Marimar, Darna, Dyesebel, Amaya at marami
pang di-malilimutang karater sa mga telefantasya sa
telebisyon. Sino nga ba naman ang hindi
nakakakakila sa isang Marian Rivera? Tubong
Cavite, half-Spanish half-Filipino si Marian na isa
sa pinakamaningning na bituin ngayon sa mundo ng
showbiz. At sa unang pagkakataon, sa isang
bihirang one-on-one interview, ikukuwento ni Marian
kay Rhea Santos ang naiibang side ng kanyang
buhay na hindi pa halos naisisiwalat sa publiko.
Abangan ang unang pagkakataong makapasok sa
bahay na kinalakhan ni Marian sa Cavite, ang
kauna-unahang interview ng kanyang nanay at lola,
ang bago niyang pinagkakaabalahan para manatiling
sexy at ang mga investment ni Marian na naipundar
niya sa halos limang taong pag-aartista. Papaano
nga ba nagsimula ang isang Marian Rivera? Anu-
ano ang kanyang mga pinagdaanang hirap? Paano
niya unti-unting tinupad ang kanyang mga
pangarap? Ngayong Sabado sa Tunay na Buhay,
samahan ninyo kaming kilalanin pa nang lubusan
ang nag-iisang phenomenal star ng Kapuso network.