Chapter 4

4.7K 135 1
                                    


Nagising ako sa hinding pamilyar na kwarto. Agad naman ako napabangon at nilibot ang tingin.

Akmang tatayo na ko ng bumukas ang pinto at pumasok si nathan.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtanto kong nasa bahay nya ko or should i say na condo nya?


Pumunta sya sa harapan ko at lumuhod sa harapan ko "are you ok now?" Tumango naman ako bilang sagot.

Inangat naman nya ang kamay nya at nilagay sa buhok ko at bahagyang ginulo ito "dont cry again ok? We're here in my condo" napatango- tango naman ako.


So condo nga nya to?


"Alam ba nila mama na nandito ako?" Tanong ko.

Inayos naman nya ang buhok kong nagulo nya at ngumiti sakin.

"Dont worry i didn't say that you are here" sabi nya at tumayo at nilahad ang kanyang kamay.

Nagtatakang tumingin naman ako at dahil doon ay kinuha nya ang aking kamay at hinila palabas ng kwarto.

"Lets eat, its already dinner time" so matagal pala ako nakatulog? Tumango naman ako sa kanya bilangsagot dahil nakaramdam na din ako ng gutom dahil hidi ako nakakain ng breaktime at ng lunch kanina.

Tumungo kami sa dining area ng condo nya at may nakaahin na ng mga pagkain doon.

Pinaghila nya ko ng upuan.

"A-ako na" nahihiya kong sabi ng akma nyang lalagyan ng kanin ang aking plato.

"Ok..." Sabi nya at umupo sa tabi ko.

Nung una ay hindi pa sya kumakain pero ng makita nya akong kumakain na ay saka lang sya kumuha ng pagkain nya at kumain.

Walang nag iimikan samin habang kumakain kami.

After namin kumain ay nagpresenta ako na ako na ang maghuhuas pero hindi sya pumayag dahil bisita daw nya ko at manood na lang daw ako ng tv.

Pumunta ako sa living room ng condo nya at umupo sa sofa.

Nilibot ko naman ang tingin ko.

Simple lang ang bahay nya at malinis, hindi mo masasabi na lalaki ang nakatira dito.

Habang nanonood ako ay bigla ko na lang naalala yung aking phone at baka nagtetext na sakin sila nanay!

Sakto naman na dumating si nathan at umupo sa tabi ko.

"A-ano...yung phone ko?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman sya sakin "Here" sabay abot ng phone ko.

"Thankyou" tumango lang sya sakin at ako naman ay binuksan yung phone.

Agad nagsipasukan ang messages and miscalls.

Nagtext na lang ako kay nanay na mag oovernight ako sa bahay ni jake at nagsorry na din dahil naging busy lang.

I'm Engaged With The Hearthrob Prince - COMPLETED [EDITING]Where stories live. Discover now