AKIN KA NA

1K 14 4
                                    

Mira's POV

Nandito ako ngayon sa isang mall sa manila kung saan gaganapin ang fansigning event ng kilalang boyband sa pilipinas- ang BoybandPH.

First time kong makikita ng personal ang nagiisang band na nagustuhan ko dito sa pilipinas, dati naman kasi puro Kpop o Korean pop lang ang mga iniidolo at pinagpapantasyahan ko, well hanggang ngayon rin naman. Kaso nabaliw din ako sa BoybandPH, audtion pa lang nila lagi na akong nakaabang sa t.v namin. Hanggang grand finals inabangan ko, and now. Finally makikita ko rin sila ng malapitan mga bes, hindi lang sa t.v.

Hindi naman ito yung unang beses na nakapunta ako ng fansigning event pero ito yung unang beses na kinabahan ako ng sobra, as in sobrang nanginginig na yung tuhod ko kanina pa at ang lamig ng kamay ko. Dahil siguro makikita ko na yung crush na crush kong si Joao. Jusko sinong hindi kakabahan eh sa gwapo ba naman nang nilalang na yan? Pati garter ng panty mo mahihiya.

Sa limang member ng BoybandPH si Joao talaga pinaka crush ko, though lahat naman sila crush ko haha.

Lumapit na ako sa table kung saan magbabayad ako ng entrance fee para sa fansigning. Sa table rin na 'yon nakahilera ang mga poster, album at ibang pang merch ng BoybandPH.

Bumili ako ng isang album nila at limang poster na puro solo picture nila. Hirap na hirap ako sa pagbitbit ng mga dala ko, pano ba naman kasi dala dala ko pa yung bag ko na puro mga gamit ko sa school ang laman, dahil dumiretso agad ako dito galing school. May dala rin akong isang malaking paper bag na may limang exploding box, para syempre sa lima.

Tapos eto may dala pa akong mga poster na isa isang naka-roll, dahil pag pinagsama kong pina-roll kay ate kanina, mahihirapan akong ipapirma sa lima to.

Tuluyan na akong pumasok kung saan mismo gaganapin ang fansigning. Nakita kong mahaba na ang pila so pumila na ako.

Habang nakapila ako napatingin ako sa may glass wall sa gilid kung saan ako nakapila, jusko hagard na ang mukha ko mga bes tapos oily pa, plus yung mga tigyawat kong malalaki. Pero hayaan na, atleast makikita ko na sila.

Hindi nagtagal, ako na yung kasunod ni ateng ang ikli ikli ng suot jusko bat di nalang kaya siya nagdamit? Nahiya pa siya. Napatingin naman ako sa sarili ko simpleng pants at t-shirt lang ang suot ko.

Tumingin nalang ulit ako dun sa ateng ngayon ay nagpapapicture na, kala mo unggoy na nakakapit sa leeg ni Joao, at si Joao nakahawak yung kaliwang braso sa bewang ni Ate at yung kanan ay naka-peace sign at syempre yung oh-so-famous-pose ni Joao na nakalabas ang dila. Matapos ang ilang shots ng nagpipicture umalis na rin si Ate, pero humabol muna ng halik sa pisngi nj Joao. Jusko ang sarap hilahin ng nguso mga bes tapos ingudngod sa sahig tapos ang sarap din kalbuhin. I'm chill mga bes, i'm chill.

Hindi ko napansin na tinatawag na ako ng staff at ako na daw ang susunod, kaya naman dali dali akong lumapit sa pahabang mesa dala dala ang mga gamit ko na ikinakuha ng atensiyon ng lahat- lalo na sa lima. Pero di ko nalang pinansin at dumiretso ako sa pwesto ni Niel dahil siya yung una. Sunod sunod kasi.

Ngumiti sakin si Niel habang binibigay ko naman sakanya ang isang poster na may picture niya at album. Pagkatapos niyang pirmahan ang mga 'yon, kinuha ko naman sa paper bag ang dala kong exploding box para sa kanya. Nag-thank you siya at nagpicture na kami.

Sunod naman kay Tristan na sinundan ni Russel at Ford.

"Ang dami mo namang dala para sa amin, at halatang nag-effort ka pang dalhin yan dito. Ang swerte namin dahil may fangirl kaming katulad mo." Nakangiting sabi sa akin ni Ford pagkatapos niyang pirmahan yung album at poster.

Feeling ko pulang pula na ako ngayon dahil sa ngiti ni Ford, ang gwapo niya. Kay Niel, Tristan at Russel. Si Ford lang yung kinausap ako ng matagal. Mababait naman ang tatlo, pero si Ford i found him sweet. Natutunaw yung puso ko mga bes.

"A-ahh hehe" yun lang ang nasagot ko dahil speechless ako.

Tumayo na siya at dumaan siya sa likod ng upuan ni Joao, ngayon nakalapit na siya sakin. Kung kanina may nakaharang na mesa, ngayon ay wala nang nakaharang sa pagitan namin. Kitang kita ko kung gaano siya katangkad at ang sobrang gwapo niya sa paningin ko ngayon, dahil ang ganda ng ngiti niya na ikinangiti ko rin.

Sa hindi ko inaasahan, bigla niya akong hinila at niyakap saka tumingin sa camera ng phone ko na hawak ngayon ng magpipicture sa amin. Hindi ko na alam kung paano niya nakuha sakin yun dahil ang alam ko nakatulala nalang ako na nakatitig kay Ford.

Nang mapansin ni Ford na nakatulala ako bigla siyang nagsalita.

"Ngumiti ka naman, para maganda yung kuha." Dun lang ako bumalik sa katinuan ko.

Pinulupot ko rin ang mga braso ko sa bewang niya saka ngumiti sa camera.

"I-tag mo sa ig ko yan ah?" Nakangiting sabi niya pagkatapos ng pagpicture namin, nakangiting tumango lang ako at bumalik na siya sa upuan niya.

At ngayon kay Joao na, this is it.

Habang nakatayo ako sa harap ni Joao ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang slow motion ang mga nangyayari sa paligid ko at ang pagngiti niya sakin.

"Miss?" Pagagaw ng atensyon sa akin ni Joao at winave pa yung kamay niya sa mukha ko.

Bigla naman akong nataranta at hinahanap yung poster ni Joao, kaso sa sobrang pagkataranta nadulas sa kamay ko ang mga poster at nahulog kasama ang album. Agad kong pinulot at naramdaman kong tumayo sa Joao sa upuan niya at nilapitan ako. Tinulungan niya akong pulutin ang mga nalaglag.

Nang pupulutin ko na sana ang album, kamay ni Joao ang nahawakan ko. And again, nag slow motion na nagkatinginan kami. Napatitig ako sa mata niya, sa ilong niya at pababa sa labi niyang may peircing. Which is i love the most.

"Now i know why you look familiar." Biglang sambit niya na hindi ko naman naintindihan dahil nilalamon ako ng kagwapuhan niya.

"I found you again." Tumaas ang kamay niya sa mukha ko. Nakatitig lang ako sakanya at walang pakialam sa mundo.

"But now, hindi na kita papakawalan... Mira Lorenzo. Simula sa araw nato..." Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa kaya napapikit nalang ako. Nagsalita siya ulit, but this time rinig na rinig ko ang sinabi niya.

"AKIN KA NA."

Hinintay kong lumapat ang labi ni Joao sa labi ko kaso wala akong naramdaman, ngumuso ako para tuluyang mahalikan siya kaso wala talagang dumampi sa labi ko.

Dinilat ko ang mata ko at nakita kong nakangiti na nakatingin sa akin si Joao. Pero iba to. Isa siyang poster na nakadikit sa pader ng kwarto ko.

Hays. Panaginip lang pala.

AKIN KA NA [Joao Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon