammates namin. 

Habang papalyo siya sakin, naisip ko, why not? Baka sakali siya ang magpapabaling ng atensyon ko kay Riko. Gaya ng sabi niya, what do I got to lose? Tama siya win win nga to sakin, at least madidistract na ako at kung may konting pagasa man lang kahit katititing lang na may gusto sakin si Riko sana malaman ko pero ayoko mangarap, masakit kasi na madissapoint lang.




To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon