Taong Lobo

105 1 0
                                    

Mga nakaraang araw na ang nakalipas ng lumipat ng bahay ang pamilya ni Alysse malayo sa syudad. Tuwing umaalis ang magulang nya para pumunta sa syudad, siya ang inaatasang mag-alaga sa kanyang  nakababatang kapatid. Isang araw, nagsasampay si Alyss sa bakuran nila ng mga nilabhang damit. Nasulyapan niya sa may mga damo na may taong nakatingin sa kanya. Nilapitan nya ang lalakeng nagtatago sa may damuhan. Napansin nyang kakaiba ang kinikilos nito kaya kinabahan sya, sinulyapan ng lalake ang pagkaing nakahain sa may (table) at nilantakan ang nakahaing pagkain. Nagulat si Alyss sa asta ng lalake at humingi ng tulong .
Dinala nila ang lalake sa syudad upang ipag alam at ipamahala sa mga awturidad. Ngunit wala silang nahanap na impormasyon tungkol sa lalake dahil hindi ito nagsasalita. Inuwi ulit nila ang lalake, at dun muna pinatira. Pinakain, pinatulog, at binigyan ng maayos na damit ang lalake. Mabait ang pakikitungo ng nanay ni Alyss sa lalake. Pinangalanan niya itong Axl, Samantalang si Alyss naman ay kinasusuklaman ito dahil sa mga kilos nito. Kapag kumakain na sa hapag, walang kontrol ang lalake sa pag kain ng mga nakahain, ultimo'y nalipasan ng gutom.
Habang naglalaro sina Alyss at ng kanyang kapatid sa bukid, naisipan ni Alyss na turuan si Axl  ng tamang asal sa pagkain. Ultimo’y aso na tinuturuan, ang trato ni Alyss sa binata. Naging maamo si Axl kay Alyss at lahat ng inuutos ng dalaga ay sinusunod ng binata. Kalahating gabi na ng magising ang dalaga sa mga yapak ng paa sa kanyang silid, nagulat siya na may lalakeng nakapasok sa kanyang kwarto at mayroong masamang balak sa kanya. Wala sa mga panahon na iyon ang magulang ni Alyss at tanging si Axl lang ang naroon. Nasaksihan ni Axl ang pananakit ng lalaki kay Alyss at tila pinipigilan ang pagbalat anyo nyaa. Isang lobo si Axl na matagal ng kinulong, nabubuhay sila ng matgal at kaya nilang mabuhay ng walang pagkain sa loob ng mga ilang taon. Nag ibang anyo si Axl dahil sa sobrang galit, sinunggaban nya ang lalake gamit ang mga matatalim na kuko. Natakot si Alyss sa kanyang nasaksihan at halos di makapaniwala. Mga ilang araw na ang nagdaan, maayos parin ang pakikitungo ni Axl sa kanya  samantalang si Alyss ay  nagdidistansya sa kanya. Sa bawat kapahamakan ni Alyss sinasagip siya ni Axl.  Maswerte si Allys dahil hindi siya sinasaktan ni Axl na isang lobo datapwat ay sinasagip siya. Alam na ng mga magulang ni Alyss na isang lobo si Axl, ngunit ipinagpaliban nila ito dahil alam nila na mabait ang binate. Isang saraw naglalaro sila sa bukid ng abutin ng hika si Alyss at halos manghina na ito, nataranta si Axl at binuhat niya papuntang kagubatan upang manghanap ng lunas. Inabot ng isang araw si Alyss at Axl sa gubat, napangamba ang mga magulang ni Alyss at desperadong mahanp si Alyss, Natagpuan nila si Alyss ngunit wala si Axl. Galit nag alit ang magulang ni Alyss dahil sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanilang anak. Hinanap ng mga awtoridad si Axl upang ikulong at nang mabawasan ang kung ano mang plano ng lobo, ng mahanap nila ito, binaril nila ito upang mawalan ng malay. Nang magising si Axl na nakukulong, takot na takot siya dahil sa naranasan niya nang makulong ng ilang taon at sa ngayon ay makukulong naman siya. Nasa may lumang kwarto lang siya nakulong sa may bakuran nila Alyss. Tuwing nagbibisita ang dalaga sa kanya masayang masaya siya. Dinadalhan siya ni Alyss ng pagkain at tinuturuang magsulat at magsalita. Sa mg sumunod na linggo, umalis  ang pamilya ni Alyss sa lugar  na iyon, pinangakuan ni Alyss na babalikan niya si Axl. (70 years) ang lumipas saka lang si Alyss bumalik. Bumalik lahat ng ala-ala niya sa lugar na iyon. Pinuntahan niya ang naging kulungan ni Axl ng umalis siya, nakita niyang may mga naka-ukit na mga larawan at mga sulating papel na may nakasulay na pangakan niya. Napaiyak siya dahil hindi niya lubusang tinanggap ang pagkatao ni Axl, mas nakikita niya ang lalake bilang lobo na mabangis at mamamatay  tao, ngunit may puso din pala ito, at napagtanto niyang siya ang nakapagbago sa lobong iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taong LoboWhere stories live. Discover now