Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Hindi alinlangan ang masukal na daang aking tinatahak. Isa lamang ang nasa isipan ko ng mga sandaling iyon, at iyon ay ang makabalik sa aking katawan sa medaling panahon.
Kinakastigo ko ang aking sarili sa naisipan kong isang taong makakatulong sa akin, siya kaagad ang pumasok sa aking isipan. Ang huwad na albularyong iyon. Kahit pa peke eh, no choice dahil albularyo nga. Ibig sabihin ay may alam rin naman siya kahit papaano sa mg akaluluwang napapahiwalay sa kanilang mga katawang lupa.
Shit! Usal ko dahil sa bawat bahay na madaanan ko ay tumatahol ang mga alagang aso. Noon akala ko ay sabi-sabi lamang ng mga matatanda na tumatahol ang aso kapag nakikita si…kamatayan. Pero bakit nakita lang ako ng mga aso ay tumatahol sila sa akin.
Kahit nga mabilis ang pagtakbo ko ay hindi ako hinihingal…takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko ang bahay ni Ka-Boyong.
Isang maliit na dampa lamang iyon sapat sa isang taong naninirahan. Wala ng ilaw na nagsisilbing liwanag na maaaninag sa loob kung kaya’t nahinuha kong tulog na si Ka-Boyong.
Hindi naman yata masama ang mambulahaw ng tulog. Kahit pa alam kong maliit lamang ang tsansa na makausap niya ako ay mas pinalakas ko na lamang ang aking sarili na sa mga isiping makakabalik na ako sa aking katawan o kungt hindi man ay malaman ng mga magulang ko na may pag-asa pa akong mabuhay. Habang may buhay may pag-asa!
Noon, akala ko na kapag kaluluwa ay basta-basta na lamang tatagos sa mga dingding na parang anino lang, yung madalas ipalabas sat v, pero ngayon ko lamang natuklasan na hindi pala. Wala akong kakayahang mahawakan ang mga bagay-bagay, tila walang lakas ang aking mga kamay na itulak ang pinto na yari lamang sa yantok na pinagtagpi-tagpi.
Paaano ako makakapasok? Tanong ko sa aking sarili.
Noon ay may biglang sumungaw sa bintana, isang dalagang babae. Maganda ito pero bahagyang natatakpan ng nakatabing na buhok nito ang kaliwang bahagi ng mukha nito.
“Halika, ditto ka dumaaan.” Sabi nito na marahil ako ang pinatutungkulan kaya lumapit na nga ako sa may bahaging bintana.
Sa bawat tapak ko at unti-unti kong paglapit sa dakong iyon ay may naririnig akong mga ungol. Kahit kaluluwa na ako ay pinangingilabuitan pa rin ako at bahagyang tumitindig ang aking mga balahibo.
Malapit na malapit na ako sa butas ng bintana kung saan mismo nakamata ang babaeng tumawag sa akin. Noon ay mas lalong lumalakas ang ungol tila bas a baboy na kinakatay.
Napangisi ako.
“Hoy!” nagulat ako nang may kumalabit sa aking tagiliran. Si Mercy.
Diyos ko, nakakagulat ka. Sabi ko kapagkuwan.
“Nagulat ba kita?”
Paulit-ulit?
“Anong ginagawa mo rito? Bakit ka tumakbo palabas ng bahay?” tanong uli nito.
Kasi kailangan kong humanap ng sulosyon sa problema ko.
“Hindi ka na makakahanap ng sulosyon. Magiging parehas ang kapalaran natin.” Pang-didiscourage pa nito.
Atleast ako, may chance pa…eh ikaw…wala na. marahil pinagsawaan na ng mga uuod ang katawan mo.
“Kaysa naman sa iyo. May katawan ka nga pero hindi ka naman makapasok!” sabi pa nito.
“Ssssh….” Anang ng babaeng tumawag sa akin kanina.
“At sino naman ang babaeng ito ang chaka ng feslak!”
Ansave…nagsalita ang makamandag na mukha!
“Taray mo ‘te. Kung hindi pa nauso si Mahal wala ka pa sanang kamukha!” turan ng babaeng ang chaka ng feslak.
Uuuy…lumalaban.
Akmang magsasalita pa sana si Mahal…este si Mercy nang biglang may sumigaw. Sabay-sabay kaming tatlo napadungaw sa may bintana upang masaksihan ang pangayayari. Tinig ng isang babae iyon.
Ganoon na lamang ang sindak ko sa aking nakita.
(the description is in italicized to emphasize the following is an adult material)
Hubad ang mga ibon na nakapatong sa kanilang pugad. Pugad ng kasukdulan at kaligayahan. Batid sa ebidensiyang kalat sa buong silid na iyon na hindi na kailangan si Einstein para malaman kung ano ang nangyayari. Basta amoy-chlorox ang buong paligid.
“Sige pa!” ungol
“Ibigay mo na sa akin, babae ka!” ungol ulit
Mga hiningang naghahabulan hindi alam kung saan paroroo’t paririto.
“Sige pa!” ungol
“Malapit na ako!” babala ni ka-Boyong.
“Ako rr-rin, malapit na!” bahagyang nanginginig ang tinig ng babae. “Ayan na!”
“Aaaaahhhhhhhhhhaaahhhhhh!”
Natapos rin sa wakas ang sigwa unti-unting nakamtan ng mga ibong yaon ang kaligayahan…ang kasukdulan…
Ang alam ko lamang ay iyon ang una kong beses makakita ng ganoon. Immoral. Kung may MTRCB noon ay marahil na-i-ban na ang tagpong iyon. Nais niyang masuka pero ang ikinagulat niya ay tila wala lang sa dalawa ang nakita niya.
Hindi ba apektado ang mga ito?
“Hindi, parati akong nakakakita ng ganiyan.” Ani Mercy.
“Ako rin, gabi-gabi…minsan kapag hapon.” Segunda ng babae.
Oo nga pala, kaluluwa sila kaya nakikita….*blush* eh di nakita rin nila ang mga magulang ko na magsiping?
“Oo, madalas nga nilang gawin iyon eh…”
Namula ako. Ako ang nahiya para sa mga magulang ko. Sa edad ba naming sixty ay naiisipan pang magmilagro ng mga ito?
“At malakas pa sila.”
Hayyy…Diyos ko po…
Ayoko na!
BINABASA MO ANG
My Paranormal Romance
ParanormalIsang araw...este isang gabi nagising na lang ako na hiwalay na sa aking katawan. hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero isa lang ang alam ko, nakikita at naririnig ako ni Orion. Kesehodang magmukha akong tangang kaluluwa basta matulongan niya...