Chapter 1

24 1 0
  • Dedicated kay Demrea Juance
                                    

     Sa wakas dumating na rin ang araw ng pagtatapos ni Filisa sa elementary.  Ramdam ko ang tuwa sa kanyang mga mata dahil kahit sa dami ng pinagdaanan naming nairaos pa rin niya ang elementarya.

     Taong 2010, Buwan ng Hulyo, namatay ang ama ng aking mga anak na si Fernando, dahil sa aksidente sa pagkokopra.  Naiwan sa akin ang dalawa kong anak.  Pitong taong gulang palang noon si Filisa, samantalang dalawang taon naman si Neneth na bunso ko.  Di pa rin nabubura sa sensya ko ang mga araw habang nilalaro ni Fernando si Filisa at pinapangaralan. Halos walang katumbas din ang tuwa ni Filisa ng bilhan siya ng ama niya ng isang napakalambot na manika noong ika-anim na taong gulang nito.

     Pinag-ipunan din nito ang may kamahalang damit para sa binyag ni Neneth.  Nang mga araw na iyon wala na akong ibang maihihiling, Masaya na ako sa payak na pamumuhay naming pero sa di inaasahang pagkakataon.  Mag-aalas dose na ng gabi pero wala pa rin si Fernando, di ko na napigil ang pag-iyak ni Filisa, sobra na rin ang kabog ng dibdib ko kung ano na ba ang nangyayari sa asawa ko.  Hanggang sa kumatok sa amin nag isa sa kanyang katrabaho na nag-aagaw buhay na daw si Fernando sa hospital dahil may nakaalitan sa koprahan.

     Nang mawala si Fernando, pilitin ko mang ibigay sa mga anak ko lahat ng ibinibigay ni Fernando ramdam ko pa rin ang pananabik nila sa ama.

     “Filisa, pasesnsya ka na anak ha, walang pera si nanay para pagbilihan ka ng regalo anak ha.”  Masakit man sa kalooban ko na di mabigyan ng regalo si Filisa, wala akong magagawa dahil kung tutuusin kulang pa ang kinikita ko sa paglalabada sa aming pagkain pa lang.

     “Ina’y ayos lang po.  Masaya na po ako na nakapagtapos ako.”  Sabay niyakap ako ni Filisa ng buong suyo.

     Dahil bakasyon na, gusto ni Filisa na makatulong sa akin aya nag-tutulong tulong siya sa karinderya ni Mam Malou, ang suki ko sa paglalabada.  Samantalang si Neneth naman ay sinasama ko tuwing naglalabada ako.

     Isang araw habang naglalabada ako inutusan ko si Neneth na kunin ang mga lalabahan ko pa sa loob ng sala nila Mam Malou.  Matagal bago bumalik si Neneth. 

     “Neneth bakit ang tagal mo?"

     “Nay ang ganda po nung laruan nung mga anak nila Mam Malou, naglalakad pong manika tsaka nagsasalitang teddy bear, ang ganda po talaga.”  Kita ko ang ningning ng mata ni Neneth at ramdam ko ang pagnanasa nito na magkaroon din ng ganon.

     Masuyo kong hinaplos ang buhok ni Neneth.

     “Anak pasensya ka na ah.  Wala tayong pera.”  Nawala ang ngiti ni Neneth sa mukha.

     “Nay masarap po bang maging mayaman?”  Sandali akong natigilan sa paglalaba tanong ng isang batang musmos na kahit kailan ay tanong ko rin sa sarili ko.

     “Halika nga dito.”  Sabay niyakap ko si Neneth ng napaka-higpit.

     “Neneth diko yan naramdaman eh.  Pero kahit di mo naman itanong diba ang sarap sarap maging mayaman,” di pa rin bumabalik ang ngiti sa mukha ni Neneth kahit ngumiti na ako.

     Hapon na ng matapos ako sa paglalaba, sabay-sabay kaming umuwi nila Filisa.  Pagdating sa bahay agad ikinuwento ni Neneth ang mga laruan na nakita niya na nilalaro ng anak nila Mam Malou.

     “Ate ang gaganda nung mga manika don kila Mam Malou.  Naglalakad sila, tapos yung mga bear nagsasalita tsaka mukhang ang lalambot.”  Kwento ni Neneth na halatang inggit na inggit.

     “Talaga?  Ang mahal siguro non nuh Nay?”  Nagulat ako sa tanong ni Filisa.  Ngumiti lamang ako dito dahil alam kong lalong sasama ang loob ni Neneth.

     Tinungo ko ang kusina upang magsaing.  Awang-awa ako sa sarili ko at pati sa mga anak ko.  Di ko alam kung kailan ko sila mabibigyan ng magandang kinabukasan lalong meron akong dinaramdam na sakit.

     Nililigawan pa lang ako noon ni Fernando ng madiskubre ko na meron pala akong sakit sa bato.  Kaligayahan na ng katawan ko kung makainom ng limang gamot sa isang buwan.  Buti nga ngayon di na madalas na mamaga ang buong katawan ko.

     Nang sumapit na ang ala-sais hinain ko na ang kanin, wala akong pera pambili ng ulam kaya, heto nanaman kami, asin ang ulam.  Di kami nagpapaabot ng kadiliman ng gabi kumain dahil tanging gasera lang ang gamit namin.  Wala kaming pambayad para sa kuryentwe nabaon din ako sa advance kay Ma'am Malou dahil sa graduation fee's ni Filisa.

     habang sumusubo ang dalawa ng kanin may munting luha na tumulo buhat sa aking mata.  Kelan ko kaya sila mapapakain sa mamahaling restaurant.

     "Ate.... Ate birthday ng kapatid ng classmate ko sabi niya pumunta daw ako....  Gusto mo sama ka masasarap handa dun."

     "Kelan ba?"

     "Ah... Sa Friday... Diba Nay sinabihan tayo."

     "Ah... Oo... Filisa."

     "Sige punta tayo."

     Matapos naming kumain naghugas na si Filisa.  Si Neneth naman pinaghahalukay ang mga damit niya para pagpilian na susuotin.

     "Inay... Bagay po ba ito para sa birthday party?"  Isang may kalumaan nang damit ang inakot sa akin ni Neneth.

     "Ah... Nneth wala ka na bang mas bago-bago pa dito?" Isang may kalumaan nang damit ang inabot sa akin ni Neneth di ko na pala ito nabilihan ng bagong damit.  Sa aking pagkakatanda nung limang taon ito huli kong na bilhan.

     "Hayaan mo... Ihihingi kita kay Ma'am Malou ha."  Tumungo lang ito at malungkot na nilatag ang higaan naming banig.

     Kinapa-kapa ko ang aking katawan, namamaga nanaman ito at mukhang nangangailangan na naman ng gamot.

     "Nay mahga-hig school pa po ba ako?"  Tanong ni Filisa nang pagkapanhik.

     Oo nga pala, isang buwan na lang enrollment na naman, wala pang mga gamit sa eskwela ang dalawa at high school na si Filisa.

     "Oo naman...  Magha-high school ka."  Masuyong lumapit si Filisa sa akin.

     "Nay kaya mo pa ba...  Pwede na po akong mamasukan na katulong sa Maynila para magpahinga ka na sa paglalaba."

     Napatitig ako sa mukha nito.  "Hindi anak, kaya ko pang maglaba malakas pa si Nanay eh."

     Siguro ramdam din ni Filisa na nahihirapan na rin ako sa paglalaba.

     "Nay namamaga na naman ang katawan mo."  Nag aalalang tugon ni Filisa.  "Nay may gamot ka pa ba?"

     "Ah... Anak wala na eh... Hayaan mo na di pa naman masyado eh."

    "Nay pag nakatapos ako, nakakuha agad ako ng trabaho ipapagamot agad kita."  Nakaramdam ako ng tuwa.  Kahit mahirap kami di pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga anak ko sa akin at dito ako kumukuha ng lakas.

     "Halika nga dito."  Sabay niyaap ko ito ng napakahigpit.  Pigil kung tumulo ang mga luha ko.

     Maya maya pa'y natulog na rin kami ni Filisa.  Dahil maliit lang ang bahay namin tabi-tabi lang kaming natutulog sa may sahig nabinabanigan lang namin.

     Tulog na ang dalawa kong anak pero ako di pa rin makatulog.  Ang sait para sa isang ina tulog ko ang kaalamang di ko kayang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ana ko.

     Hinahagod ko ng tingin ang dalawa kong anak, nakakatuwang isipin na kahit naghihirap kami ay di naman sakitin ang mga anak ko.  Kahit papaano nasa hustong tangkad at pangangatawan din naman si Filisa.  Medyo payat nga lang si Neneth dahil pihikan kung kumain.  Kahit sino naman siguro ay tatamarin kumain dahil sa pitong taon ni Neneth dito sa mundo palagi na lang best recipe ko ay Asin.

INA ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon