Skye's POV
"La, alis na po ako", inaayos ko na ang mga gamit ko para pumasok na sa trabaho. Si Lola lang ang maiiwan dito pero ibibilin ko na lang siya sa kapitbahay namin.
"Sige apo. Mag-ingat ka." Hinalikan ako sa noo ni Lola para mag-paalam na. Lumabas na ako sa bahay pero bago ako tuluyang umalis, binilin ko muna si Lola sa kapitbahay namin para matignan-tignan. Mahirap na, nag-iisa lang siya sa bahay.
Sumakay na ko ng jeep papunta sa pinagtatrabahuhan ko. Sa isang shopping mall ako nagtatrabaho. Nagbebenta kami ng karaoke set sa pinakababang floor ng mall pero hindi lang 'yan ang trabaho ko. Sa gabi ay nagtatrabaho naman ako sa isang restaurant bilang waitress. Naghahanap pa ako ng pwede ko pang kunin na trabaho tuwing weekends para mas lumaki ang kita ko.
Dahil sa dalawa lang kami ni lola, walang ibang magtatrabaho samin kung 'di ako. Hindi ko alam kung nasaan ang magulang ko. Iniwan lang ako kay lola. Hindi ko nga alam kung buhay pa sila o may sarili ng pamilya. Ni hindi man lang ako binisita pati na si lola.
Bumaba na ako sa mall at pumasok muna sa restroom para magbihis ng uniform ko. Nag-apply rin ako ng unting make-up para naman mukha akong presentable. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa stall namin.
Nakita ko si Alice na patapos na kumanta. Si Alice ang kasamahan ko dito sa trabaho sa mall. Para mas marami kaming mahatak na customer ay kumakanta kami gamit ang karaoke set na binebenta namin para mapakita namin na maganda ang quality nito.
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng pagkanta ni Alice. Magaling talaga siya kumanta kaya naman mabilis kumota yan. Kinawayan ko siya at nakita naman niya ko.
"Uy, Skye! Buti nandyan ka na. Sumasakit na lalamunan ko bes. Hirap talaga kumita ng pera", sabi naman niya na lumalagok na ng tubig. "Ikaw na sunod sa 'kin ah", siniko naman ako ng mahina ng babaeng 'to sa tagiliran.
"Oo na. Galing-galing mo talaga kumanta. Hahaha", sabi ko at nilapag ko na ang bag ko sa kabinet at sinuot na ang name tag ko.
"Sus, parang ikaw naman hindi. Hahaha sige na. Pahinga lang ako." Umupo na siya at kinuha ko na ang mic. Tumikhim muna ko para ihanda ang lalamunan ko.
Pinindot ko na ang kantang patutugtugin at kakantahin ko. Pinili ko ang katang Maybe this Time. Hahaha wala talaga kong kasawa-sawa.
Tumugtog na ang intro ng kanta at niramdam ko 'yon. Pumikit ako para huminga ng malalim at saka sinimulan kumanta.
Two old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've beenRamdam na ramdam ko ang kanta. Naaalala ko siya tuwing kinakanta ko 'to. Umaasa ako na sana magkita kami ulit. Pero hindi ko alam kung kailan o may pagkakataon pa ba.
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere a long agoBinuksan ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang mga taong nakapaligid sa akin hanggang sa mapadaan ang tingin ko sa isang lalaking naglalakad sa tapat ng stall namin. Kumabog ang dibidib ko.
H-how are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'...Napapiyok ako dahil sa lakas ng tibok ng dibdib ko na pakiramdam ko tatalon na 'to at hahabulin ang lalaking naglalakad. Narinig kong nagbulungan na ang mga tao na nanonood sa akin. Nahiya ako bigla pero tinuloy ko pa rin ang pagkanta.
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won't endAno bang ginagawa ko? Umaasa pa rin ba ko na papansinin pa niya ko. Mukhang maayos na nga ang buhay niya, malayong-malayo sa meron ako. Pero kahit anong pilit ng isip ko, 'di pa rin tumitigil ang puso kong tumibok sa pagtingin pa lang sa kanya.
It's the same old feeling back again
It's the one they had way back when
They were too young to know when love is real
But somehow, some things never change
And even time hasn't cooled the flame
It's burnin' even brighter than it did before
It got another chance, and if they take it...Wala talagang nagbago sa kin samantalang mukhang maraming nagbago sa kanya. Akala ko nakalimutan ko na siya pagkatapos ng 5 taon na wala siya. Pero eto ko kumakanta habng iniisip siya.
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won't endMay pag-asa pa ba? Napaka-pathetic ko talaga. Ano ba 'tong iniisip ko? Kailangan ko na siya kalimutan pero kumakapit pa rin ako sa bagay na hindi na maaari. Tinignan ko siya ulit sa huling pagkakataon. Ngumiti ako at lumingon muli sa kanya.
She's smilin' like she used to smile way back then
She's feelin' like she used to feel way back when
They tried, but somethin' kept them
Waiting for this magic momentKumabog ng malakas ang dibdib ko nung nakita kong nakatigin na siya sa kin. Hindi ko na marinig yung boses ko pero alam kong kumakanta pa rin ako. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Hindi siya gumagalaw. Nakatayo lang siya sa tapat ng isang restaurant habang hawak ang cp niya. Nakatigil ang kamay niya sa ere pero walang makikitang emosyon sa kanya.
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so rightHindi ko alam kung masaya siya o wala talaga siyang nararamdaman na kahit ano. Biglang may lumapit sa kanyang babae. Nawala ang ngiti ko sa labi. Hindi na siya nakatingin sa 'kin ngayon kundi sa babaeng nakakapit na ngayon sa braso niya.
Maybe this time...
Maybe this time
Maybe this time love won't endWala na. Wala ng this time. Tapos na kagaya ng pagtatapos ng pagkanta ko. Pumalakpak ang mga tao matapos kong kumanta. Na-appreciate nila kahit pumiyok ako. Salamat naman. Pinunasan ko ang luha na hindi ko alam na malapit ng tumulo dahil sa sobrang emosyon. Hindi na dapat ako umaasa pa.
Binaba ko na ang mic at pumasok na sa stall namin para asikasuhin ang mga customers na nang-iikot sa stall namin. Pero bago 'yon ay lumingon ako kung saan siya. Katulad ng inaasahan ko, wala na siya doon.
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionTwo old sweethearts who fell apart. But what happens if fate intervenes and they met again. Are they going to give themselves another chance? Or let everything go just as the way they let go of each other last time?