Chapter 3: Babysitter

2 1 0
                                    

"Oy gusto mo?" Alok kay Jake ng chocolate habang busy sya sa kung ano man habang nakaupo sya sa may sofa. So, anong nangyare? Ayan. Di ako kinakausap. Sinamahan lang talaga ako. Kanina pa ko salita ng salita pero sya? Busy sa cellphone minsan kukunin yung newspaper tapos pipicturan tapos mabubusy na naman. Kung papansinin nya ko, titingnan nya lang ako, masama nga lang. Mas awkward kaya kapag tahimik tapos di pa sya nagsasalita. Nakakabobo ang katahimikan. Nakakabingi pa.

"Oy, Jake!" Sabi ko at tumabi sa kanya. Pero sya? Ayun, parang walang tumabi sa kanya. Parang walang tao sa paligid nya at parang walang kausap. Sya na ata ang pinakanakakainis na tao na nakilala ko. Well, kasi inapakan nya yung chocolate ko kahapon, noh. Tapos ngayon, inisnob pa ko.

"Jake!" Sabi ko ulit sa kanya at idinuldol sa guwapo nyang mukha yung chocolate. At sa wakas ay pinansin din ako ni Mr. Bayaran-mo-to. Wag mo sabihin na papabataran nya saken yung mukha nya. Psh.

"Hindi mo ba nakikita na busy ako ha?" Sabi nito. Minsan, mas pipiliin ko na lang ang manahimik sya kesa magsalita sya. Kasi kaseryosohan pa lang ng boses nya, nakakatakot na. Okay, ganyan ba silang matotropa? Speaking of, tropa nya pala si Kuya? Kaya ba niligtas nya ko kay Manong guard kahapon? Ang galing talaga ng Kuya ko at okay payn pati ang suplado na to.

Nagpout na lang ako at tumayo tapos lumipat sa kabilang sofa. Naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi ang immature ko? Pero sabi ni Mommy, natural lang daw sa babae ang maging iyakin pero bakit parang wala na ata sa tamang level yung pagiging iyakin ko? Binuksan ko na lang yung chocolate na dapat ay para kay Jake. Kung silang dalawa ni Kuya ang kasama ko araw-araw, panigurado magiging katulad din nila ako. Kaso parang ang corny naman nun.

Bumuntong hininga ko at kinagat ang chocolate na hawak ko na dapat ay kay Jake ito. Hindi talaga ko nag-ke-crave sa mga foods na sosyal, eh. Chocolate lang masaya na ko. Mohohohoho. Teka, tanghali na, ah. Kumain na kaya itong suplado na ito? Sya kaya ang unang bumisita saken sa bahay na ito. At ang malala, ay sya pa. Bakit sya pa?! Sabihin mo nga saken bakit sya pa?! Okay, corny.

"Oy Jakeyy kumain ka na?" Hindi ko naman inaasan pero pinansin nya ko at isusulat ko sa diary ko yun kasi nga for the first time, pinansin nya ko unang sabi ko pa lang. Well, maliban sa kahapon na kaya nya ko pinansin ay dahil sa nabunggo ko sya. Ah! Kalimutan na nga yun!

"Ano?" Hindi nya ko narinig? So pinapakinggan nya din pala ako akala ko inisnob nya na ko eh. "Jakeyy?" Ah! So yun pala ang pinapakinggan nya? Okay, so nagkamali ba ko ng pagtawag sa kanya nun? Baka iwan nya ko mag-isa dito!

"Ah. Hehe, sarey." Sabi ko at nag-peace sign pa. "Sorna agad, Jake. Baka kasi di ka pa kumain, eh." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Okay, so nag-uusap ba kami? Himala naman at hindi nya ko sinusungitan. Yey! Lord, thankyou po!  Binigyan nyo po sya ng isang minuto para maging mabait saken! "Mag-oorder ako ng pizza sa greewich kung gusto mo po." Nakangiting sabi ko. Kaso katulad nga ng sabi ko kani-kanina lang, isang minuto lang ang binigay ni Lord para maging mabait saken. Tumingin ulit sya sa cellhpone nya at nagpakalunod. Sige, dutdot pa sana naging daliri ka na lang. Ang gwepe nemern ng daliri na ituuuu.

"Oy. Bakit ba ang sungit mo?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang hawak ko na chocolate at kumagat ulit. Kinuha nya ang newspaper ulit tapos may pinicturan. Tapos may dinutdot ulit sya sa cellhone nya tapos napangiti sya. Okay, so may katext sya? Ang gwapo nya naman ngumiti. Alam nyo ba yung pakiramdam na kahit masungit sya eng gwepe gwepe nye pe ren. Ha? Anong sinabi ko? Oo, wala. Wala kong sinabi. Alien langguage yun wag nyo na po intindihin. Kumagat ulit ako sa chocolate ko.

"Oy, Jake." Tawag ko sa kanya. Sino kayang katext nya? Girlfriend nya kaya? Teka, may girlfriend sya? Eh bakit wagas sya magsuplado saken? Teka, baka sabi ng girlfriend nya sungitan ako. Teka ang corny ko.

Badboy's QueenWhere stories live. Discover now