Pain in Loving Him

10 0 0
                                    

Start writing your story

From: Selena

Mommyyyy!!! I have a good news for you.
Kami na po Mommy, kanina ko lang po sya sinagot..
Ang galing po no =))

*****

Two Weeks before...

Czarina's POV

"Mommy!" bati sa akin ng anak-anakan kong si Selena.

"Oh nak, ikaw pala yan. Ngayon ka lang dumating?" tanong ko sa kanya. 12 kasi ang pasok nya at ako naman 7 AM kung bakit, eh kasi Fourth Year HS na ako at sya naman ay Grade 6 student.


"Opo eh kasi hinintay pa po namin si Tito na maghahatid sa amin."


"Ganun ba. Ayy, upo ka nga dito ang sakit sa leeg nakatingala ako sayo eh."


"Sorry po. Mommy! Three weeks na lang at gragraduate na tayo, ikaw College na sa pasukan at ako naman High School na, ano pong nafe-feel nyo since magco-college na po kayo?"


"Hmmm... Ano nga ba? Kinakabahan."


"Bakit naman po kayo kinakabahan?"


"Eh kasi sabi ng kuya ko complicated na daw ang pagiging college student, less fun more stress na daw tapos dun ko na daw mararanasan ang pagiging kulang sa tulog at magiging grade seeker ka na daw."


"Hala! Pero buti pa nga po kayo eh."


"Haha. Basta masasabi ko sayo enjoy mo lang yung pagiging highschool mo pero hindi naman sa sobrang enjoy eh napapabayaan mo na yung pag-aaral mo ah."


"Opo Mommy! Oh-oh time na, kainis kasi si Tito eh ang tagal kaming ihatid kaya yan di tayo nakapag-usap ng matagal, inis, sige po Mommy."
sabay kiss nya sa akin at takbo pababa ng building.


Pasaway na bata na yun oh, haha. Sa kabilang building pa naman sila tsktsk. Maka-pasok na nga sa room at baka nandun na yung terror adviser ko.


*****

"Czarina, ikaw yung cleaner ngayon ah." sabi ng Class president namin.

"Okiiee." ako sabay kuha nang walis at dustpan sa lagayan nito.


~Kunin mo na ang lahat sa akin

wag lang ang aking mahal.

Alam kong kaya mong pa-ibigin sya,

sa akin maagaw mo sya..

Paki-usap ko sayo mag-mahal ka na

lang ng ibaaaa~


"Nice ang ganda talaga nang boses ng Class Secretary namin oh."


"Tse! Tigilan mo ako Andrei ah, ano nga palang ginagawa mo dito? Di ba dapat umuwi ka na?"
Si Andrei classmate ko and the person... I secretly love.

"Sabi kasi ni mama sabay na lang daw ako sa kanya so pumayag na ako since wala naman akong gagawin sa bahay eh."


"Wala eh may homework kaya tayo."


"Ayun ba? Tapos ko na kanina pa lang no."
bilib talaga ako sa taong toh, ang sipag na at ang talino pa.


"Edi ikaw na. Tulungan mo naman ako dito para may magawa ka."

Pain in Loving HimWhere stories live. Discover now