Hi, ako nga pala si Eleven Watson. Cool name ko noh? Syempre maganda nanay ko e, konek? Ako ay 17 taong gulang na at kasalukuyang tineteks ang gago kong kapatid.
"Tang ina! Wala na kong load bes! Wait papaload lang ako!" Sabi ko sa bestfriend kong kumakain ng kwek kwek.
"Ge push mo lang, sino ba yang ka text mo?" Sya
"Wala nga e, itetext ko lang yung kapatid kong kupal at baka hindi pa rin nag sasaing." ako. Tumango naman sya samantalang ako pumunta na sa kalapit na sari-sari store.
"Pa load nga po regular 10 lang." Cheap ko ba? Pakialam mo?
Nung pumasok na yung load syempre nag bayad ako, ayoko pang matukhang noh.
'Hoy gago umuwi ka na! Mag saing ka king ina mo! Yari ka kay mama pag uwi nya, ako na nga nag luto ng ulam e! Kaya ikaw naman sa kanin gago!'
Yan yung laman ng text ko. At dahil gago ang kapatid ko at lagi nya nalang binubura ang numero nya sa cellphone ko para hindi ko sya makontak e kinabisado ko nalang. Tinatype ko ang number nya then *Send*
One Message Receive
Binuksan ko naman.
'Who the hell are you!?'
Tang ina ngayon ko lang nalaman na ang galing mag english ng kapatid ko.
'Hoy ! Umuwi kana gago! Ako to si Eleven!'
Nag reply ako syempre.
One Message Receive
'Where the fuck are you?!'
Tang ina nung gagong to ah, pinupush ang pag eenglish.
'Nandito sa Baranggay pinaasa walang poreber street at lahat ng mag syota nag hihiwalay sa twentetri'
Sinend ko naman kung nasan ako. Oo seryoso yan, gago yung baranggay captain namin e.
Hindi naman na sya nag reply kaya pinuntahan ko na ulit si Bespren.
"Tangna nung kapatid ko paenglish english pa e halata namang mahirap." Ako
"Haha, alam mo namang gago yun diba ?" Siya sabay subo nanaman ng kwek kwek.
"Who the hell is Eleven!?" Napalingon kami sa sumigaw sa kalapit naming tindahan.
"Tang ina ang gwapo bes!" bulong sakin ni Besty.
"Oo nga e pero anung sabi? Eleven?" Ako yun ah?
"Oo nga e diba ikaw yun?"
narinig siguro kami ni koyang eskandaloso kaya lumapit ito sakin at hinawakan ako sa braso at hinatak palayo. Hindi naman masakit dahil marahan lang naman.
"Teka gago, san mo ko dadalhin!?"
Hinahatak nya kasi ako papunta ata sa kotse nya.
"Tang ina, problema mo kuya!?"
"Im Andrew Kristof Montiel!"
Bigla nya akong pinasok sa kotse nya tapos sinara rin. Sumakay din sya sa kabilang side, narinig ko pa ngang sumigaw si bespren e.
Umandar na yung sasakyan.
"Teka kuya ah? Problema mo ba!? bakit mo ko dinadala sa kung saan saan!? Isa ka ba sa mga riding in tandem na pumapatay tapos ibabalot ako sa scoth tape!? Tangna kuya pramis hindi ako nag dodroga! Tanging DOTA lang ang kinaaadikan ko!" Ako.
"Tss, do you know that you're the fucking first do that fuck to me?! And because im a Montiel, i have an offer, nope a command rather " sya
"Ano!? Tangna nababaliw ka na ba!?" ako O_o
Inabot nya sakin yung cellphone nya. At may nabasa akong convo.
'Hoy gago umuwi ka na! Mag saing ka king ina mo! Yari ka kay mama pag uwi nya, ako na nga nag luto ng ulam e! Kaya ikaw naman sa kanin gago!'
'Who the hell are you!?'
'Hoy ! Umuwi kana gago! Ako to si Eleven!'
'Where the fuck are you today?!'
'Nandito sa Baranggay pinaasa walang poreber street at lahat ng mag syota nag hihiwalay sa twentetri'
Tapos tumingin ako sakanya, apologetic stare. *gulp*
"And because of that fucking crap, I want you ...
To MARRY me"
*******
"Wow! Ang ganda ng lovestory nyo mudra" sabi ng anim na taon kong anak si Aleven Marie Montiel.
"Talaga gago yung tatay mo e. Kaya nga after nyang sabihin yun napasigaw nalang ako sa loob ng sasakyan nya, pero hindi ko yun pinag sisisihan." Nakangiting sambit ko. Nakita ko naman ang aking pinakamamahal na asawa na palapit samin.
"E ano po bang sinigaw nyo mudra kay pudra?" sya
Nagkatinginan naman kami ni Andrew at sabay na sinigaw ang salitang yun.
"KING INA WRONG SEND!"
*END*
****Wahhh! Natapos din ang isa ko pang katarantaduhan shet! Please spread nyo naman ! Nakasalalay ang buhay ko dito! Joke lang. Please do VOMMENTS! Lovelots :*
Sana mabasa nyo din ang On-Going story ko na ICE MEETS COLD! Completed na ang book one! Magkasama lang ang book 1 at book 2 kaya di kayo mabibitin, pramis. Konti lang. 😂
Add me on facebook:
BoyishDrummer WP~DEE ☺💋❤💪👏
BINABASA MO ANG
KING INA WRONG SEND! (One Shot)
Short StoryEto na siguro yung tinatawag nilang tadhana, i guess? **** New one shot Ko mga bes! Support nyo rin.👍 ~BoyishDrummer☺