PAG IBIG SA COMPUTER SHOP

64 1 1
                                    

“ HANNAH!!! HANNAAAAHHH!!! ”  

Ayan nanaman ang malamegaphone na boses ng aking bespren

 “oh??”  

“kasi- - kasi - -  kasi   ahh  si  .. s i..  si  ano.. si zayn, nakaonline. nakita ko”

Sabi niya habang hinihingal

si- si-sino raw? si Zayn? *U*

kyaaaaahhhhh!!! marinig ko lang ang pangalan niya, natutulala na ako.

3years na akong nagkakanito.ang nakakaasar pa, di man lang niya ako mapansin-pansin habang ako, 3years nang nagsusuffer. HUHUHU  

“oh ano?? Tutulala ka nalang dyan?? Tutulala?? Tutulala?? Sige, tutulala nalang tayo dito” Ayun nga, ginaya ako. tumulala rin ang lola, baliw talaga. di na ako magtataka kung paano ko ito naging bestfriend ^__^

hinila ko na siya at kinaladkad. joke lang. joke lang ulit. kinaladkad ko nga siya pero hindi yung todo todo .

kyaaaaaaahhhh. Exoited na akong makachat ang aking pinakamamahal na poging poging Zayn.    

Pagdating namin sa computer shop, facebook agad. THIS IS IIIITT. chance ko na ‘to. chance ko nang makachat siya ^__^ omy!!! Omy! omy! omy Zayyn! makakachat ko na siya. wiieeehh.  

Si zayn? crush na crush ko yan. mahal na mahal na nga eh. diba?? Yung echos echos  4months thingy. pag 4months mo  na raw crush ang isang tao, LOVE  na raw na yun. kaya love ko na siya *__* <3__<3    

“LOVE??!!”  

=.=  ….. 

O_o ???

O__O !!!!  

MINDREADER?? ume-Edward Cullen ng twilight??  

Bigla tuloy akong napatayo at lumayo kay Emma  

“ LOVE?? Mind Reader ka?? ”   Sabi ko sakanya. gulat na gulat pa rin.  

=.=    ----- > siya yan

0_0 ---- > ako ito  

“ oh?? Bakit ganyan ka makatingin? Tinatanong lang naman kita kung mindreader ka a -___- "  

“ ang OA mo kasi bespren ! bawas- bawasan mo nga yang panunuod mo ng kung ano ano. kung anu-ano mga naiisip mo!!! Hmp! “   Sabi niya sabay balik ng tingin sa monitor. kumalma naman ako at umupo  na rin.  

“eh panu mo kasi nalaman yung nasa isip ko???”  

“ anong nasa isip mo??”  

“yung..yung ano.. yung LOVE thingy..” sabi ko na para pang nahihiya  

“anong binasa sa isip??!! Sa monitor ko yun binasa  hoy! Hindi dyan sa isip mo. aynakupo!! Tignan mo kaya ohh! "    

tinignan ko naman yung nasa monitor.    

=_=  

0__0

O__O     “WHAAAAT???”    

“ANONG IBIG SABIiiasdfghjklmn” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan na ni Emma yung bibig ko.

uuwaaah???! what is the meaning of that??? T_T  

“ huwag ka ngang maingay!! Painagtitinginan na tayo oh”  

Tumingin naman ako sa paligid at huhu   Nakakahiya!! Pinagtitinginan na kami. let me irephrase it. dahil  ako lang.  pinagtitinginan AKO ng mga tao. at higit sa lahat, T___T    si ZAYN! Nakatingin sa akin. grabe!! Nakakahiya to the highest level ! Lupa please, HIGUPIN MO NA AKO T^T  

Nandito pala siya? Bakit Nandito siya? Sinusundan niya ba ako? Naman! Napakafeelingera ko talaga. baka naman si Emma yung sinusundan niya?   Chinat niya nga si Emma eh.  sabi pa niya “hello MY LOVE” W/ matching <3 pa..huhuhu

paano na ang lovelife ko?? Paano na? wala na. WALA NA! habambuhay na akong single. huhuhuhu :’(  

Bumalik na ako sa upuan ko at doon nag emote. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa harap ng lalagyan ng monitor at ipinatong ko run ang ulo ko na parang umiiyak.

Maya-maya, may naramdaman akong tumabi sa akin.   Hindi ko na iniangat ang ulo ko. alam ko namang si Emma ito. I cocomfort niya siguro ako.

“ okay lang ako Emma. sige sa’yo nalang siya. alam kong sa’yo siya sasaya at masaya na akong makita siyang masaya” Sabi ko habang nakauob pa rin  

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. kaya iniangat ko na ulo ko sabay sabing….    

“ BAKIT KA PA TUMATAWA?? OO ALAM KO.. ALAM KONG  IKAW ANG GUSTO NIYA.. IKAW ANG MAHAA.. MAAA.. “  

Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil isang gwapong nilalang ang ngayon ay nakatayo sa aking harapan. isang anghel. Diyos ko. anong nagawa ko upang biyayaan mo ako ng ganito? kyaaaaaahhhh. magkatapat pa kami ng mukha.  konti nalang magkikiss na.

Di ko namalayan, napapikit ako.    

“ma??”   bigla akong napadilat nang magsalita siya.  

“ a..a..an… anong.. gi..gina..ginaga..”    

“MAHAL KITA..”  

Huh?? Ano raw??  

“HUH??”  

“ sabi ko mahal kita..”  

“ anoo???”  

“ ano to?? Paulit ulit?? Unli?? Unli??  Sabi ko MAHAL KITA HANNAH KO ”    

Anong sabi niya?? Nabingi ata ako run ah?? Nagkamali ba ako ng dinig?? Paki ulit nga ULIT    

“ sabi ko mahal kita Hannah.. aking prinsesa..”    

Napatingin naman ako sakanya..  

“ a-akala ko ba mahal mo yung bestfriend ko?? Diba nga chinat mo pa siya? sabi mo pa nga ' HELLO MY LOVE ' ”   Sabi ko sabay pout  

Ginulo naman niya buhok ko sabay ngiti at sabing..  

“ maraming namamatay sa maling akala MAHAL KO.. pero hindi ako papayag na kasali ka sa mga mamamatay.. dahil magmamahalan pa tayo habambuhay”

>///< Ang Corny pero bakit kinikilig ako . feeling ko, nagsitaasan lahat ng dugo sa mukha ko  >////<  

“ HUH ??!”   Naguguluhan pa rin ako    

Tinuro naman niya yung monitor ng computer na gamit ni Emma kanina at nakita ko yung message ni Zayn na “ HELLO MY LOVE ” at nagulat ako nang makitang ACCOUNT  KO pala ang gamit ng bespren ko.    

Tumayo ako upang mapantayan si Zayn. dali dali ko siyang niyakap. Medyo nagulat pa nga siya.  

“ MAHAL DIN KITA MIGUEL ZAYN FORTEZ "    

humiwalay siya sa pagkakayakap ko then he Kissed me...    

on my forehead and whispered, " huwag ka ngang bigla biglang mangyayakap dyan kung hindi, baka hindi ko mapigilan, hindi lang noo mo ang makakatikim ng malalambot kong labi, baka next time...

dito na " pinadaan niya yung thumb niya sa lips ko.  

*shivers* *shivers* *FIREWORKS*

SHEEEEETTTT! Napanganga ako literally sa sinabi niya. ang sexy sexy pa ng boses niya. No wonder, maraming nagkakandarapa sa kanya kaso malas nila dahil Akin siya. akin nga ba? Basta ang alam ko, mahal ko siya, Mahal niya ako. yun ang mahalaga.      

--------------------------------- E N D --------------------------------------------

PAG IBIG SA COMPUTER SHOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon