Prologue

2.2K 56 18
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Zander's POV

"Dad naman! Wag niyo nga akong ipilit sa kanya, hindi ko siya gusto."

"Mag-isip ka nga anak, malaking kumpanya ang hawak ng magulang niya. Kapag naging kayo at naipakasal kayo as soon as possible malaki ang magiging pagbabago ng kumpanya natin."

"Dad pwede ba kahit sa ganitong sitwasyon lang wag muna kayong makialam sa desisyon ko." Aniko habang pinipilit kong kontrolin galit ko. "Buong buhay ko kayo ang nagdidikta kung ano ang gagawin ko kaya sana naman kahit ngayon lang respetuhin niyo desisyon ko."

"Ako pa rin ang Ama mo. At ako ang bumuhay sayo, ako ang nag-alaga sayo at higit sa lahat ako ang nagbigay sayo ng magandang buhay na ini-enjoy mo ngayon. Kaya dapat lang na sumunod ka sa sasabihin ko."

"Kailan ba ako humiling ng magandang buhay sayo? Ni hindi ko nga na-enjoy tong buhay na meron ako eh dahil buong buhay ko kontrolado niyo."

Nandito kami ngayon sa kwarto samantalang nasa baba naman si Mom, si Chlea na pinipilit ni Dad na ipakasal sakin at kasama niya rin yung magulang niya para pag-usapan yung magaganap na kasal pero hindi ako papayag kaya heto kami ngayon ni Dad para pilitin niya ako ikasal sa babaeng yun.

"Kung hindi mo ako kayang sundin lumayas ka sa pamamamahay ko at wag ka ng babalik pa! Huwag mong aasahan na magagamit mo credit card mo, ngayon pumili ka susundin mo ako o lalayas ka ngayon na."

Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko ang hoodie, phone at iba ko pang mahahalagang gamit saka ako bumaba. Hindi na sumagi sa isip ko na magpa-alam kay Mom at sa magulang ni Chlea. Lumabas ako bahay saka ako naglakad. Lakad lang ako ng lakad ng bigla akong nakaramdam ng pagod kaya tumambay muna ako sa park, pagkaupong-pagkaupo ko pa lang nagpantig na yung tenga ko ng makarinig ako ng iyak ng babae kaya agad akong tumungo kung saan ko narinig yung iyak. Nakita ko siyang naka-upo habang umiiyak at nakatakip yung mukha.

Agad ko siyang nilapitan at kinalabit, hindi siya lumingon kaya naman nagsalita ako. "Miss wag ka ng umiyak hindi ka na mahal nun at hinding-hindi ka na niya mamahalin pa." Dahil sa sinabi ko lumingon siya, ang problema nga lang ang sama ng tingin.

Napalitan naman yung expression ng mukha niya ng makita niyang nakalahad yung kamay ko na may hawak na panyo. Imbis na kunin niya yung panyo bigla na lang siya yumakap sakin at umiyak sa balikat ko. Ano ba yan ba't sakin pa? Pwede naman sa puno.

Hindi ako sanay sa ganitong bagay eh, ni minsan hindi ko pa nagawang mag comfort ng tao at lalong-lalo ng hindi ako marunong magpatahan ng babaeng umiiyak. At sa wakas tumigil din siya sa pag-iyak kaya naman agad siyang dumistansiya sakin at umiwas ng tingin.

Okay....? Awkward.....

"S...sorry." Aniya.

What for? She's kinda weird. "Hindi okay lang, umupo ka kaya muna." Sabay alalay ko sa kanya paupo. "Ano ba iniiyak mo, Miss? Dahil ba pabilog at lumaki na ang supot ng pancit canton? Dahil ba nagmahal na ang bigas? Dahil ba hindi nanalo si Roxas sa election? Dahil ba sa oplan tokhang? O dahil hanggang ngayon wala pa ring lugaw sa Mcdo? O baka naman dahil hindi ka nakapunta sa Wings Tour?!"

Tinignan niya ako saka sumagot habang umiiyak. "Hindi kaya... Gusto ko nga yung bagong pancit canton eh, hindi naman ako mahilig kumain ng kanin *sob* *sob* tsaka binoto ko kaya si Duterte, hindi naman ako adik *sob* at tsaka fan ako ni jollibee no! simula bata hanggang ngayon hindi ko nakakalimutang kumain sa jollibee. Oo hindi ako nakapunta sa Wings tour ng BTS pero hindi naman yun yung iniiyak ko eh!" Tapos saka siya umiyak ulit ng parang bata, ano bang problema nitong babaeng to?! Pero in fairness nasagot niya lahat ng tanong ko.

"Eto panyo oh, sabihin mo naman kung iiyak ka para mahanda ko tong panyo! Tapos kung ano man yang problema mo, kalimutan mo na. Ang intindihin mo buhay ka pa." Hindi pa rin siya nagsasalita sa halip iyak lang siya ng iyak. "Miss saan ba bahay niyo? Ihahatid na kita kasi alas onse na ng gabi oh."

"Ayoko pang umuwi sa bahay, pwede ba sa inyo muna ako magpalipas ng gabi?"

Baliw na ba tong babaeng to? Samin siya magpapalipas eh wala na nga akong bahay. Tsaka lalaki ako no! Anong iisipin ng mga tsimosa kapag nalaman nilang nag-uwi ako ng babae.

"H-huh? Mukhang taga dito ka naman eh, dali sabihin mo address mo ng maihatid na kita."

"Kahit ngayong gabi lang." Pagmamaka-awa nito.

Napahinga ako ng malalim bago ulit ko magsalita. "Sige pero tatawagan ko muna magulang mo para alam nila kung nasaan ka."

"Wag na. Pauuwiin lang nila ako."

"Aish! Ba't ko ba nilapitan tong babaeng to?" Bulong ko sa sarili ko. "Halika na nga." Sumunod naman siya sakin hanggang sa makalabas kami ng village. Tumawag kaagad ako ng jeep saka kami sumakay.

"Manong oh, bayad ho." Aniko saka ko inabot yung bayad.

"Galing saan to at saan bababa?" Sabi ni manong driver.

"Galing po sa pogi." Saka naman nagtawanan yung mga pasahero. "Biro lang po, seryoso na galing po sa bulsa ng gwapo." Napansin ko na ang sama na ng tingin ng driver. "Sige boss keep the change na lang, dito na lang kami bababa." Saka niya hininto yung jeep at bumaba naman kami.

Pumunta kami ng condo at pumasok ng elevator paakyat sa 4th floor. Saka kami dumiretso sa condo unit, binuksan ko yung pinto at dun tumambad sakin yung dalawa kong alalay at mga nakahubad pa ang mga siraulo. Binato ko nga ng twalya.

"Magsipagsuot nga kayo ng damit, baka hindi ko kayo matantsa at pagsasampalin ko kayo."

"Oy pre! Ngayon ka na lang pumunta dito ah tapos nag-uwi ka pa ng babae."

"Ugok hindi ko to babae! Ano bang pangalan mo Miss."

"Uhm... Elisa, Elisa Blaire Dalton."

*****

New story hehe. I really put a lot of my efforts to made this prologue so fellow readers please appreciate it!

Eto rin dahilan kung bakit hindi ako nakapag UD sa isa ko pang story.

Hope you like it guys!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Or Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon