Bakit ko sinulat to? Wala lang. Bigla ko lang naisip. Biglang pumasok sa isip ko. I was searching for an eBook to read, when I remembered something. Maraming Wattpad stories ang sikat, pero hindi masyadong maganda, or hindi maganda.
Yung mga Wattpad stories ngayon, masyadong idealistic. Sa sobrang pagka-ideal nila, sobrang layo na sa katotohanan, sa REAL WORLD.
Yung mga Wattpad stories na "bad boy meets good girl", "badboy meets the nerd", "bad girl meets the nerdy boy" based na stories. Sa totoo lang, nakakasawa na yung ganyan. Pero sobrang sikat pa rin. Marami na akong nabasang ganyan kasi kesyo maganda at kakaiba daw. Pero nung nabasa ko na, wala, nadisappoint lang ako. Madaming stories yung "Cliche", as in sobra. Yung moment na titigil ka na lang kasi alam mo na yung mga mangyayari, walang iba, COMMON. Pati yung mga "gangster" based stories, nung una, magaganda pa yung mga sumisikat, ngayon, non-sense na. Yung mga "childhood friends-separated-turned to lovers", paulit-ulit na yung plot. Paulit-ulit na lang yung mga nangyayari, yung mga twists.
May mga Wattpad stories naman na SOBRANG UNREALISTIC NA. Yung mga stories na yung bidang babae or bidang lalake may-ari ng hotels, chain of restaurants, malls at kung ano ano pa. Sabi ko nga kanina, MALAYO SA REAL WORLD.
Oo, alam ko na sa Wattpad natin madalas nilalabas yung mga imagination natin, pero ba't ganun? Ang daming stories ang sikat dahil lang sa kesyo kakaiba daw to. Hello?! Nasan ang kakaiba dun? Napakacommon kasi.
Bakit kaya hindi ibase yung mga story sa totoong buhay? Minsan, may nabasa akong story na yung babae, may "bestfriends-from-diapers" ba yun or what? Forgot the term. Aminin na natin, WALA NA MASYADONG GANYAN. Sa loob ng 100%, mga .9 % na lang. Hello? Its 2014 people -__- Napakarare na ng mga ganyan. Aminin na ulit natin, LAHAT tayo nag-doubt na kung sino yung mga totoong kaibigan natin. Aminin nyo, dahil halos lahat ng kabataan ngayon, ganyan ang nararanasan. Yung iba nga wala ng tinuturing na totoong kaibigan, hindi dahil sa PLASTIK sila, kundi dahil sila rin,hindi siya tinuturing na tunay na kaibigan.
My point? BE REALISTIC, PEOPLE. Maraming readers na ang umay na umay sa napaka,sobrang COMMON na stories. Please lang ._.
Ayun lang, sana walang naoffend sa mga sinabi. Salamat ^__^V