A Test Of Love

34 1 0
  • Dedicated kay Mary Joy Virgo
                                    

"Sawa na ko Jane. Itigil na natin to. Wala na kong nararamdaman para sayo." sabi ni Alec saken. 

"Are you breaking up with me?" parang tanga kong tanong sa kanya. Malamang diba? Alangan namang nagdadrama lang siya kasi feel niya.Yung luha ko sunod-sunod na sa pagpatak. Ang masama pa eh may sipon ako ngayon kaya naman ayun nagmix na sila. Pambihira! Kelangan ba talaga niyang makipagbreak sakin kung saan may sakit ako? Wala ba siyang puso? Sakit sa ulo tsaka sakit sa puso pagsamahin ba naman?

"Yes. I'm letting you go Jane. I hope we could still be friends." Sagot niya sa walang kwentang tanong ko. At aba! Friends?! Huwaaat! E.friend-zone ba naman ako? No way! A fast break is a clean break. Anu daw sabi ko? Haha. Ba't ba ang likot ng isip ko? Ba't ang rami kong alam? Di ba dapat nagfofocus ako sa pakikipagbreak sakin ni Alec? This is a crucial situation. This could be my turning point.

"No. We can't be friends. How can I probably act like nothing happened? I can't be your friend Al. And I think it would be even better if we'd avoid seeing each other. Do stay away from our building from now on. It would be better for us." Wow english! Ang smart ko naman. Hihi. Pagkatapos kong sabihin yon  ay tumalikod nako at naglakad palayo. Alangan namang hintayin kopang siya yung unang tumalikod. Siya na nga nakipagbreak panunoorin ko pa siyang talikudan ako? Ano ako? Suuuuper martyr? Hindi noh! Kaya nga parang ewan na ko kung maka-iyak. Akala niya magmamaka-awa ako sa kanya? Yokonga! Aaminin ko ako yung tipong mapride. Mahal ko siya pero ba't di ko man lang pinaglaban yung pagmamahal na yon? Eh masakit nga kasi ulo ko. Ayoko nang dagdagan pa. Ayoko munang maginarte dahil baka ma-admit ako sa ospital. May exam pa naman next week. Ayoko magstudy sa ospital noh. Mas maganda pa ring sa library nag-aaral.

After nung break-up namin ni Alec eh di ko na nga siya nakita malapit sa building namin. Ni kahit tsismis nga tungkol sa kanya walang dumadayo dito samin? Anong ginawa niya eh datirati naman palagi kong naririnig yung pangalan niya. Di ko napigilang tumulo yung luha ko. Nitong mga nakaraang araw napaka-iyakin ko na. May ma-alala lang ako na related sa kanya tulo agad si Luha.   Nakakainis kasi lahat ata nang nasa paligid eh gustong ipamukha sakin na wala na kami. Yung mga kanta. Yung mga palabas sa tv. Pati nga panahon nakikisama. Umuulan kasi. Ang sakit isipin na ni.let go niya ko. Uwaaaa!! An sakit sakit sakit sakit talaga. Pero patuloy pa rin ako. Parang wala lang nagyari maliban na lang sa biglaang pagka-iyakin ko. Natapos na yung finals at malapit na yung graduation pero wala pa rin akong makita na Alec. Ang galing niya namang mag-iwas. Pati mga balita na tungkol sa kanya umiiwas din sa pandinig ko.

Nung graduation ko lang ulit siya nakita. Yung sa mismong araw na kasi di naman siya sumipot nung day before kung saan nagparty lahat nang gagraduate. Ang gwapo pa rin talaga niya. Nang tinawag na yung pangalan niya at siya na yung nasa stage para kunin yung diploma niya eh naghiyawan lahat ng katropa niya. Bakit hindi eh com laude siya. Nagpause muna siya para sa picture. Pero di siya nakatingin dun sa camera. Pano ko alam? Kasi nakatingin siya sakin. Nginitian ko na lang siya para di naman awkward. Ngumiti din siya. After nung ceremony eh di ko na ulit siya nakita.

"Jane yung order natin e.follow-up mo nga." Utos sakin nang tamad kong bestfriend. Andito kami ngayon sa favorite kong kainan. Jollibee! Hehe. Wala kasing pasok sa trabaho kaya na isipan naming maglakwatsa. Masakit na nga paa ko sa kakalakad utusan pa ako. Darating naman yang order namin kahit di ko e.follow-up eh. Yun nga lang matatagalan. Kaya tumayo na ko para pumunta sa counter. Naghihintay ako na matapos si Lola sa reklamo niya sa crew at manager nang may ma amoy akong pamiliar na scent. Ispagiti!! Hehe. Joke lang. Iba. Di ko alam pangalan nung cologne basta ang alam ko yun yung ginagamit ni Alec. Dug.. dug.. dug.. dug.. dug. Bigla akong kinabahan. Ewan ko kung bakit. Kasi ang alam ko nakapag move-on na ko. Di na ko umiiyak kapag may tumutugtog ng theme song namin. Di ko na siya napapanaginipan. Di ko na siya naiisip. At okay na ko kahit nakita ko sa facebook na may kasama siyang babae sa picture at sweet sila. Parang wala na. Pero bakit na amoy ko lang tong cologne na to ganito na agad reaksyon ng puso ko? Na-aamoy ko din naman to sa kapatid ko ah? Naramdaman ko yung pagvibrate ng phone ko kaya kinuha ko muna. Matagal pa naman kasi ata si Lola.

"You still look amazing. :)"Sabi nung nagtext. Dun ako napalinga sa paligid. At nakita ko siyang nakapila sa counter next sakin. Nakasave pa pala number niya? Di ko na sigura nabura kasi di naman siya nagparamdam.

"I know. :P" Reply ko na lang. Nakita ko siyang ngumiti nung mabasa niya yung reply ko. Ano ibig sabihin nito? Bakit ganito kami?  Bakit di ko siya inaaway? Ba't nagrereply ako sa text niya? Eh bakit ko naman kayo tinatanong? Hahaha. Siguro kasi wala naman akong itinanim na galit. Kasi wala naman talaga. Kasi yung tinatanim ko lang eh mga halaman. Haha.

"Na miss kita."  Narinig kong bulong niya. Nasa likuran ko na kasi siya. Gulaaaaaay!! Ano'ng gusto niyang iparating? Na mahal pa rin niya ko? Di ba nakipagbreak siya saken. SIYA nakipagbreak. Ba't ganito siya? Tiningnan ko siya. Pumasok sa isip ko yung linya ng isang kanta: Bakit ba may lungkot sayong mga mata?. Hehe. Ang rami kong alam. Kasi nakita ko yung lungkot sa mga mata niya. Ibubuka ko na sana yung bibig ko nang hawakan niya yung kamay ko at hinila ako papunta sa lugar kung saan di masyadong marami ang tao. Di naman talaga hinila kasi sumunod naman ako. Hihi. 

"I didn't really mean what I said to you that time. I was just testing you if you kung ipaglalaban mo ba yung pagmamahal mo sakin. Naisipan ko kasing gawin yung  nabanggit mo sakin one time nung di pa tayo, na gusto mong e.try e.break yung boyfriend mo para malaman mo kung mahal ka ba talaga niya. Kasi sabi mo malalaman mo kung mahal ka talaga nang isang tao kung di niya hahayaang mawala ka. Pero bakit di mo ko pinaglaban? Ba't mas pinili mong tumalikod?"Wala akong nasabi. Di kasi maalis sa isip ko na siya yung gumawa nang gusto kong gawin. Ang daya! Naisahan ako. Tsk tsk. Ako nakaisip nun eh. Parang gusto ko siyang batukan dahil dun.

"Alam ko kasing yun yung balak mo that time kaya nagisip ako nang bago. At eto nga oh. Napatunayan kong mahal mo talaga ako." Niyakap ko na lang siya kahit gusto ko na talaga siyang batukan. Haha. Nagpalusot pa ko noh? Nag-isip daw nang bago. Haha. Natawa na lang din siya at gumanti nang yakap. PDA!!!!! Haha

                                                                                      - END -

AN: Hahaha. Wala lang. Ang rami ko kasing nakitang nagpiPDA kanina. :D Hope ya like it!

A Test Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon