Prologue
"Babe gising na." Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Ano ba 'yan. Ang aga pa, e.
"Five minutes." Umisod ako ng konti sa higaan at saka dagliang nagmulat ng mga mata. Sumalubong sa'kin ang nakangiting mukha ni Art.
Kung ganito ba naman lagi ang bubungad sa'yo tuwing umaga. Hay.
"Babe. Baba na at kakain na." Ang sweet n'ya talaga. Imbes na bumangon, nagtaklob ako ng kumot at saka pumikit muli. Inaantok pa ako, e.
"Uy! Gising na."
"Hmm"
"Gising!!"
"Ano ba!"
"HOY BABAE! GUMISING KA NA NGA!"
Napahawak ako sa balakang ko nang mahulog ako sa sahig. Punyetang panaginip naman talaga, oo.
"Tulog mantika ka talagang babae ka. Bilisan mong kumilos. Buti sana kung ikaw lang ang mal-late."
Napatingin ako sa balahurang nanira ng tulog ko. Nakakunot na naman ang noo nito na tila ba pasan lahat ng problema sa mundo. Umagang-umaga binati na naman ako ng malalalim nitong mata na kulang na lang ay kainin ako ng buhay sa sama ng tingin nito.
"Done checking me out?" He said and then flashed a smirk on his face. I just rolled my eyes without saying even a single word. Inaantok pa ako, e. Before I could do anything, he pushed me towards the bathroom.
"Aish! May paa naman ako! Kaya kong maglakad! Di mo na kailangang itulak. Tsk!" Singhal ko sa kanya nang maitulak na ako nito papasok ng bathroom.
"Sige na bilis!" I slammed the door behind him. Bago tuluyang maisara ang pinto ay narinig ko pa ang malutong nitong mura.
"Fuck! Ako na nga nagmamagandang loob, ako pa nabalibagan. Salamat ha! Salamat!"
So ano? Instead of slamming the door, should I thank him for ruining my sleep? Bitch, please.
Ganyan kami lagi. Laging nag-aaway. Hindi sweet. No. Never been. Hindi na din ako nagtagal sa paga-ayos at bumaba na rin. Nadatnan kong naghihintay na sa labas si Art. Aburido na naman ang lalaki.
"Hoy babae! Bilisan mo!"
"Heto na nga po. Nakakahiya naman sa'yo. Nakikita mo na ngang binibilisan ko." Sinamaan lang niya ako ng tingin bago pumasok ng kotse nang hindi ako hinihintay na makapasok. Asa naman akong pagbubuksan niya ako ng pinto, no.
7:20 na pala. 8:00 ang klase namin ni Art. Sa major subjects, pareho kami ng schedule ni Art. Pero the rest, hindi na. So it's a relief. Napatingin ako sa lalaking ito habang nagd-drive. Sa halos isang taong pagsasama namin wala ng bago sa araw-araw namin. Ganyan lagi. Sigawan. Awayan. Kung hindi naman kami magsisigawan, ay tatahimik at di mag-iimikan. Ibig sabihin lang, masyado nang malaki ang namumuong tensyon sa amin.
"Stop staring. I might mend." I just rolled my eyes. This guy is so, ugh!
"Don't talk to me while we're here."
Ilang beses ko na ba 'yang narinig sa kanya? I unbuckle my seatbelt. Nakahinto ang kotse sa may kanto, 3 blocks away from Lionhart University. 'Di kami sabay bumababa ni Art sa kotse. Just because. Hindi na lang ako umimik at lalabas na sanang kotse kung hindi lang niya ako pinigilan.
"Hey! I'm still talking to you!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang sabi niya 'wag ko siyang kausapin tapos siya naman nagagalit kasi 'di ko siya kinakausap? Wow, ha! Seriously? May tililing talaga 'to.