Falling to someone is easy, alam natin yan. Pero paano pag mahal mo na siya? Yung dating ginusto mo lang, mahal mo na.. tas ang mas masakit pa, yung mahal mo ngayon, may mahal na palang iba. Pano na ako nyan? Pano na tayo? Ang sakit sobra. Lalo na ipagtatanto mo na, "Oo nga pala. Ako lang pala nag mamahal." Ang sakit diba? Ang hirap. Kaya di mo mamamalayan na sa susunod, Yung dating malakas na ikaw, pahina na nang pahina dahil lang sa pag ibig na yan. Yung dating ikaw na tawa lang nang tawa at walang pakielam sa mga lalakeng iyan, ay umiiyak at nagpapaka loko sakanya sa hindi inaasahan.Yung dating kinamumuhian mo na lalake, yun pala ang mamahalin ko sa matagalang ito. At ang pinaka pinagkakatiwalaan ko na kaibigan na alam kong hindi ako kayang saktan, siya pala ang dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon at nahihirapan. Kung ako nalang kasi sana minahal niya, hindi na siya masasaktan tulad ko. Pero ano magagawa ko? Anino lang naman ako sa tingin mo.. wala akong sapat na dahilan para pigilan ka na mahalin mo siya at layuan mo siya.. kasi kung bubuksan ko mata ko, 'Walang wala ako sakanya' Hindi ako singganda niya, Hindi ako singtalino niya, at kahit kailan hinding hindi ako magiging siya.' Kaya sinusubukan ko na, at laging pinag didiinan sa isip ko, "tigilan ko na to. Tigilan ko na tong katangahan ko." Pero hirap na hirap pa rin ako. Tulungan mo sana akong pigilan tong nararamdaman ko para sayo oh. Tulungan mo sana ako.. kasi kahit itatak ko sa isip ko na " Mali to! Tama na please!" Pero ang puso ko naman.. "Mahal ko siya eh, Di ko kaya.." sumasakit lalo ang nararamdaman ko. Nahihirapan lalo ako.. ako tong si tanga, tatanga tanga parin sayo, at nagpapaka bobo sa nararamdaman kong ito. Sawa na ako. Pagod na. Pwede ba, tigilan ko na to?

YOU ARE READING
I Fell Inlove With A Wrong Guy
Novela Juvenil"Gusto kita. Hindi pala, Mahal na ata kita, Sobra! Kaya pwede ba? Tayo nalang.." Hindi ako ganan, pero sa di inaasahan, nasabi ko sakanya. Yun pala yung feeling na alam mo na nasasaktan ka na, na alam mong hindi mo na kaya. Kaya masasabi mo nalang b...