Chapter 💖3💖

2K 75 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: I-de dedicate ko tong chapter natoh kay Ate nerdy perculiar pasalamat nadin sa paggawa ng cover ng story natoh. Kung namo-mroblema kayo sa cover ng book na ginagawa niyo punta kayo sa reading list ko tas dun sa covershop makikita niyo dun. And if you want a dedication just comment,vote,support and follow!

***

"Gangster Arena"

***

Alexandra Arielle's POV

Minulat ko ang aking mga mata ng marinig at maramdaman ko na wala na yung bata at kung sino mang kasama niya.

Hindi naman talaga ako natulog pagkaupo sa ilalim ng puno. Gusto ko lang talagang makalanghap ng sariwang hangin kaya pumikit nalang din ako.

Alam ko din na kinukuhanan niya ako ng picture dahil ramdam ko. Wala kang maitatago sakin.Pero hinayaan ko nalang siyang kunan ako ng litrato dahil hindi naman kawalan ang picture sakin.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kotse ko para pumunta sa lugar kung saan ang pinaka ayaw ko sa lahat,ang mall. Tama ang basa niyo. Ayaw ko sa mall dahil sa isang dahilan. It's a crowded place. Masyadong maingay,madaming tao at magulo. It's not my type of place,so shut up.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at sumibat na. Pagka-park na pagkapark ko ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na sa loob ng mall. Hindi ako nagmamadali dahil excited ako,kundi para matapos na toh.

At kung bakit ako pumunta dito kahit hate na hate ko ang gantong lugar? Kailangan kong bumili ng bagong damit para sa pasukan at konting school supplies.

Kahit ganto ako,babae padin ako. Yun nga lang sa isang pag-ikot ng kamay ko ubos ang lahi mo. *evil smirk*

Agad akong pumasok sa mga botiques na pambabae na matitino ang damit at hindi ung labas kaluluwa.Hindi pako buang para magsuot ng ganun.

Namili agad ako ng maraming black sleeveless at t-shirts. Ripped Jeans, High Waist Jeans at normal jeans.
Pumili narin ako ng iilang dress. Incase of emergency na kailangan ko ng ocation na magsusuot ako ng dress.
Some offshoulders and skirts.

Sa dami ng pinamili ko salubong ang kilay kong binitbit ang mga paper bags na pumunta sa NBS para bumili ng iilang school supplies.

Pumili ako ng 7 na box ng notebook ng mga design na nagustuhan ko at tigi-tigisang box ng 0.3 na red at black ballpen na gusto ko.

Ayokong pabalik-balik sa mga gantong lugar kaya ganyan ako kung bumili.Bumili rin ako ng ilang libro,dahil mahilig akong magbasa.

Nang makarating sa bahay ay ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. Hindi pamandin ako nagtatagal sa paghiga ay tumunog na agad ang phone ko.

*Calling-----Claire*

Ba't to tumatawag? Tamad kong sinagot ang tawag.

"What?" bungad ko dito.

"Sinabi ko nang wag kakalimutan na 'hello' ang pambungad sa tawag at hindi 'What' eh!" reklamo nito na nagpairap sakin.

"Bakit ka kako tumawag? May problema ba?"

"Uhh wala naman. Bored na bored ako dito sa bahay. Tara sa GA." pag-aaya nito.

Between Love and Death [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon