Masakit ang ulo ko kanina pa pero hindi ko alam ang dahilan. Pagkagising ko lang kaninang umaga ay tila mabibiyak na sa sobrang sakit ang ulo. Sana nga lang ay huwag mangyari iyon.
Pabalik na sana ako sa kama ko ng biglang may sumutsot sa akin. Lumingon ako. Wala naman akong nakita. Malakas lang talaga ang pangramdam ko sa mga kaluluwang gala. Hindi kop rin alam kung bakit simula noon bata pa ako ay ganoon na parati ang nangyayari sa akin kung kaya’t nakasanayan ko na ang mga ganoong pangyayari.
Minsan nga ay nakakakita ako ng mga kaluluwang gumagalaw at minsan rin ay nakakasalubong ko sila sa eskwelahan.
Hindi na ako natatakot sa kanila, para rin lang naman kasi silang tao, kapag hindi mo pinansin ay hindi ka rin papansinin. Pero nag-iingat akong hindi ko sila mapansin. Kailangang hindi talaga dahil kapag nalaman nilang nakikita ko sila ay susunod at susunod sila sa akin at hindi nila ako tatantanan kahit saan ako magpunta.
Nangyari ang isang bagay na labis kung ikinagalit sa mga multo ay noong minsang magbabanyo ako. Akalain niyo ba namang sumabay sila sa akin sa pagligo, pagbawas, at pag-ihi. Nakikita ko silang tinitingnan din ako, from head to toe. Hindi ko na iyon kinayanan kung kaya’t may araw talagang hindi ako naliligo.
Marahil nagtataka kayo kung nakakausap ko sila, sa totoo niyan ay hindi9. Kahit ibuka nila angt bibig nila ay wala akong marinig. Ang kadalasang tunog na nalilikha nila ay hush sounds at “soot” tulad na lamang kanina.
Naglakad pa ako papanhik sa kusina para tingnan ang ulam namin. Tanghali na kasi ako gumising. Literal na tanghali na dahil tirik na tirik na ang hariong araw at masasabing masakit na sa balat kung magatatagal ka sa pagbababad sa ilalim ng araw.
Tukso namang may nagpakita na naman sa aking kaluluwa. Maganda siya pero bata masyado. Sixteen na kasi ako pero sa hula ko ay ten lamang ang babaeng iyon kung susuriin ang bulto ng pangangatawan. Madalas ko ng makita ang batang iyon na aaligid-aligid sa lugar namin. Ang sabi kasi ng mga nakatira sa amin ay minsang may batang ginahasa sa may likuran ng mga kabahayan sa baranggay namin. Ayon naman sa mga pagsasaliksik ko ay hindi raw maiwasan ng mga multo ang lugar kung saan sila namatay. Doon raw sila hanggat sa huling paghuhukom.
Masyado na akong naiilang sa titig na ibinigay sa akin ng bata kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Ano ba iyang tinitingintingin mo?” sabi ko. Shit! Napausal ko sa aking isipan.
Noon bilang mas lumapit pa sa akin yung bata at biglang lumyutang sa ibabaw ng mesa. Nakangiti na tila ba may masamang balak.
Kinabahan ako. Sinasabi na nga ba at lalapit na naman sa akin ang tiyanak na ito.
Kumapit siya sa t-shirt ko. Napasigaw ako.
Sabi kasi ng lola ko kapag rdaw nakatingin ka sa mata ng isang kaluluwa at nakatitig daw siya sa iyo ay sasaniban ka niya.
“Hayop ka! Huwag mo akong saniban!” sigaw ko.
Napalingon sa akin ang mga tao sa labas.
Nasindak yata sila.
BINABASA MO ANG
My Paranormal Romance
ParanormalIsang araw...este isang gabi nagising na lang ako na hiwalay na sa aking katawan. hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero isa lang ang alam ko, nakikita at naririnig ako ni Orion. Kesehodang magmukha akong tangang kaluluwa basta matulongan niya...