"Ito si Don Arello, siya ang pinaka-puno ng pamilya Paguio" sabi ni Lola Meling.
"Ito naman si Señorito Mercado, ang panganay niyang anak" pagpapatuloy nito...
"Sino naman ito, Lola?" Tanong ni Kurt sa matanda habang tinutulak niya ng dahan dahan ang wheelchair neto.
"Ahh yan? Yan si Antonia, bunsong anak niya. Kaygandang bata ano?" Sabi ng matanda.
"Opo" Sagot naman niya habang titig na titig padin dito.
"Sayang nga lang siya..." sabi uli ng matanda nang makitang nakatitig pa rin siya dito.
"Bakit naman po?" Tanong niya.
"Nabaliw raw kasi itong batang ire, maagang nabuntis at pinalayas dahil kahihiyan daw siya sa pamilya." Sagot nito.
"Panong nabaliw po? Nabaliw sa pag-ibig? Ganun po ba?" Pang uusisa niya.
"Hindi, hijo. Literal na baliw. Ay basta mahabang kwento. Ibaba mo na nga ko't mag-merienda na tayo" sabi ng matanda.
Bago pa lamang si Kurt sa mansyong ito, sa katunayan ay kakaumpisa pa lang niya. Dinala siya ng mayordoma sa kwartong kanyang tutulugan, ang dating kwarto pala ni Antonia. Hindi iba kay Lola Meling ang mga tauhan niya sa mansyon kaya hindi niya ito pinapatulog sa maids quarter, malaya niyang ipinapagamit ang mga kwarto ng kanyang ninuno dahil nag-iisa na lang naman siya sa buhay. Ayaw rin ng matandang magpatawag ng Doña dahil wala naman daw siyang matatawag na Don, siya kasi ay matandang dalaga, kaya mas gusto niya ang tawag na Lola. Inayos ni Kurt ang mga gamit sa aparador at nagmadaling bumaba para painumin ng gamot ang Lola.
Kurt Martin
24 years old
Private Nurse ni Lola Meling
May 3 kapatid, dalawa sa highschool at isa sa elementarya
Ulila sa magulang at bread winner na ng pamilya
Hindi pa nagkakaroon ng girlfriend dahil abala sa mga kapatid niya
Frustrated Artist
Part-time photographer noong nag-aaral pa lamang siya
Unang araw ni Kurt sa mansyon, si Lola Meling ay nagsi-siyesta tuwing hapon kaya malaya siya sa mga oras na ito. Nag libot libot siya sa paligid. Sadyang malawak at maganda ang lupain ng mga Paguio kaya tiyak na mage-enjoy ka sa paglilibot dito. Mayroong munting batis sa kanilang bakuran at sa tabi nito ay may matandang puno ng Acacia. Saglit siyang umupo doon para mag pahinga maya maya'y naidlip siya. Nanaginip siya ng masayang magkasintahan na nagsusulat sa punong iyon. Nang magising ay nagulantang siya sa nakita niya, ang sulat sa puno na "Kurt Antonia". Sumilip siya sa kanyang wrist watch at nakitang maga-alas kwatro na pala kaya bumalik na siya sa mansiyon.
Dumiretso si Kurt sa kanyang silid at nilibot din ito. Malaki rin ang kwarto, may king-size na kama, isang banyo na may paliguan na rin, malalaking cabinet na may salamin, munting sala-set na gawa sa kahoy, at isang malaking painting ni Antonia sa uluhan ng kama. Hindi niya maiwasang titigan ang napakaganda nitong mukha. Tisay ang mga Paguio. Kulot kulot ang kanyang hanggang bewang na buhok at bumagay sa kanya ang bestidang rosas na saradong sarado hanggang sa leeg. Nilingon niya ang isang tokador malapit sa bintana, binuksan niya ang maliit na cabinet sa ilalim nito at nagulat nanaman sa nakita.... Telang may burda na "Kurt at Antonia , wagas na pag-ibig" .
"Nakita mo na pala, hijo". Nilingon ni Kurt ang pinanggagalingan ng boses na si Lola Meling pala. "Nako! Sorry po, Lola! Hindi ko po sinasadyang pakialaman ang mga gamit ni Antonia, pasensiya na po talaga!" Sabi ni Kurt na para bang nininerbyos. "Ayos lang yun, hijo" sagot ng matanda. "Lola, s-sino po itong Kurt?" Usisa niya. "Hahaha, yan daw ang nobyo ni Antonia noon." Sagot muli nito habang tumatawa parin ng kaunti. "B-bakit po kayo natatawa?" Tanong niya. "Minsan kasi iniisip kong baliw nga yata ang batang ito, wala daw kasing nakakakilala sa nobyo niya. Oo, nagk-kwento daw si Antonia sa mga pinsan, pero ni minsan ay hindi pa daw nila nakita ang Kurt na ito, sinasabi niya na ito daw ay nagmula sa hinaharap kaya ganyan ang pangalan, iniisip nilang namamatanda si Antonia, dahil nabuntis pa, sabi niya daw itong Kurt na ito ang ama." Sabi ni Lola Meling. "Hindi kaya ako ang lalaking iyon, Lola? Hahaha" pagbibiro ni Kurt. "Sana nga, apo. Napakagwapo mo, isang karangalan na maging kamaganak mo. Hahaha" sagot ni Lola. "Napakaganda din naman nitong si Antonia, worth-it ang pag-punta sa nakaraan para sa kanya" wika ni Kurt habang nakatitig sa tela. "Hijo, tama na yan, ayoko ng nurse na sira ulo.Hahaha" Ani Lola Meling. "Lola naman? Hahaha" sabi nito. "Tara na't manonood pako ng paborito kong teleserye sa tv" sabi ni Lola. "Opo!" Sabi ni Kurt sabay sarado ng cabinet at bumaba na sila sa Sala.
