Chapter 4

15 1 0
                                    

Chapter 4 - End of Summer Vacation

Samantha's POV

Patapos narin ang summer at balik eskwela na naman kaming lahat. Babalik narin si Luke sa lugar nila.

Bukas na ata ang balik ni luke sa lugar nila. Bakit ganito nararamdaman ko? Hindi pa nga siya umaalis pero nami miss ko na siya. Ano ba naman yan!

Well, gabi narin ngayon. As usual naglaro lang din kami kanina, wala namang pinagbago eh. Lage namang ganon dito eh. Sa laro lang namin inuubos lahat ng oras namin.

"Makatulog na nga, pagod narin ako sa kaka laro" sabi ko sa sarili ko.

---------------------------------------------

Third Person's POV

Ganon na nga ang nangyari, mahimbing lang na natulog lahat ng tao matapos ang araw na yon.

Sumapit na nga ang susunod na araw at ayon, araw na nauuwi si Luke. Lumabas na sa bahay si SK pagka gising na pagka gising niya. Nagmamadali siyang lumabas na para bang may hinahabol.

Ilang oras nalang din at aalis na si luke. Naka impake narin lahat ng gamit niya at ready narin siyang umalis. Hinihintay nalang din niyang matapos ang Tita tess niya sa pag aayos para mahatid narin siya sa terminal ng bus.

---------------------------------------------

Luke's POV

Ngayon na ang alis ko at matatagalan na naman bago ako makakabalik dito. Nga pala, pumupunta kasi sa ibat-ibang bahay ng mga tita at tito ko para magbakasyon. Wala kasi dito ang mama ko, nasa States nagta trabaho para tustusan lahat ng gastosin ko sa pag aaral at iba pa. Kaya lumaki lang ako sa pangangalaga ng mga tiyahin at tiyuhin ko. Ang papa ko? Hindi ko pa rin nakikilala simula nong pinanganak ako. Tinatanong ko naman sa ma kamag-anak ko kung nasan na yong papa ko pero wala silang masagot kaya di ko narin pinilit alamin.

Yon nga ang ibang impormasyon sa buhay ko kaya sa ibat-ibang lugar ako nag sa summer.

"Luke tapos na ako. Ano alis na tayo?" sabi sakin ni Tita.

"Sige po tita. Ready narin po ako. Tara na." sagot ko naman.

Yon na nga bumaba na kami sa bahay nila Tita at may hinahanap ang mga mata ko. Oo si SK ang tinutukoy ko. Nakita ko naman siya agad katabi ng pinsan niya na nakatingin samin ni Tita na paalis.

"Alis na ako. Mami miss ko kayong lahat panigurado. Ingat kayo dito." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Sige luke, ingat ka sa byahe" wika naman ni Apple.

"Salamat" maikling sagot ko.

Tinignan ko ang reaksyon ni SK pero ayon na naman siya sa lage niyang ginagawa, ang yumuko at tumingin sa sahig. Pangit ba ako, at bakit mas gusto pa niyang tignan ang sahig kesa sakin. Nakakainis lang kasi. Pero wala naman na akong magawa. Lilipas din tong nararamdaman ko total matatagalan din naman bago ako makaka balik dito sa lugar nila.

---------------------------------------------

Samantha's POV

Umalis na nga si Luke sa lugar namin. Nakaka miss din kasi matagal din siyang nag stay dito samin. Hindi ko nga magawang tumingin man lang sa pag alis niya kasi umiiral na naman yong hiya factor ko.

Busy na naman kami lahat kasi balik skwela na nga at excited na naman ako kasi bibili na naman ng bagong gamit sa school. Yon yong favorite part ko sa balik skwela eh, ang pagbili ng mga bagong gamit. Umalis narin kami para na nga bumili ng mga gamit na gagamitin sa school.

Natapos ang araw at nakabili rin kami sa mga gamit na kakailanganin namin. Pasokan na bukas kaya kailangan matulog ng maaga para hindi malate sa first day of class.

---------------------------------------------

Third Person's POV

Balik eskwela na nga at busy na ang lahat dahil isang taon na naman ng pagbabago at isang taon na naman na kailangan igugol ang sarili sa mga libro at iba pa.

Ilang taon na naman kaya ang hihintayin ng dalawa bago sila magkita muli. May nagbago na kaya pag nagkita ulit sila? O may magbabago na naman at lalalim at lalalim lang ang mga nararamdaman nila.

A/N

Natapos rin ang Chapter 4 !!!

Ang susunod na chapter ay kwento ng mga taon na pinagdaanan ng dalawa bago sila muling nagkita.

Excited narin ako sa update pero pahinga muna kasi kailangan din ng time para ma refresh ang mind.

Till next update you guys !!!!

Please vote for the story.

Share din if you like.

~Gregsy

Love Conquers AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon