1

1 0 0
                                    

12-24-16
Dear Diary,
    Desperas ng pasko. Ito ay ang araw kung saan nagtitipon-tipon ang boung pamilya, masayang pinagdidiwang ang araw ng kapanganakan ni Maria sa kanyang anak na si Hesus. Ito ay araw ng pagbibigayan, kasiyahan at kapatawaran. Pero bakit hindi ko maramdaman ang pasko? kelan ko pa nga ba naramdaman ang pasko? Kundi puro pasakit lang. Malayo na nga ako sa pamilya ko wala pang taong nagpapasaya sakin ng tunay. Oo, lagi akong nakangiti at nakatawa na animo'y walang problemang dinadala. Pero sa loob-looban ko sandamakmak na problema ang dinadanas ko. Minsan pag nag iisa ako sa kwarto ko, hindi ko namamalayan ang luhang lumalandas sa pisngi ko. Naiisip ko, musta na kaya sina Papa at ng mga kapatid ko samin?Nakakain pa ba ng tatlong beses sa isang araw sila? nakakakain pa ba sila gaya ng masasarap gaya ng dati? Musta na kaya si Mama? Nakakapagpahinga pa ba siya sa hapon? yang mga katanungan ang palaging gumagambala sa aking isipan. Pero sadyang ganyan talaga ang buhay , kailangan magtrabaho para magkapera at makabili ng pangkain . Pero pano na ngayon? pasko na bukas at mamaya na ang Noche Buena, Magkakahiwa-hiwalay kami.Si Ate nasa ibang lugar kung saan siya nagtatrabaho, si Mama nasa bahay ng kapatid niya doon siya umuuwi galing trabaho, ako, narito ako sa bahay na pinapasukan ko. at ang mga kapatid ko kasama si Papa. kasama nga nila si Papa pero ramdam kong malungkot silang lahat kasi wala kami, wala si mama dun, wala si Ate. nasa malayong lugar kami. gustuhin mang umuwi ni mama ay hindi rin magawa dahil sa bagyong paparating.Natamaan na naman ako ng konsensya, nangako pa naman kami na uuwi si Mama ngayong bago magpasko. Nagpaasa na naman kami. Pinaasa na naman namin ang mga kapatid ko.I felt so useless. dapat sana hindi nalang kami nangako. Gaya nung nakaraang taon, hindi rin namin natupad ang pangako naming makakauwi sa Pasko.
Nakakapagod.
Nakakawalang pag asa.
Kung hindi lang sana kami nalulong sa utang sana gaya parin kami ng dati. Masaya, kumpleto , maraming nagmamahal at walang pinoproblema. Ngayon, nagkakaroon man ng kasiyahan pansamantala lang naman.
Nakakainggit tignan ang mga mukha nilang masaya kasama ang kanilang pamilya, kelan ko kaya mararamdaman ulit ang tunay na saya?

-A

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon