I will never forget you... Not now, not ever.
Malungkot kong tiningnan ang bagay na nasa harap ko. It's been a month since she left me. Muli kong tiningnan ang bagay na nasa aking harapan, an urn. An urn filled with the ashes of my love. It was my decision to cremate her corpse after her burial so that I know that I will never be alone. She may be gone, but I'm not alone.
Her memories made my tears to continuously run down my cheek. Para sa isang matandang lalaking katulad ko, hindi na siguro bagay sa akin ang ganitong pagdadrama. I'm now fifty-five years old and grieving for the love of my love's death. Her leukemia slowly brought her to death.
"Thank you for sharing your life with me, Jimwell. Sana ipagpatuloy mo pa ang makahulugan mong buhay nang hindi ako kasama. Do this for me, Jim, please." Her last words were almost whispering through the silence but I was really sure I heard it clearly. I answered her with a nod and a kiss on her forehead while holding her hand. She peacefully closed her eyes with the sweetest smile.
Another tear escaped through my eye. This is wrong. Nangako ako sa kanyang ipagpapatuloy kong mabuhay. Hindi ako dapat magmukmok dito sa apat na sulok ng kwartong ito. I decided to take a walk on the subdivision's park. Maraming tao, mostly kids, ang nadatnan ko rito. May isang grupo ng kabataang sumasayaw sa stage. Nagpapractice yata ang mga ito. Ang pinakapumukaw ng aking atensyon sa lugar na ito ay ang isang babaeng tila napag-iiwanan ng panahon ang kasuotan. Manghang-mangha niyang tinitingnan ang grupo ng kabataang sumasayaw na para bang unang beses lang siyang makakita ng ganitong uri ng sayaw.
Umupo ako sa isa sa mga bench sa parke at kasunod na hinawakan ang aking likod. Nasa katandaan ko na nga ako, sumusumpong na naman ang aking arthritis.
"Ayos ka lang po ba Tatay?" tanong sa akin ng babaeng napansin ko kanina. I saw her natural beauty in a near distance. Napakaganda ng mukha niya, napaka-amo. Sa aking pagtatantya, nasa 16-anyos lang siguro ang batang ito. She reminded me of someone I know.
"Ayos lang, hija. Salamat." sagot ko sa kanya at ngumiting sumagot. Kakaiba talaga ang binibining ito. Sa pananamit at kilos, halatang hindi siya taga-rito. Taga-probinsya siguro. Napansin kong tuwang-tuwa siya sa mga kabataang kasalukuya'y nagtatalo kung ano ang kasunod na step sa kanilang sayaw. "Bakit hindi ka sumali sa kanila? It seems that you want to dance with them."
She took her eyes off the dancers and looked down shyly. Nahalata kong nahiya ang dalaga. Ngumiti ako at ipinagpatuloy ko na lang ang aking sinabi. "Siguro, kung sumali ka, matatalo mo pa ang mga 'yan."
"Chri-- Maria po, 'Tay. Maria po ang pangalan ko. Para pong imposibleng makasabay ako sa kanila dahil sa galing po nila." sagot niya at muling tumingin sa mga nagsasayaw.
"A, Maria, ano naman ang ginagawa mo dito at magsolo ka pang pumunta sa lugar na ito? Malapit nang magdilim. Maraming may masasamang loob sa panahon ngayon." I said. I think I was feeling comfortable with the conversation.
"Uhh, hinahanap ko po ang sarili kong matanda na. Kung ano po ang magiging itsura ko kapag ako'y tumanda na."
I thought she was joking when she said that, but she looks serious. It reminded me of my wife. Maraming mga bagay na sinasabi niya na aakalain mong isang biro ngunit seryoso pala siya dito. Isa na rito ang pagkahilig niya sa mga scientific projects at experiments. We had almost everything, wealth, knowledge and fame, except for one, an offspring. Hindi kami nabiyayaan ng anak dahil sa komplikasyon sa kanya. Hindi naman ito naging problema sa akin at inintindi na lamang siya. Muli kong nilingon ang aking kausap.
"Well, good luck with that." I replied her with a smile.
Nagpatuloy ang aming pag-uusap. I told her my story, why was I here in the first place. Ako ang kwento nang kwento sa kanya at nakikinig naman siyang mabuti. Napapansin kong malapit nang magdilim.
"Gusto mo bang kumain tayo ng hapunan? Ililibre kita, bilang pakikinig mo sa drama ng buhay ko." natatawa kong wika sa kanya.
She giggled and as if, it was a music to my ears. "Hindi na po, 'Tay Jim. May hinahabol po akong oras e. Kelangan ko na pong makabalik sa aking pinaggalingan bago pa tuluyang magdilim ang paligid. Salamat po sa pagbabahagi niyo sa akin ng kwento niyo." She hugged me and kissed me on the cheeks. "'Til we meet again, 'Tay! Paalam!"
Nagulat ako sa ginawa niya. Malakas na tumibok ang aking puso. Katulad ito sa aking naramdaman sa unang pagkikita namin ng aking asawa noong ako ay 25 taong gulang pa lamang. This can't be! I should not be inlove with her!
Bago umuwi, bumili ako ng aking hapunan sa isang fast food chain. I noticed a huge crowd encircling the trees of the park. Lumabas ang isang pulis sa nagkakagulong mga tao. Out of curiosity, nakisali ako sa kumpol ng mga tao.
"A, hijo, ano daw ang meron? Bakit nagkakagulo ang mga tao rito?" tanong ko sa isa sa mga tao.
"Meron pong witness na nagsabi sa mga pulis na may isang babae raw na nakasakay sa weirdong makinang iyan. Sa isang iglap daw ay biglang nawala ito kasama yung babae. Pero may natirang isang piyesa ng makina. Sabi naman ng iba, time machine daw yun. Hindi naman totoo ang time machine 'di ba 'Tay?"
Hindi ko siya sinagot at mabilis kong pinuntahan ang nasabing piyesa. Nagulat ako sa nakita ko. Pamilyar ito sa akin. Isang tao lang ang gumamit ng ganitong piyesa.
"Makikiusap lang po, umalis na po muna tayo para masimulan na po namin ang imbestigasyon. Salamat po." Sabi ng isa sa mga pulis.
Paalis na ako nang may natapakan akong isang bagay, ID. Nagmamadali akong umuwi sa aming bahay at pumunta sa aking bodega. Sa gitna ng bodega ay ang makinang tinutukoy nila kanina. Tinanggal ko ang telang nakatakip dito at inobserbahan ito. Sa likod ng makina at may isang butas ito, kasukat ng piyesang nakita kanina sa parke. Biglang tumulo ang luha ko nang muli kong tingnan ang ID na nakita ko kanina.
MARIA CHRISTINA VILLANUEVA, my wife's maiden name. Siya ang babaeng kausap ko kanina. Kausap ko ang asawa ko kanina. Weird to say because she's dead. Pinagsisisihan kong hindi siya nakilala kanina. I remember one of the things she told me before she died:
"I once travelled through time, Jim. I was looking for my old self, but then, I found my true love."
****************************************************************************
This is my first. Halata naman di ba? Hahaha! Thank you for reading!
Can you share your thoughts about this story on Twitter? Tweet me @rianelaaaa. Thanks! :)
~jammedconformity ;)
BINABASA MO ANG
Timeless
RomanceAn old man falling in love with a teenager? Brace yourselves, this is not just your ordinary love story.