PROLOGUE: THERE'S NO CHRISTMAS
ARAw ng pasko at nagplano ang aking pamilya na pumuntang North pole dahil sa mga kakaibang pangyayari ukol sa nasabing lugar. Pareho kasi silang ginugol ang natitirang pangyayari ng buhay nila sa agham na pinapasahod ng gobyerno at nais nilang patunayan na may sayantipikong pagpapaliwanag ang mga nagaganap roon. Marahil nagtataka kayo kung ano ang pangyayaring 'yon. Maski ako 'di ko maipapaliwanag ngunit susubukan ko. Sa eksaktong alasnuwebe ng gabi liliwanag ang kalangitan na animo'y sisikat na ang araw. Bubuka ito na kala mo'y may umaakyat na kaluluwa papunta r'on. Nababahala na ang pamahalaan kung kaya't hindi na ito isinantabi at gumawa na ng aksyon. Nagpadala sila ng ilang tauhan ngunit lahat ng ito'y nawalan na ng kuneksyon at 'di na nakabalik. Nagsimula lang naman ito nung unang araw ng Oktubre. Buong mundo ang nagimbala at halos lahat sila ay binubulag ng kuryosidad, kayaman at kapangyarihan. Ang iba nama'y sinabing maaaring isa itong senyales na gugunaw na ang mundo. Batid ng mga magulang ko ang kapahamakan kung kaya't sa huli ay 'di na nila ako sinama. Ayoko rin naman sapagkat 'di ko hilig ang paglalakbay (kung dagat lang ang sinasabi ko malamang lunod na kayo) sapagkat nais ko ang mga aktibidad ukol sa Arts at hindi ang mga sayantipikong pagpapaliwag o ano pa mang mga kilos na kakambal ng Agham. Pati nga si Trump pinapunta ni Duterte para sa isang pulong kasama ang aking mga magulang. Sila kasi ang, sabihin na nating isa sa pinagmamalaki ng bansa (marahil ng mundo) sa larangan ng Agham kung kaya't ganun na lamang ang pagpapahalaga ng USA at ang pangulo pa nila ang kakausap sa mga magulang ko. Oh diba? Pak Ganern! Magulang ko 'yan. Eniwey, naghahanda na sila patungo sa Malacanang ng biglang nagsalita si Ina.
"Nak, ayos lang bang dito ka muna? Hayaan mo kahit ilang App isalampak mo sa PS5, Ayos lang o kung gusto mo igagawa kita ng Xbox720? What do you think kiddo?" Sabi n'ya habang niyayakap ako sa bandang baywang ko. Nakabusangot kasi ang aking mukha habang tinititigan ang PS5 ko. Bigla namang pumintig sa tenga ko ang sinabi n'ya at niyakap s'ya pabalik at hinalikan s'ya sa pisngi.
"Okay lang ma. Basta yung App tsaka yung Xbox huh?" Sabi ko ng may tono ng pagdududa. Tehehe, sigurado akong kapag sinabi n'ya ay sinabi n'ya. Lahat ng gusto ko binibigay n'ya basta pagaalis lamang sila. Mahirap kasi ang umasa lalo na kapag pinaasa ka (hugot!!).
"Basta behave. Kahit anong mangyari 'wag na 'wag kang papasok sa attic pwera na lang kung patay na kami ng Ama mo maliwanag?" Wika n'ya ng may tonong pagseseryoso. Kinilabutan ako sa sinabi n'ya. Siguro masasabi kong sanay na akong wala sila pero 'di ko alam ang kahihinatnan ko kung sakaling mangyari nga 'yon. Isinantabi ko ang sinabi n'ya at tumango na lang. Hinintay kong tumawa s'ya ngunit imbis na ngiti ang ibigay n'ya sa 'kin ay isang mainit na yakap at luha. Luha?
"Ina? Bakit kayo umiiyak? Anong nangyari?" Sabi ko ng may bahid ng pagaalala't pagtataka. Pinahid ko ang luhang umaagos sa kan'yang pisngi. Ngayon ko lang natitigan ang mukha ni Ina kaya't napansin kong dumadami na rin ang kulubot rito. Tumatanda na nga sila. Ilang taon na rin ba? Iniharap n'ya ako sa kan'ya at sinabi.
"Anak nais kong magpakatatag ka sa kahit na anong hamon na dumating sa buhay mo." Wika n'ya sabay abot ng isang Blue print. Hindi. Isang mapa. Bigla na lamang hinipo ng kuryosid ang aking pagiisip. Hanudaw? Hinipo ng kuryosidad ang aking pagiisip? Pwede ba 'yun? "Huwag na huwag mong bubuksan 'yan lalo na't magisa ka pa naman sa bahay. Buksan mo 'yan kapag isang buwan na kaming 'di nakakabalik ng 'yong ama. Okay?" Dagdag pa n'ya. Nagtaka ako sa kan'yang inusal sapagkat minsan lang naman silang magbigay ng bilin kapag aalis. Marami ng senyales ngunit 'di ako nagpangambala rito at tumango na lamang. Marami akong gustong itanong sa kan'ya ngunit panira ng moment si Ama at biglang pumasok sa eksena. Bumukas ang pinto at niluwa ang aking ama. Ano? May bunganga ba yung pintuan at kinain si Ama? Naging magaan ang paligid ng makita ko ang matamis na ngiti sa kan'yang mukha. 'Di ko napansing tumutulo na ang pawis ko. Siguro'y dahil sa bilin at responsibilidad na binibigay ni Ina sa akin. Ansakitsalungs.
"Nak, aalis na kami ng mama mo. Nasayo na pala 'yan?" sabi n'ya sabay turo sa mapang aking hawak. Nawala ang ngiti sa kan'yang mukha ng panandalian at bahagya muling ngumiti. "Kung ganoon. Paalam at hanggang sa muli nating pagkikita, Anak" nabigla ako sa kan'yang tinuran at dagli ko silang niyakap. 'Di ko mawari kung ano ngunit umiyak ako (Baliw lang.). Ang unang beses na umiyak ako sa kanilang bisig. 13ng taong 'di ako umiyak sa kanilang harapan at ang tangi at patuloy na rumerehestura sa aking isip ay ang aking panaginip. Siguro nga, eto na yun. 'Di ko kasi maikwento sa kanila at sigurado akong sasabihin lang nila sa akin na ito'y walang koneksyon sa pangyayari sa totoong mundo kaya patuloy ko na lamang itong ipinipinta. Nang magkalas kami sa mahigpit na yakap na 'yon agad kong sinambit ang huli kong pananalita(SONA lang ang PEG) sa kanila.
"Ina, Ama, nais ko kayong makitang buhay sa loob ng isang buwan. Maliwanag?" Sabi ko habang pinupunasan ang uhog(joke lang) at luha ko. Mahirap ipaliwanag ngunit ganoong ganoon ang nangyari sa 'king panaginip. Ayokong pangunahan ang lahat ngunit 'di ko mapigilan ang isip ko na lalong nagpapakaba sa nararamdaman ko. Doon ay umalis na sila ng may ngiting nakapinta sa kanilang mga mukha. Isang Buwan.

BINABASA MO ANG
Santa's Death
Mystère / ThrillerMaybe no, maybe yes. Pa'no kung 'di isinilang si hesus? Pa'no kung wala ng pasko? But what if Santa is Dead? mayroon kayang mabubuong salitang Pasko? Kung napulot mo ang librong ito. Ihanda mo ang sarili mo dahil ito ang mumulat sa pikit-matang in...