First

21 5 1
                                    

Nakadungaw lang ako sa bintana ng university ito ang aking libangan kapag walang pumasok na teacher

'Alam mo Clarissa sobrang hot talaga ni Stephen' sabi ng kaibigan ko hindi ako lumingon sakanya nanatili pa din ang tingin ko sa tanawin

'Ano teh? Nagiimagine ka nanaman?' Tanong nya humarap ako sakanya
'Alam mo panira ka talaga nuh? Alis nga dyan, daldal mo!' Sabi ko at bumalik sa tinitignan ko
Nakatingin lang din sya sa kung san ako nakatingin

'Alam mo mukha kang tanga dyan! Tse!' Sabi nya at umalis na, ang bruha bumawi pa

May nakita akong tao sa veranda na tinitignan ko kanina pa, malayo iyon kaya hindi ko makita kung lalaki ba o babae, agad ko kinuha ang aking eyeglass sa bag at sinulyapan ang nasa veranda

Nagulat ako ng nakatingin sya sa pwesto ko at kitang kita ko kung sino ang lalaking iyon
'Stephen' bulong ko

Doon na pala siya nakatira kaya pala nahahalata ko na hindi na siya nalilate bihira nalang, nakatingin lang ako sakanya at ganun din siya

Ngunit bigla siyang pumasok sa loob at agad ding lumabas may dalang ewan may ginawa siya at itinaas iyon ay may nakasulat doon

'Panget mo' ang nakalagay doon
Kumuha din ako sa aking bag at nagsulat ng mas malaki pa sakanyang ginawang littering tinaas ko iyon

Ang nakasulat doon ay 'baliw ./.'

At agad na lumipat ng pwesta para hindi na sya makita pa.

Nanguwian na ay nagmamadali akong kinuha ang bag ko
'Cr lang ako sunod ka nalang dun' sabi ko kay Patricia ang kaibigan ko tumango sya bilang sagot

Tumakbo na ako dahil ihing ihi na ako, pagkatapos ay andun na ang kaibigan ko sa tapat ng salamin at nagsimula na kaming magayos

'Grabe nakasalubong ko si Stephen ughhh ang Hot' sabay dila pa niya

'Ewww' ang tanging sagot ko

Naalala ko ang ginawa ko kanina lihim akong napatawa dun

Pagkatapos namin ay nag aya na agad akong umuwi dahil sobrang daming activities, home works ngayon

Habang naglalakad ay nahulog ang gamit ko at agad kong pinulot iyon at ng pupulutin ko na sana ang isa ay may umapak noon, tinignan ko kung sino ang umapak nun si Stephen pala nagsmirk sya sakin bago umalis

'Yabang mo!' Hinabol ko sya at binatukan
Humarap siya sakin
'Panget mo naman' sabi nya at nainis ako dun kaya agad ko siyang sinipa sa binte nya at tumakbo na

'Lagot ka sakin kala mo!' Sigaw nya at agad akong lumingon sakanya at dinilaan

The Fire HeartsWhere stories live. Discover now