Hanggang kailan ba ako mabibigo sa pag-ibig?
Hanggang kailan ba ako maghahanap nang taong para sakin?
Kailan ba dadating ang true love ko?
Matatagpuan ko pa kaya ito?
Ngunit saan?
Marami na akong karanasan sa pag-ibig, tila isang eksperto na ako pag dating dito..
Minsan na akong niloko, pinaglaruan, at ginamit..
Sa mga sakit na naidulot nang mga ito ay masasabi kong ngayon ay ako ay manhid na..
Kada lalaki na dumadating sa buhay ko, ay umaasa ako na ito na ang taong nakalaan para sakin..
Ngunit lagi akong nabibigo..
Para bang hindi ako nakatadhang magmahal..
Sapagkat laging kabiguan ang idinudulot nito sa akin..
Hindi ako sumuko at pinagpatuloy ang paghahanap ko sa taong para sa akin...
Nalalagi ako sa simbahan araw araw para ipagdasal na sana'y mahanap ko na ang pag ibig na nakalaan sakin..
Sa tuwing papalabas ako ng simbahan, hindi ko maiwasang tumingin sa mga magkasintahang nakapalibot sa simbahan...
Masasabi kong ako'y naiinggit nga, pero sino ba namang hindi mainggit doon?
May taong handang mag aruga at magmahal sayo?
Marami ay naghahangad noon, at ako'y isa don..
Ngunit, ang aking hangarin na iyon ay malabong matupad..
Ang hangaring hindi kailanman mangyayari.
Lumipas ang mga taon, at ako'y patuloy pa rin sa paghahanap..
May lalaking sa aki'y nanligaw..
At dahil sa aking pananabik ay sinagot ko agad ito...
Ni hindi ko alam ang kaniyang intensyon...
Ni wala akong nararamdaman sa kaniya..
Ngunit dahil sa pananabik kong ito, ay pinasok ko ang isang kompliladong sitwasyon..
Dumaan ang mga buwan, naramdaman ko ang kaniyang tunay na pagmamahal..
Pero, ako. Ako na walang nararamdaman sa kanya, ay pinilit syang mahalin dahil lang sa aking hangarin..
Hindi ko na kinaya ang aking pinagagawa, hindi karapatdapat sa kanya ang isang babaeng gaya ko na manggamit para sa hangarin..
Nang malaman nya ang aking intensyon ay agad nya akong hiniwalayan, dahil sa naidulot kung sakit sa kanya..
Muli akong nagpunta sa simbahan upang magdasal.. At napaisip..
Siguro ay hindi sila ang pag ibig na hinahanap ko.
At hindi ko na kailangan pang hanapin dahil ito'y na sa aking harapan na..
--*
Buwan ang lumipas, at ngayon.
Naglalakad ako papuntang altar..
Nahanap ko na ang tunay na pag ibig na hinahanap ko ng kay tagal..
Hindi ko inaakalang nandito ako ngayon, at ito ako ngayon..
Nakasuot nang mahabang damit at nangiti..
Maligaya na akong nagsisilbi sa panginoon.
Limang buwan na ng mapadpad ako sa kumbento at nagdesisyon na maging madre...
Dito pala ako nakatadhana..
Di ako nakatadhanang magmahal ng tao...
Nakatadhana akong magsilbi sa panginoon..
At dito ko lang rin pala matatagpuan ang tunay na pag ibig..
Pagkilala, at paglilingkod sa Diyos....
--*
Hahahaysss. Napaka makaDiyos ko ata dito 😂😂😂 Sorina.
Maikli pero ayos lang din?
Comment, Vote and Be a Fan
Thank you..
-ThreeSia

BINABASA MO ANG
True Love
Non-FictionHanggang kailan ba ako mabibigo sa pag-ibig? Hanggang kailan ba ako maghahanap nang taong para sakin? Kailan ba dadating ang true love ko? Matatagpuan ko pa kaya ito? Ngunit saan?