Second

6 1 1
                                    

"Duh! Kahit kaylan di ako matatakot sa halimaw na yun! Ang yabang yabang nya kasi!" Bulong ko habang naglalakad pauwi

"Buti kapa napapansin nya ughh! Hot nya talaga eh!" Sabi naman ng kaibigan ko habang pinapaypay pa gamit ang kamay sa sarili waring naiinitan

Napairap nalang ako kay Pat dahil sa pagpapantasya nya sa isang Halimaw "Duh panget ng type mo, panget ka din kasi!" Sabi ko

"Ouch bes ang plastik mo!" Sabay sapak sakin

Napahawak ako sa ulo ko sa ginawa nya sobrang sakit nun ah "Plastik ka din naman bes. Pwe!" Sabi ko sabay irap

"Bahala ka na nga dyan! Isusumbong kita kay Tita na pinahiya mo nanaman si Stephen!" Sabi nya sabay takbo

"Sumbungerang shaka gaga" pumunta muna ako sa ice cream parlor para magpalamig ng ulo grabe

Pagpasok ko palang may naramdaman na akong parang halimaw kaya naman dumeritso agad ako para umorder iuuwi ko na lang agad ito sa bahay madami pa kasing gagawin at isa pa andito si Stephen ang Halimaw
Nang nakuha ko na ang order ko ay agad hinarangan ni Stephen ang dadaanan ko umirap ako sakanya at tinitigan ko sya ginaya nya ang pag irap ko
"Ang hilig mo mang irap ah" sabi nya sabay ngisi
Napatawa naman ako dun "Pake mo duh?! Bakit mo ba ako sinusundan!" Sigaw ko sa mukha nya with talsik laway pa

"Baho nun ah!" sigaw nya "Hindi kita sinusundan! Tatanong ko kung may dapat bang ipasa dahil di ako nakapasok kanina!" Sigaw nya pa

"Papasok lang pag pauwi na" bulong ko
Umirap ako at kinuha ang bag ko at nilabas dun ang nilecture ko para sa mga kaylangan ipasa, hinablot ko ang cellphone nya at agad pinicturan

"Thanks" sabi nya sabay talikod

"Yabang tse!" Naglakad na din ako pauwi

Gabi na at wala pa akong nagagawa dahil may inistalk pa ako grabe! Ito nalang lagi ang libangan ko
Nag offline na ako dahil napapapikit na ang mata ko at sobrang sakit na din

Matutulog nalang ako at mamayang madaling araw ko nalang gagawin ang mga assignments ko.

KINABUKASAN

Goshh di ko na nagawa ang mga assignment ko! Kung bakit kasi di ko pa ginawa kagabi! Bahala na mangongopya nalang ako mamaya.
Agad naman akong naligo at nagayos pag katapos nun ay pumasok na ako

Unti palang ang naglalakad papasok kaya naman binabagalan ko nalang ang paglalakad para hindi pagod pagdating sa room.

Nagulat ako ng nandito na agad si Stephen nakaupo sya nakatalikod sya sakin kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa upuan ko

Nagulat naman ako ng bigla syang kumanta
"Galing tumula ah!" Sabay hila ng earphone nya, nagulat naman sya sakin kumunot ang noo nya na parang nangingilala

"Transferee ka?" Tanong nya sakin
Agad ko naman syang binatukan kapal nito!

"May aaminin sana ako sayo " malumanay kung sabi sakanya wariy seryoso

"Tss ano?!" Sabi nya

"May gusto kasi ako sayo" bulong ko sakanya grave! Pipigilan ko matawa hahahaha natatawa ako sa reaksyon ng mukha nya kaya naman pinagpatuloy ko pa ang arte ko para mapaniwala sya

"Matagal na simula nung grade 7 tayo hanggang ngayong grade 11 na tayo feeling ko nga may gusto kana din sakin kasi lagi mo ako inaasar" sabi ko sakanya habang nagpapacute pa "Sana sabihin mo naman sakin kung may gusto ka din sakin" hindi pa din nagbabago ang reaksyon nang mukha nya ahahahaha! Ang panget talaga letche!

"Alam mo ang panget mo pala mag panggap" nagulat pa ako dahil sa sinabi nyang yun , agad naman syang tumayo at lumipat ng upuan

"Sa tagal mo nang ginagawa sakin yan maniniwala pa ako?!" Sabi nya pa

The Fire HeartsWhere stories live. Discover now