Waiting for the Train
written by HaveYouSeenThisGirL (Denny)
From www.haveyouseenthisgirlstories.com
Dugdugdug.
Kahit gaano pa kalakas ang tibok ng puso mo at gaano man sya kalapit sayo, basta may dumaang tren, hindi nya ‘to maririnig. Sinubukan kong ibulong kaso nakaheadset sya, hindi nya narinig.Dadaanin ko sana sa sulat kaso nilipad ng hangin ng tren. Nung isinigaw ko, nakasakay na sya sa tren at nagsara na ang pinto nito at nakaandar na bale hindi nya rin narinig….
Wag mong sabihing torpe ako, ilang beses kong sinubukan sabihin sa kanya pero lagi akong pinipigilan ng tren kahit hanggang sa dulo ng hininga nya.
5yrs na yung nakakaraan nung unang beses ko syang nakita sa may LRT. Naka-uniform sya ng ibang eskwelahan, lagi ko syang napapansin kasi lagi syang nakatayo sa isang certain point sa train tuwing umaga. Parehas kaming nagco-commute papuntang school gamit ang tren, ang cute nya kasi kaya kapansin pansin sya. Wala naman akong balak na lumapit sa kanya o maging close sa kanya, I was already contented sa pagtingin tingin sa kanya sa malayo. Kaso…
Nalaglag yung panyo ko nung isang araw, nagmamadali kasi ako nun makababa ng tren dahil sa may dadaanan pa ako bago pumuntang school at dahil sa pagmamadali ko hindi ko napansing nalaglag yung panyo ko. Buong araw hinanap ko sa school ko yung panyo ko, akala ko kasi sa school ko nawala. Kaya naman nung uwian na, habang nagaantay ako sa may isang bench dun sa tapat ng rails biglang may tumabi sakin at pagtingin ko kung sino, nakita ko siya.
"Miss, sa tingin ko iyo ‘tong panyo na ito?" inabot nya sakin yung panyo, "Nakita ko kasing nalaglag sayo kaninang umaga nung paglabas mo ng train, tatawagin sana kita kaso nakatakbo ka na eh."
Inabot ko yung panyo ko, “Ah thank you. Buti alam mong sumasakay din ako pauwi dito sa train na ‘to.”
Inaasahan kong napapansin nya rin ako sa tuwing nasakay ako sa tren sa umaga at sa hapon.
"Ah, hindi. Nagkataon lang, nakita kasi kitang umupo dito eh kaya ayun binigay ko sayo yan. Ayaw ko naman itapon kanina, nagbabakasakali kasi akong makita ka ulit at maisauli sayo."
Kahit hindi nya alam na lagi akong nasakay sa train na yun eh natuwa pa rin ako kasi, hindi nya tinapon yung panyo ko at nagbakasakali syang makita ako. He’s a gentlemen at dahil dun, mas lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya.
After that incident, hindi na ulit kami nagkaroon ng chance magusap. I was too shy to approach him pero ang nakakatuwa lang eh, madalas kaming nagkakatabi sa bench sa tuwing magiintay kami sa train pauwi. Magha-hi o ngingiti lang sya sakin at ganun din ako pero pagkatapos nun, katahimikan na lang ang namamagitan samin. Ano pa ba aasahan ko diba? Hindi naman kami close.
Pero pag patagal talaga ng patagal, lalong lumalaki talaga ang nararamdaman mo sa isang tao. Isang beses nga, sumakay kami sa train at yung time na yun sobrang dami ng tao sa tren at sobrang sikip kaya naman nung sumakay kami sa tren eh katabi ko sya pero… as in KATABI ko sya kung saan wala ng space. Nakasandal na kasi ako sa pinto at nasa harapan ko naman sya, yung kamay nya nakapatong na lang sa may pintuan din sa pagitan ng ulo ko.
"Pasensya na ah, ang sikip talaga eh." bulong nya sakin. Hindi ko sya masisisi, sobrang sikip talaga na halos hindi ka na makagalaw.
Nakatingin sya sa ibang direksyon kaya naman libreng libre akong pagmasdan ang mukha nya ng sobrang lapit. Narinig ko pa syang bumulong sa sarili nya, “Ang init.”
Tumatagagtak na nga ang pawis nya sa init pero kahit ganun, hindi ko naaamoy ang pawis nya. Hindi sya amoy pawis, infact amoy na amoy ko pa nga ang mabango nyang pabango. Bagay rin sa kanya ang pawisang itsura, lalong dumadagdag sa pagkamasculine nya.
