"Saan nyo ba ako dadalhin? Kilala ko kayo. Mga tauhan kayo ni Gov, tuta ng mga Zaragoza---" isang suntok sa sikmura ang nagpatigil sakin sa pagsasalita.
"Masyado kang maingay." Singhal sakin ng malaking mama sa harap ko. May palagay akong sya ang lider ng grupo na ito.
Susugurin ko rin sana sya ng suntok pero naunahan na ako ng mga lalaking kasama niya. Binugbog na nila ako. Napahandusay na ako sa lupa nang maramdaman ko ang paglapit ng lider nila sakin.
"Siguro naman magtatanda ka na pagkatapos nang gagawin ko sayo." Naaninag ko pa ang demonyong ngisi nito habang binubuksan ang hawak nitong botelya. At bago ko pa maisip kung anong balak nya ay ibinuhos na nito ang laman ng bote sa mga mata ko.
"Aaaagggghhhh!!!"
Narinig ko pa ang mga halakhak nila bago ako tuluyang nawalan ng malay.
.
.
."Anong gingawa mo rito? Sino nagsabi sayong pumunta ka rito?"
May naririnig akong mga boses. Sapat lang para maintindihan ko ang pinag-uusapan nila.
"Hahatiran ko lang ng pagkain ang bihag nyo."
"Utos ba yan ni Boss?"
"May iba pa ba?"
Hindi ko kilala ang mga boses na nagsasalita. Narinig ko na lang ang pagbukas ng rehas na pinto nang kinalalagyan ko ngayon.
Nanakit man ang buo kong katawan, idagdag pa ang mahapdi kong mga mata ay pinilit kong bumangon sa pagkakahiga.
"Sino ka?" Tanong ko. Alam kong hindi na ako nag-iisa sa silid na ito ngayon.
"N-nandito ako para gamutin ang mga sugat mo."
May himig nang pag-aalala ang tono ng pagsasalita nya. At sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kapalagayang-loob simula nang gabing may dumukot sa akin.
Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin.
"G-gusto mo bang uminom ng tubig? Kaya mo bang uminom, may sugat ka kasi sa labi." Muli kong narinig ang boses nya. Tanging tango lang ang isinagot ko.
Pagkatapos nya akong tulungang makainom nang tubig ay sinimulan na nyang gamutin ang mga sugat ko. Nilagyan nya rin ng gamot ang mga mata ko.
"Ilang araw lang at maididilat mo na rin ang mga mata mo. Tiisin mo lang ang sakit. Nilagyan ko rin ng anti septic ang iba mo pang sugat sa katawan." Malumanay nyang paliwang sa akin habang nilalagyan ng benda ang mga mata ko.
"Salamat. Tauhan ka rin ba ni Gov?"
Naramdaman ko na tila natigilan sya. Sandali lamang iyon bago sya nagpatuloy.
"Isa lang akong ordinaryong tagapagsilbi ng mga Zaragoza."
Simula noon ay araw-araw na nya akong pinupuntahan. Ginagamot ang mga sugat ko at pinapakain na rin.
"Matagal ka na bang naninilbihan sa kanila?"
"Medyo."
"Nahihirapan ka ba rito? Kilala ko ang mga Zaragoza, mga demonyo sila na nagpapanggap na tao. At napansin ko rin kasi ang mga palad mo, may palagay akong puno ito ng mga sugat. Sa tuwing mahahawakan ko kasi nararamdaman ko iyon."
Hindi sya sumagot. Ibig sabihin ay tama ako.
"Bakit hindi ka umalis dito kung nahihirapan ka naman pala?"
Narinig ko ang pagak nyang pagtawa. "Wala naman na akong ibang mapupuntahan."
"Kung ganun, sumama ka sa akin."
BINABASA MO ANG
My Long Lost Cinderella
FanfictionOne of those cliché love stories but twisted. yaoi.