Walang Nagbago (One-shot)

172 8 12
                                    

Collaboration with my friend, Arha.

--------

"Sorry late!" sigaw niya sabay upo sa harap ko.

"Palagi naman. O ayan nakaorder na 'ko," sabay usog ng pagkain sa harap niya.
Float and fries combo at Sundae na favorite niya.

"Favorite natin ito ha! Salamat! O eto pasalubong ko sa 'yo." Inabot niya ang paborito kong mini cheese breads. Abot langit ata ang ngiti ko ngayon dahil nakita ko na naman siya.

Napatingin ako sa playground corner kung saan napaka-aktibo ng mga bata,  pinupuno ng tawanan at sigawan ang buong McDo.

Dadalhin ko rin 'yung future kids ko rito. Napatawa ako sa naiisip ko.

"Chel!" tawag ni Paulo, akmang isusubo ang fries sa bibig ko.

"Para kang baliw!" Uminit bigla ang pisngi ko sa ginagawa niya. Ngumuso niya nang hindi ko pagbigyan.

"Sige na nga. AAHH*" Sabay kain nung fries.

Kinikilig nako. Pero hindi ko pinapahalata.

"Ooh! Pasalubong ko pala sayo!" Sabay abot ko sa kanya ng isang cute na slipper keychain.

"Yeey! Ang cute." Sabay kuha niya. "E nasan yung kapartner nito?" Sabi niya habang kinakabit sa bag niya yung keychain.

"Nasakin. Para partner. Hehe :">" Sabi ko naman.

"Naks! Basta promise, itatago ko talaga ito. Salamat Chel!" Sabi niya sabay ngiti.

Yung ngiting yun..

Dun ako nainlove e.

"Wala yun. Magkaibigan tayo e." Sabi ko naman.

Oo, magkaibigan. KAIBIGAN lang ako.

At ang sakit nun ha.

Bakit? Wala e, nainlove ako. Na-fall. Di ko napigilan.

Haays. Di ako dapat magdrama ngayon. Eto o, kasama ko naman siya. Ayos nako dun. Ang saya saya ko na nun.

Ang saya namin nung time na yun. As usual, kilitian at harutan. Hinatid niya pa nga ako sa bahay kasi medyo ginabi na kami. Kapag kasama ko kasi siya, hindi ko na napapansin ang oras maski ang iba pang bagay.

Sobrang saya ko talaga nun. As in. Grabe. Super thank you pa ako kay Lord.

Di ko alam, last na pala yun..

Kinabukasan, pagpasok ko ng school, nakita ko siya. Syempre nilapitan ko.

"Hi Paulo!" Sabi ko with kaway pa. Tiningnan niya lang ako. At naglakad palayo.

Hinabol ko siya. Nung naabutan ko siya, hinawakan ko siya sa balikat at hinarap ko siya sakin.

"Uy tumigil ka nga, para kang abnoy! Nakakainis 'to!!" Sabi ko habang natatawa pa.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Yumuko siya at naglakad ulit papalayo.

"Paulo, ano bang problema? May ginawa ba ako kagabi?"

Malakas na sabi ko na maririnig niya.

Pero patuloy lang siya sa paglalakad.

"Paulo, ano ba kasiiiiiii!"

Mas malakas na sigaw ko. Pumiyok pa ko kasi naiiyak nako.

At dun siya huminto pero nakatalikod pa rin siya sakin at hindi pa rin nagsasalita.

"Sabihin mo naman kasi kung anong meron? Ano ba yan? Ano bang nangyayari sayo? May nagawa ba ako? Ha, Pao?" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang Nagbago (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon