Chapter 2Pagkatapos yung nakita namen sa Art Room tinignan ko yung relo ko at 5minutes nalang magsisimula na ang klase!
"Tara na Ellie 5 minutes nalang magsisimula na yung klase!"
Pagkasabi ko non agad naman kame nagmadaling tumakbo.
Aish pahamak talaga tong Ellie na to kahit kelan. At ako naman si murit sumunod naman sakanya. Nakoo
Nasa tapat na kame ng classroom kaya naman binuksan namen ang pintuan at umupo na sa pwesto namen. Sakto naman dumating na ang Music Teacher namen.
Buong klase iniisip ko yung nakita namen ng painting ewan ko ba nung nakita ko yung painting na yon parang biglang kumalabog yung dibdib ko. Tsaka nakakapagtaka din kasi hindi naman tinatanggap ng teacher namen na ilagay yung painting sa Art Room pag walang signature sa gawa nila tapos yun napadpad nalang bigla bigla?
Hays sumasakit na ulo ko kakaisip. Langya
Nang matapos na ang klase inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas ng classroom
"Amy uuwi ka na ba?"-Ellie
"Oo"
"Ah sige ingat byeee"
Pagdating sa bahay agad ko na kinuha yung mga materials ko yung canvas ko.
At nagpinta ako ng mga iba't ibang anghel na may suot sila na flower crown. Marami din ako nilagay ng mga hayop at mga halaman para gumanda ang texture then sa likod nila ay may puno na kakaiba dahil sa ganda ng pagkakaayos ng mga dahon ito at may may nahuhulog na mga pirasong mga dahon. Naglagay din ako sa bandang likod ng puno na isang kakaibang anghel na nakasuot na cloak at parang pinagmamasdan lang niya ang mga nagtatawang mga anghel at sa gilid neto meron portal na nakalitaw.
Nang matapos na ako magpinta naglagay ako ng title at nang signature ko.
"Haysss sakit nang batok ko!" bigla kong binagsak ang katawan ko sa kama dahil sa pagod at pinikit na ang aking mga mata.
Patuloy ako sa paglakad sa daan at sa hindi malamang lugar na tinatahak.
"Amy!"
Lumingon ako sa taong tumatawag saakin. Isang lalaki na blur ang mukha na tumatakbo papunta saakin.
Nang makalapit na siya saaken binigyan niya ako ng isang kahon at bigla nalang siya naging abo.
Tinignan ko ang nasa loob ng kahon at puno ito ng mga gupit na papel pero may isang kakaibang papel na siyang kinuha ko at binuksan.
'Every paint has a story and every paint has a different meaning'
Pagkabasa ko non biglang nandilim ang paningin ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Nakapag update na din super busy dahil kakatapos lang ng Retreat T^T
#Wattys2017