Saan tayo pupunta?
Written by FuccboitrujilloKabanata 1
[Loraine]
"Okay! 1, 2, 3!"
Nag flash na ang camera sa harap namin. Parang class picture ang ganap pero hindi talaga yun class picture. Senior High na kami kaya wala ng ganun-ganun. Hindi na kami bata no. Hahaha!
"Sabay-sabay na tayong kumain, Loraine" biglang sabi ni Christian.
"Ah sige, pero kasama ko si Penelope ah" sabi ko saka tinuro si Penelope na nasa isang gilid.
Napabuntong hininga naman si Christian dahil kasama ko si Penelope. Ayaw niya kasi kay penelope na nerd. Ewan ko ba jan kay Christian kung bakit ayaw niya sa mga nerd. Ayos lang naman si Penelope kasama 'eh.
"Sige na nga. Halika na, tawagin mo na yang kaibigan mo. Hintayin na lang namin kayo sa cafeteria" sambit niya at umalis na para puntahan si Erik.
Agad naman akong lumapit kay Penelope na nasa gilid at nag babasa.
"Ano yang binabasa mo?" Tanong ko sakanya.
"Mysteries" maikli nyang sambit. Sanay naman din ako sakanya na ganyan lang mag salita dahil nasanay na siyang walang kumakausap sakanya. Ako lang din naman kasi ang kaibigan niya dito. Nung una pa nga, pahirapan pang mapapayag ko siya na maging kaibigan ko bukod kila Erik at Christian pero syemre nagawa ko sa pamamagitan ng pagiging presidente ng aming klase. Ginawa ko siyang Vice president ko kaya lagi na kaming mag kasama lalo na sa mga meetings.
"Ah. Nga pala, sumabay ka na saming kumain"
"Ayoko, Loraine. Kayo na lang" pag tanggi niya.
"Please, gusto ko kasama kita. Best friends na nga tayo eh" sabi ko at nag puppy eyes pa sa harap niya.
Bumuntong hininga naman siya saka inayos ang gamit niya at tumayo, "tara na" sambit niya.
"Yess!" Masayang sabi ko at nag lakad na kami papuntang Cafeteria.
Agad naman naming nakita sila Christian at Erik na pinag titinginan ng mga babae. Pano ba namang di lilingunin, eh ang gwapo nila? Naka bukas kasi ang tatlong unang butones sa uniform nila habang nag pupunas ng pawis. Ang hot nilang tignan. Oh well, siguro nag laro sila. Basketball player kasi sila.
"Oh anjan na pala kayo Loraine! Hi Penelope" bati ni Erik samin.
"Hello" maikling sambit ni Penelope.
"Anong gusto niyong order-in? Ako na bibili."
"Wow! Manlilibre ka, Chris?" Tuwang sabi ko.
"Oo sayo lang"
"Aba, tol. Bat si Loraine lang? Si Penelope ayaw mong ilibre?" Tanong ni Erik.
"Ay, nakalimutan ko. May kasama palang book worm si Loraine. Hahaha!" Pang-aasar ni Chris kay Penelope. Bigla namang binaksak ni Penelope ang librong binabasa niya sa lamesa kaya napatahimik si Christian.
"Ilibre mo man ako o hindi, wala akong pakielam. May pera ako, kaya kong bumili ng pagkain ko. Gusto mo ilibre pa kita? Ano bang gusto mo? Tska wag na wag mo kong matawag na book worm dahil may pangalan ako, jerk!" Inis na sabi ni Penelope saka nag lakad papuntang counter.
Tinignan ko naman ng masama si Christian, "umayos ka, Chris. Nakakasakit ka na. Sundan mo dun si Penelope at mag sorry ka kung hindi di kita papansinin ng isang linggo" pananakot ko sakanya.
"Oo na po, sorry na princess"
"Sakanya ka mag sorry. Hmp!" Inirapan ko pa siya. Tumayo naman agad siya at pumunta sa counter para tulungan na rin si Penelope. Ang bait-bait ni Penelope tas aasarin niya? Tsk.
"Oh? Bat ka nakatingin sakin?" Tanong ko kay Erik ng mapansin kung nakatingin siya sakin habang naka ngiti. Mukha na nga siyang tanga eh.
"Wala. Ang cute mo lang kasi" ramdam kong nag init ang mag kabilang pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin sakanya.
"Tigil-tigilan mo ko, Erik. Di na tayo bata kaya di mo na ko mabobola pa"
"Hahahaha! Ang cute mo pa rin talaga" Hindi ko na lang pinansin ang pagtawa at pag titig ni Erik sakin dahil naiilang ako at parang naubusan ng sasabihin. Tsk.
Napatingin naman ako sa libro ni Penelope na nakalapag sa lamesa. Death. Yan ang title ng libro. Ano bang klaseng libro tong binabasa ni Penelope?
"Penelope, sorry na!" Napunta ang tingin ko sa kila Penelope at Christian. Hindi pinansin ni Penelope Si Christian at dere-deretcho lang na naupo sa tabi ko.
Inilapag naman agad ni Chris ang mga pagkain namin sa lamesa. Binigyan niya kami ng Cheese Burger at Coke in can.
"Oh ito, para sayo. Sorry na, please" nilapag naman niya sa harap ni Penelope ang isang Cheese cake at coke.
"Ililibre mo rin naman pala si, Penelope kaylangan pang asarin?" Sabi ni Erik.
"Eh kasi.. Basta, sorry na penelope. Bati na tayo"-Christian
Di ko na lang pinansin ang pag so-sorry ni Chris kay Penelope at sinimulan ng kumain. Di naman kasi pinapansin ni Penelope si Chris kaya bahala na sila jan.
_____________
A/N: namamalimos po ako. Pagawa book cover [/sighs;
YOU ARE READING
Saan Tayo Pupunta?
Mystery / ThrillerWala ng Description-description, Basahin mo na lang.