Scouted

12 0 0
                                    

Maingay sa barangay namin ngayon dahil fiesta. Nakasabit na ang mga banderitas at nagkalat na ang mga matatandang nagtitinda ng mga makukulay na sisiw, ng mga naka-plastic na isda pati na rin ang mga batang hindi alam kung saang kariton ang pupuntahan para lustayin ang baryang hiningi nila sa mga magulang nila.

Nakikita ko na rin ang mga kapitbahay naming  nagtsi-tsismisan habang dala-dala nila ang mga pinamili sa palengke para sa salo-salo sa kani-kanilang bahay.

Pumasok na ko sa bahay namin at nagmano sa aking lola. Malaki rin ang ngiti sa mukha ng aking lola habang abala sa pagluluto. Halos lahat ata ng mga taong nakita ko ngayon ay masigla dahil sa pista.

Ang iniisip ko lang ngayon ay yung contest na sinalihan ko. Hindi ito ang unang beses pero kinakabahan pa rin ako. 

"Ahem ahem...ahh oooahhh" hinahanda ko na yung lalamunan ko para mamayang gabi. Hoo kinakabahan talaga ko.

"O apo, hindi ka mapakali diyan ah. Kinakabahan ka?" nakakagulat naman 'to si lola. 

"Opo 'la eh. Baka pumiyok ako nakakahiya~" tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Naiisip ko pa lang na pumiyok ako nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Sus naman apo. Ilang beses ka ng sumasali kinakabahan ka pa rin? Dito ka nga" lumapit ako kay lola at nagpayakap sa kanya. Niyakap ko rin siya pabalik. Si lola talaga nagpapagaan ng loob ko lalo na nang iniwan ako ng mama ko.

"Alam mo bang ang galing-galing mong kumanta. Para kang mama mo nung araw. Sinasamahan ko siya noon sa mga pa-contest sa barangay at laging nananalo ang mama mo. Kaya mo 'yan. Parang wala ka namang pinagmanahan." narinig ko na noon na magaling nga kumanta ang mama ko. Lagi pa kaming napagkukumpara nung bata pa siya.

Kaya nga lang nang may nag-aya kay mama na kumanta sa ibang bansa para mas kumita ng malaki, iyon iniwan ako kay lola. Hindi naman sa ayaw ko kay lola pero mas maganda sana kung nandito si mama. Hindi ko na nga matandaan kung anong itsura niya kasi sobrang tagal na nun.

"Oh, nalungkot ka diyan apo? Hayaan mo na. Nandito naman si lola para suportahan ka. Anong oras ba 'yung contest mo?" tinanggal ko na sa isip ko yon at baka makaapekto pa sa pagkanta ko mamaya.

"La, 8 pm po." nginitian ko si lola. Hindi ko alam kung nasaan na si mama, si lola lang ang nandito kaya hindi ko na dapat pang pagtuunan ng pansin ang wala rito. Bumalik na sa pagluluto si lola at bumalik na rin ako sa pagpa-practice.

__________~*~__________

Oh my gasshhh!!! Ito na talaga. Nasa gilid ako ng stage habang hinihintay kong matapos ang ibang mga contestant na nauna sa kin. Kinakabahan ako ng sobra at baka magkatotoo ang kinatatakutan ko kanina. Nakikita ko mula sa lugar ko ang mga audience. Nakita ko na rin si lola na nakaupo sa kanang side at may hawak-hawak na banner. 

Ang gagaling kumanta ng mga nauna sa 'kin. May ibang ang tataas bumirit, may iba naman na malumanay kumanta na nakakataas balahibo. Hala pano na yan. Hoooo...bahala na. Dadamdamin ko na lang yung kanta.

"Napataas ba ang mga balahibo niyo sa pagkanta ni ng pang-lima nating contestant?" nagsalita na ang emcee. Tapos na yung nauna sa 'kin. Malakas na nagpalakpakan ang audience. May ibang sumisipol-sipol pa. Nanginginig na ang tuhod ko. Panay na rin ang pag-inom ko ng tubig. Kinakabahan ako baka maihi pa ko sa stage. Wag naman po please.

"Hindi lang yan ang magagaling nating contestant. Tawagin na natin ang panghuling contestant. Helena Marquez!" ano ba 'yan. Lalo akong na-pressure dahil sa sinabi ng host. Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao at naglakad na ko papunta sa gitna ng stage.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon