Untitled Part 1

16 0 0
                                    

Maamong mukha, matipunong katawan, malaki, matapang, palaban, kinagigiliwan ng lahat ngunit kinakatakutan rin ng lahat. Yan ang pagkakakilala sakanya ng buong barangay namin. Hindi basta basta nakakalapit ang mga tao sa kanya dahil nga sakanyang matapang na personalidad. Tila naging bodyguard na siya ng buong pamilya namin dahil sa kanyang tiyaga na bantayan kami. Sa labis na pagbabantay niya saamin ay sinisiguro niyang ligtas kami kahit sa madaling araw. Kahit marami ang takot sakanya, marami parin ang nabibighani at natutuwa sa kanyang matipunong katawan at palaban at maaliwalas na mukha. Mabait siya sa mga taong kilala niya ngunit lumalabas ang tapang niya sa mga taong hindi niya kilala. Ang aming mga kapitbahay ay hindi tumatangkang lumapit sakanya dahil baka mapahamak sila sa labis na pagiging agresibo nito. Kinakatakutan man ng lahat ngunit gusto nilang magkaroon ng isang katulad niya. Mahirap nga namang makahanap ng isang katulad niya na maamo, matapang at palaban. Siya ang aming aso na si Jumbo. Isang asong maamo ang mukha ngunit mabangis pagdating sa mga taong masama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Super AsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon