Chapter 1

2 0 1
                                    

Queen of hearts!! Ito na naman ang natira!!???" sabi ni Danny sa katabi na nakatingin lang sa labas ng bintana na parang nagbingi - bingihan. "Okay, okay... Tol, grabe ka pero bahala ka, buhay mo 'yan!" sabi ulit ni Danny.
Nagsitayuan na ang lahat kasi uwian na. "Tol , 'di ka ba sasabay??" tanong ni Danny pero 'di sumagot ang katabi niya kaya umalis nalang siya kasama ang iba. Ang katabi o kaibigan nalang ni Danny ang natira sa classroom.

Grabe?? Ako pa ngayon ang grabe.. *sighed* Oo nga pala, 'di niyo pa ako kilala pero 'di niyo namin siguro kailangan malaman ang pangalan ko at ayoko ring malaman niyo.
Kaya kanina pa ako tahimik kasi may problema ako na 'di ko na alam kung paano aayusin.
May nasabi kasi ako sa bestfriend kong babae .....
Noon, may crush ako na kinabaliwan ko talaga, kaklase din namin, tapos sa kanya ako lumapit at humingi ng tulong kasi kilala niya si Vanessa, iyong crush na kinabaliwan ko kasi magkapitbahay sila.
Naging madalas ang pag-uusap namin dahil sa marami akong mga tanong tungkol kay Vanessa pero wala ring nangyari.
Hindi kasi ako kapogian kagaya ng ibang lalake pero may maipagmamalaki naman pagdating sa asignaturang mathematics, minamani ko lang ito. Gayun pa man, may naging mga kaibigan naman ako.
'Di naging maganda ang resulta ng pag-amin ko ng nararamdaman ko kay Vanessa dahil hanggang kaibigan lang daw. 'Di ko na pinilit, masaya na akong naging magkaibigan nami.
Ngunit sa kabila ng nangyari, may maganda namang resulta at iyon ay naging magkaibigan kami ni Heather na sobrang cute parang bata , iyong tumulong sa'kin tungkol kay Vanessa, pati na rin ang barkada ni Heather nakaclose ko na rin.
Iba ako kapag kasama ko sila, 'di ko maiwasang ngumiti at tumawa, ang babaliw kasi nila lalo na si Shaira, kapag pagkain pinag-uusapan 'di pahuhuli, pero kung iisipin sila namang lahat mahilig kumain sobra lang talaga si Shaira. Si Andrea naman, sobrang galing gumuhit, si Clariz naman ay magaling sumayaw at sobrang hilig sa k-pop,
si Reina naman, tahimik at baliw , palaging nakadikit kay Andrea. Si Tim na may crush kay Clariz, may injury sa kamay pero baliw din, at lastly si Grace, sobrang ingay na baliw. Hindi ko nga alam paano ako napasali sa grupo nila na tahimik lang naman ako.
Sobrang saya ko kasama sila pero ngayon 'di ko na alam, magbabago na siguro ang lahat.
Isang buwan na niya akong 'di pinapansin at kinakausap. Ramdam ko na unti-unti ng magbabago ang nakagawian kong masayang buhay kasama sila, ayokong magpatuloy ang ganitong pangyayari kaya 'di ako titigil hangga't 'di niya ko mapapatawad. Kung tutuusin, ang ginawa ko lang naman ay umamin ako kay Heather tungkol sa nararamdaman ko sa kanya, 'di ko naman inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon niya, nagalit siya 'di lang simpleng galit kundi SOBRANG GALIT kaya minabuti ko nalang na gumawa ng paraan para humingi ng tawad para 'di masira ang pagkakaibigan namin.
Tatlong plano na ang nagawa ko at lahat ng iyon ay ...PALPAK... kanina ko pa nga nagawa ang pangatlong plano kaya tulala ako at 'di - makagalaw sa upuang 'to.
Hayaan niyong ikuwento ko ang mga naging PALPAK kong plano na nagawa o 'di kaya'y lahat nalang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/n:
Panget ba?? Pagpasensyahan niyo na. Salamat pala sa pagbasa at sana'y subaybayan po niyo ang kwento. Salamat ulit.

~)MsPrexexy(~

Queen of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon