Taking a deep breath, I pushed myself off outside the house as the cold breeze of the wind brushed againts my skin.
Nakalimutan ko, malamig pala ang panahon ngayon. Bakit ba nakalimutan kong mag-jacket?
Dali-dali akong tumakbo pabalik ng kwarto at nagpalit ng damit. 'Yung paniguradong hindi ako lalamigin. Matapos ay lumabas na ako ng bahay at naglakad sa daan papunta sa Public Library. Gusto kong manghiram muna ng libro ngayon.
Akmang tatawid na sana sa kanan ng may lumipad na papel at dumako sa mukha ko. What the?!
Kunot-noo kong kinuha ang papel sa mukha at sinamaan ng tingin ang sinumang pangahas na nagpalipad nitong papel na 'to at pinapunta sa mukha ko.
At nakita ko 'yung lalaking nagtitinakbo papalayo sa'kin. Tsk. Kinuha ko ang dart na nasa bulsa ng jacket ko at akmang aasintahin na sana 'yung pang-upo nu'ng lalaki.
Bumuga ako ng isang buntong hininga. Masyado na siyang malayo, medyo marunong man ako magtarget ng isang bagay, hindi ko naman kaya 'yon sa sobrang kalayuan na parang isang daang metro na yata 'yung layo sa'kin.
Tinago ko na lang ulit ang dart sa bulsa ng jacket ko at tumawid na papunta sa shortcut papuntang Public Library nang maisipan kong basahin ang nakasulat doon sa papel. Hawak ko pa pala 'to.
Napakunot ang noo ko ng mabasa, "Gene modification? Hm,"
Itinabi ko ang papel sa bulsa ng jacket ko at nagsimula na muling maglakad. Mahirap ng masagasaan ngayon, ano.
* * *
Imbis na mapunta ako sa sa Public Library, napunta ako sa Laboratory ng Error City.
Kumatok muna ako bago pumasok. Walang nakalagay kung open o close. Maybe I'll be a bad person for entering a building without any permission.
I'm about to take one little step when, "What are you doing here?"
My legs wobbled, my hands afe trembling by my side, as I heard an intimidating voice coming from the right corner of the room.
"I-i'm here because of my curiousity," I stutter between my words. Nakakatakot naman dito!
Narinig kong tumawa 'yung lalaki at narinig ko 'yung paglalakad niya papunta sa pwesto ko.
"Curiousity about?"
"Genetic engineering slash genetic modification po."
He grinned, "Do you have enough knowledge about that?"
"None," I confessed.
Tumango-tango muna ito bago magsalita, "Gene modification is a transfer of genes within and across species boundaries to produce improved or novel organisms."
"Ano pong pwedeng itransfer?" tanong ko rito.
"Madami."
"Katulad ng?"
"Bacteria. Kapag hindi ka tumigil sa kakatanong, tatransfer-an kita ng bacteria. Gusto mo?"
I pressed my lips together. Nakakatakot naman talaga 'to si Doctor ewan!
Tumawa na naman ito. "I'm just kidding. Anyway, I'm Doctor Magnus Rivera, one of the Scientists of SciTech Team of Error City. Nice to meet you, Miss...?"
"Blythe Tremblay. And, nice to meet you, too, Doctor." ngumiti ako ng malapad.
"So, gusto mo ba ng gene modification?" tanong nito.
"Um, transfer of bacteria po ba? 'Wag na lang po." I sighed audibly.
Tumawa na naman siya, "Hindi naman bacteria. Supernatural abilit-"
Before he could end his statement, "OMG! Totoo po? Supernatural ability?! Yep! Yep! Gusto ko!" nagsisinigaw ako. I've been longing to have one!
"Relax," saway nito sa'kin kaya naman tumigil ako, "Anong powers ba ang gusto mo?"
With that, napakunot ang noo ko at napaisip. Ano nga ba?
Ipinikit ko ng mariin ang mata ko para makapag-isip. Bigla kong naalala 'yung lalaking gusto kong asintahin kanina at tamaan ng dart.
Perfect!
"Omnipresential attack, please."
Tumango ito. "Copy. Sundan mo ako, pupunta tayo sa OR. 'Wag ka ng magtaka kung magigising ka kinabukasan."
Nae-excite akong sumunod sa kanya. Gustong-gusto ko na ng powers! Babalikan ko talaga 'yung lalaking 'yon kapag may omnipresential attack na ako!
Sana walang bayad 'yung gene modification! Wala akong budget para dito. Hehehe.
* * *
"So, you're awake?"
Napakunot ang noo ko ng mamulat ang mata ko at nakita ko sa medyo kalayuan si Dr. Rivera. Matapos kong tumingin sa kanya, tumingin ako sa bintana. Umaga na ulit. Tama nga siya.
"Good morning po! May powers na po ba ako?" nae-excite kong tanong na nagpangiti sa kanya.
"Oh," may binigay siya sa'king dart at itinuro ang isang target, "Nakahiga ka lang riyan at hindi maayos ang pwesto mo. Pero itry mong tamaan 'yung target na 'yun. Kapag bull's eye, one thousand ko. Kapag hindi, babayaran kita."
Napatango ako. Deal.
Tiningnan ko ang target at ibinato na ang dart.
What the?!
"B-bull's eye!"
"Oh, one thousand points, please."
"No way! But, thank you, Doctor! I really owe you one." yumuko ako bilang pasasalamat.
"No worries, that's our obligation. You may now go and rest if you want. Medyo sasakit pa ang pakiramdam mo ngayon pero magiging okay ka rin."
"Yep! Thank you very much, once again!"
Ngumiti ito, "Don't mention it."