PROLOGUE:
Sapat na ba yung sakit na pinaparamdam mo...
Para itigil ko na?
Para isuko ko na?
Para ihinto ko na?Sapat na ba yung mga salitang masasakit na nanggagaling sa 'yo para matanggap ko na hindi na talaga tayo p-pwede pa?
Pero ang mas maganda sigurong tanong ay kung...
Sapat pa ba ang pagmamahal ko para ituloy ko pa?
Kasi ayokong itigil na lang 'to ng basta-basta.
Ayokong isuko na lang basta-basta yung nararamdaman ko sa 'yo.
Ayaw pa kasing isuko ng utak ko ang lahat, kahit na ang sinisigaw na ng puso ko ay, Tama na...Awat na...Itigil mo na.
Ayokong masayang lahat-lahat, dahil lang sa pagiging mahina ko. At mas lalong ayokong maging...
...Kwento na lang yung salitang Tayo.