PART 1
Noong highschool ako, may classmate ako na gustung-gusto ko.
Alam mo ba yung pakiramdam na kahit konting pansin lang e kilig na kilig ka na?
Yan ang lagi kong nararamdaman kapag pinapansin n’ya ako. Kapag pinapansin ako ni Ram.
pero wala naman kaming 'happy ending'.
may iba kasi s'yang gusto.
lumipas na ang tatlong taon.
sa pagkakaalam ko, lumipas na rin ang pagtingin ko dun sa highschool crush ko.
pero ewan ko ba.
teka, ako pala si Dorothy.
ngayong college, may sinalihan akong isang theater club sa school.
hilig ko kasi talaga ang acting, singing at dancing na rin.
at dahil dun, bumalik uli ang lahat.
may nakilala akong isang lalaki, isang ordinaryong lalaki. yung tipong dadaan-daanan mo lang. simple. s'ya si Jest.
pero may nangyaring kakaiba.
noong minsang nag-'hi' s'ya sa akin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
hindi ko nga maintindihan e, kasi hindi ko naman s'ya gusto.
hanggang pag-uwi, iniisip ko pa rin kung bakit may kakaiba akong naramdaman nung nag-'hi' si Jest.
pinag-isipan ko talaga 'yun...
until naisip ko uli si Ram.
pareho sila. si Ram at Jest. pero paano naman?
bago ko lang napansin. pareho sila mag-'hi'.
simula noon, mahilig ko nang obserbahan si Jest.
tuwing sabado ang praktis namin sa teatro.
unti-unti kaming naging malapit ni Jest. magkasama sa tawanan, kwentuhan at asaran.
malimit ko rin pansinin yung mga kilos n'ya. marami talaga silang pagkakapareho ni Ram : sa kilos, pananamit, magsalita... ay ewan ba. nakikita ko talaga sa kanya si Ram.
patuloy ang pagdaan ng mga araw.
hindi ko na talaga maintindihan. halos gabi-gabi ko na s'ya iniisip. si Jest.
ewan nga kung bakit ako kinikilig sa t'wing kakausapin n'ya ako.
lagi n'ya pa akong nilalambing.
nakakatawang isiping kilig na kilig talaga ako.
dun ko napagtanto na gusto ko s'ya.
minsan nga gusto kong isipin na gusto n'ya rin ako kasi lagi n'ya akong nilalapitan. (ambabaw. haha).
ganunpaman, may mga oras na nalilito pa rin ako. sino ba talaga, kanino ba ako kinikilig? kay Ram o kay Jest?
lagi ko kasing naiimagine si Ram sa t'wing kasama ko si Jest.
sept. 5, ito ang big day ng theater club. ngayong araw ung performance namin sa buong sa school.
halong kaba, excitement (sa play at makita si Jest).
kasi, sa paglipas ng araw, lagi ko nang gustong makita si Jest. Para bang kulang kapag hindi ko s’ya nakikita. Kahit nga sa panaginip ko e nandun s’ya.
Maaga akong dumating.
Antagal pa ng antay ko. Nagdadatingan na rin yung ibang performers.
3:00 pm pa lang. 5:00 pm pa ang simula. Nagpaaga lang talaga ako para prepared.